off ko ngayon. di ko alam kung bakit pero mas pinili kong manatili dito sa flat kesa sumama sa mga friends ko na mag inuman session sa labas ng compound. siguro dahil friday the 13th ngayon. feeling ko mamalasin talaga ako. pero minalas na nga kahit di ako lumabas. dahil akala ko aalis yung dragon dito. pero hindi. nasa baba sya kaya hindi ako makababa para manood ng gma pinoy tv. ayaw nya kasi dun gusto nya yung tfc. pinapapatay nya lagi yung isang tv pag nadaratnan nyang bukas. kanina talaga ay akala ko aalis na sya. pero sa di ko malaman na dahilan kung anong nagpabago ng takbo ng pag iisip nya eh hindi nya tinuloy ang kanyang binabalak. ayun, malas ko lang. sana pala sumama ako sa bahay ni chuchu ni chacha. duty nanaman bukas, kakatamad. sana wala ulit pasyente na sobrang bihira talaga mangyari siguro isang oras lang talaga nawawalan. yun na ang pinaka konting oras sa isang araw. buti nga meron kesa wala at nonstop talaga. meh nakapagsabi sakin na matapang ang aura ko. siga ang dating at may matapang na aura na datingan. parang paulit ulit. pero sabi pa nya ay mejo lang daw. aba sabay ganon. natawa ako kasi ganon pala ang nakikita ng ibang tao sakin. kaya siguro ayaw nila ako kasama. ayaw makita. ayaw. nalungkot ako kasi kaya siguro nya ako iniwasan dahil dun. pero kausap ko pa rin sya, sabay sabi nya rin na ang angas ko daw. lalo lang ako na down. pero wala ako mapag pilian. kesa naman walang kausap. pero kung ibang tao siguro na meron naman pagpipilian ay mas pipiliing kumain nalang sa fastfood. at hindi pansinin. yun din ang gusto kong gawin eh kaso lang, wala eh, wala pa ko alam sa mga kalakaran. kanya kanyang buhay na lang siguro. di ko talaga alam bakit nasabi nya yung ganung pamumuna. ganon pala ako. salamat at sinabi nya at nalaman ko na ganon pala ako. haha natawa rin ako. kasi paulit ulit nya pang sinasabi yun sakin. hindi ko nalang pinansin. at kakalimutan ko nalang. pero di mawala sa isip ko. kasi sa lahat ng tao di ko akalain na sa kanya yung manggagaling. kakain na lang ako. kaso walang asin at paminta na pampalasa.
0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.