Saturday, April 14, 2007

failed again

yey! 4th yr na ko. hwahaha!!!

tama lang. gusto ko na kasi matapos na ang lahat. para ayos na. wala ng skul kasi natapos ko na. akala ko madali lang yung gagawin pero mahirap pala. kinailangang gumising ng maaga para hindi mahuli. maghintay ng masasakyan at maghintay ng oras ng napakatagal. tatlong araw ko nang ginagawa at pinagtyatyagaan. hwahaha. sana nga ay matapos na. mahaba haba pa naman ang aking gugugulin.

ngayon ay friday the 13th. nung una hindi ko alam nalaman ko nalang nung nag txt sa akin ang isang mabuting kaibigan. na ang araw na ito ay friday the 13th nga. hindi ko na kasi napapansin ang mga araw. ang araw daw na ito ay malas. tulad ng iniuugnay ng iba tungkol sa araw na ito. sabi nung isa kong kakilala, ang kamalasan ay nasa isip lamang ng mga taong di matanggap ang kanilang kahinaan. tanggap ko ang kahinaan ko. alam kong tanga ako kaya nangyayari yung mga bagay na di ko inasahan. hindi kasi ako nag-iisip. matagal kasi akong mag-isip kaya hindi ko na lang pinag-iisipan. para mabilis lamang. kaya naman ganon na lamang ang kinalalabasan. ng maling desisyon at hindi pag-iisip sa talagang dapat at tama. kaya wala na dapat pa akong sisihin kundi ang aking sarili na ubod ng kawalang halaga. walang kwenta. at hindi ang sa kung ano man ang araw na ito.

failed again so just leave me alone. bwahaha!!!

Tuesday, April 10, 2007

goodluck

eto na ang quezo music video..



hwahaha!!!


magduduty na ko. sana maging maayos yun. goodluck juviL!?

Friday, April 6, 2007

pintura




.ayoko nang mawalay pa sa'yo.

astig!


nakakatawa yung mga nagdidikit ng poster ng mga kandidato sa mga poste at puno. wala lang. kasi kahit dun sa pader ng bahay, nagdidikit din sila. tapos hindi pa nagpapaalam. hindi din nakukuha sa tingin. kahit tignan nang masama nung may - ari nung pader. hahaha

happy holy week. maging masaya pero hindi dapat kalimutan kung ano ang meron sa mga araw na ito. tayo ay magnilay nilay.



.mahal ko ang taong ito.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo