Saturday, July 28, 2012

bawian


isang araw ay nagkaroon ng prayer meeting ang sangkatauhang singles sa palasyo. nagkaroon ng mga group discussion patungkol sa Dyos na rebulto at kantahan ng patungkol dito. dahil hindi masalitang tao wala talagang maisip na sabihin. kaya direct to the point lang ang sinasabi. di tulad ng ibang ka grupo na may mahabang sinasabi. maikli lang talaga na mabibilang lang ang mga sinasabi. kaya pinagtatawanan dahil dito. hindi alam pero bakit walang masabi. walang mailahad ng tungkol sa kanya. sya na sobra ko naman kung igalang at nauunang pasalamatan sa lahat. walang maisalita na tulad ng iba na kung ipagmayabang sya ay sobra sobra. nalungkot ng isang oras. napainom ng di sinasadya. napatapang ang gawa ng inumin. na medyo ikinahilo. at ng mahimasmasan ay napagawa ng sulatin patungkol sa pangyayaring ito. 

Wednesday, July 18, 2012

comment entry

intoy syokoy. di ko maalala kung anung book yun. may memory gap ako. dun yata sa peksman mamatay man nagsisinungaling ako. si intoy yung magaling na maninisid ng tahong. pero wala syang goggles kaya lagi mapula mata nya gawa ng pagsisid. sana mapanood ko rin ang pelikula.nakalimutan ko na rin yung pangalan nung tinatawag nyang bilasang isda. ewan ko lang kung si kengkay nga. iniwanan ko pa kasi sa bahay yung mga libro ko ni idol bob ong at ni sir eros atalia.  sana wag yun mawala. gusto ko nga ipabasa pa yun sa mga magiging anak ko paglaki nila. para meron silang maging inspirasyon sa maginhawang buhay. ngayong hindi na magpiprint ang visprint ng librong ABNKKBSNPLAko ni idol bob ong, sana meh makaisip man lang bumili nito para sakin. ewan ko ba bakit nawala yung libro ko nun. nasa hiraman pero di ko maalala kung sino yung nanghiram. badtrip talaga. yun pa naman ang pinakaunang libro nabasa ko na natapos ko. aliw kasi talaga. bow ako dun. sobra. yun ang nagpamulat sakin na hindi lang ako yun may ganong totoong kwento. astig talaga. gusto ko sana yun basahin pa ulit. laking panghihinayang at lumbay ang dulot nito sa akin. reply ko sana to sa comment ni kuya arvin sa nakaraan kong post. kaso humaba kaya dito ko nalang nilagay. sana mabasa.

Tuesday, July 17, 2012

whoa

kumain ako pero parang hindi. o nabusog pero di nasarapan. ang kulit. di maiwasang mawala sa sarili. walang masarap kausap. kasi di naman nagsasalita. yung makakapagsabi ng lihim na karunungan. kung mga kelan nga kaya sasakupin ng mga alien ang mundo. mga ganung usapan. shet. inaantok pero di makuhang matulog. ayaw magising sa katotohanan. sarap lumutang sa kawalan. sa tuwing magdaraan ay naiiwan ang usap usapan. pulitikang walang katapusan. ayaw nang pakawalan. kelangan pa yatang matauhan bago tigilan. pero ilang beses na ba nauulit. hindi pa rin nadadala. walang kadala dala. sa muli ay aasa nanaman sa wala. pag oras na ay oras na. ano ang tamang oras. bakit iba iba ang oras. hindi magkatugma. wala nang oras.

forgetting all the hurt inside.
you've learned to hide so well.
pretending someone else will come.
and saved me from myself.
i can't be who you are.

-leave out all the rest

Monday, July 16, 2012

tangang yan

saktong matatapos na kong maghugas ng pinggan sa palasyo nang biglang dumating ang dragon. nanonood ako nun ng kwento ng buhay ni amelia earheart sa fox movies sa OSN. pero pinatay nya at binuksan nya ang TFC. di ko nanaman natapos. kahapon din sa panonood ko ng pirates of the caribbean: the dead man's chest na pangalawa sa film series na ito. hindi ko rin natapos. hindi pa ko nakakatapos ng pelikula dito. kakainis lang. walang nagaalala. kasi walang pakielam. ako na yata ang pinakatangang tao. nakakapagod maging tanga. kaya wala nalang gagawin para di mapagod. kung puro katangahan rin lang ang magagawa.

Saturday, July 14, 2012

asin at paminta

off ko ngayon. di ko alam kung bakit pero mas pinili kong manatili dito sa flat kesa sumama sa mga friends ko na mag inuman session sa labas ng compound. siguro dahil friday the 13th ngayon. feeling ko mamalasin talaga ako. pero minalas na nga kahit di ako lumabas. dahil akala ko aalis yung dragon dito. pero hindi. nasa baba sya kaya hindi ako makababa para manood ng gma pinoy tv. ayaw nya kasi dun gusto nya yung tfc. pinapapatay nya lagi yung isang tv pag nadaratnan nyang bukas. kanina talaga ay akala ko aalis na sya. pero sa di ko malaman na dahilan kung anong nagpabago ng takbo ng pag iisip nya eh hindi nya tinuloy ang kanyang binabalak. ayun, malas ko lang. sana pala sumama ako sa bahay ni chuchu ni chacha. duty nanaman bukas, kakatamad. sana wala ulit pasyente na sobrang bihira talaga mangyari siguro isang oras lang talaga nawawalan. yun na ang pinaka konting oras sa isang araw. buti nga meron kesa wala at nonstop talaga. meh nakapagsabi sakin na matapang ang aura ko. siga ang dating at may matapang na aura na datingan. parang paulit ulit. pero sabi pa nya ay mejo lang daw. aba sabay ganon. natawa ako kasi ganon pala ang nakikita ng ibang tao sakin. kaya siguro ayaw nila ako kasama. ayaw makita. ayaw. nalungkot ako kasi kaya siguro nya ako iniwasan dahil dun. pero kausap ko pa rin sya, sabay sabi nya rin na ang angas ko daw. lalo lang ako na down. pero wala ako mapag pilian. kesa naman walang kausap. pero kung ibang tao siguro na meron naman pagpipilian ay mas pipiliing kumain nalang sa fastfood. at hindi pansinin. yun din ang gusto kong gawin eh kaso lang, wala eh, wala pa ko alam sa mga kalakaran. kanya kanyang buhay na lang siguro. di ko talaga alam bakit nasabi nya yung ganung pamumuna. ganon pala ako. salamat at sinabi nya  at nalaman ko na ganon pala ako. haha natawa rin ako. kasi paulit ulit nya pang sinasabi yun sakin. hindi ko nalang pinansin. at kakalimutan ko nalang. pero di mawala sa isip ko. kasi sa lahat ng tao di ko akalain na sa kanya yung manggagaling. kakain na lang ako. kaso walang asin at paminta na pampalasa.

Thursday, July 5, 2012

dragon

meron kaming kasamang dragon dito sa bahay. lagi syang galit pag meh pangyayaring hindi nya nagugustuhan. o kaya naman kapag meh nilabag ka sa kagustuhan nya. tulad ng mga sinasabi nya sa mga notes nya na idinidikit sa pinto, pinapatong sa upuan o kaya itinatapon sa hagdan para madaling makita at mabasa at ng maunawaan ang lahat. isang araw, hindi napansin ng kasama ko sa bahay ang note nya. nakita nya naman daw at nabasa pero hindi nya naintindihan. ang naka note kasi ay pls don't use this water. pero ang nabasa nya ay pls use this water. ang tanga lang haha. siguro inaantok pa sya nung makita nya yung note. o kaya ay wala sa bokabularyo nya ang don't. magkagayunman, nagamit nya na ang tubig na pampaligo ng dragon. nang malaman ng dragon na wala na ang tubig nya, nagbuga sya ng apoy sa galit. ang ganda sana ng araw nya, panay ang tawa sa panonood ng wansapanataym sa eksena nung batang pintasera na meh kagandahan kaya pintasera. pag pasok nya ng banyo, ayun meh sumabog nanaman. panay ang kalabog at paulit ulit na pag buga ng apoy. na tense ako at umalis nalang ng bahay ng maaga. as usual topic nanaman nya ang di paglilinis ng bahay. pero di ko lang malaman kung anung gusto nyang linis ang gawin namin. bastusan na daw ang mga nangyayari sa bahay na ito. ewan ko ba. di ko nalang sya pinapansin. pero di ko maiwasan dahil nakakausap ko sya pag matino pa sya pero pagkatapos namin magusap mayamaya ay nagwawala na sya. pag ganon ay balewala na sa kanya ang mga sinasabi mo kundi ang sinasabi lang nya ang gusto nyang pag usapan. hanggang kelan kaya sya magiging ganito. sana matapos na rin ang paghihimutok nya sa buhay. sa lakas nyang mang power trip, baka di ko na matantya ang sarili ko at umalis nalang sa sobrang sama ng loob dahil sa di matanggap ng aking kalooban ang mga salitang gusto nyang itatak sa aking noo.

Wednesday, July 4, 2012

CEFI

sa wakas nakapag internet din. nalungkot ako ng ilang beses. naluha ako sa naparakaraming pagkakataon. buti nalang anjan ka. alam mo bang sa isang araw na wala ako nareceive na txt mula sayo ay sobrang lungkot ko na. wala ako sa bahay kaya di ako makapag net. buti nalang nakabili na ako ng isang bagay na book na meh kakayahang mag net. ayoko ng laptop eh. sobrang laki. kahit pa manipis na laptop kumakain pa rin ng space sa lapad eh. itong book na pang net eh ang cute. tawagin natin syang si cefi. yun ang pinangalan ko sa kanya. mula ngayon bestfriend na kami. lagi ko sya kasama saan man. at nasasabihan ng gusto kong sabihin. ang cute talaga ni cefi. hp mini. ok naman ako sa ngayon. meron lang nakakalungkot na mga pangyayari sa work. kung ano man yun eh binaon ko na sa limot. madali naman din yun nawala sa isip ko agad. madali kasi ako makalimot. pero maaalala ko din naman siguro agad kung may makapagpapaalala sa akin. tapos iiyak nanaman ako.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo