Showing posts with label pangarap. Show all posts
Showing posts with label pangarap. Show all posts

Tuesday, June 5, 2012

k + 12

nakakagulat bakit namatay si richard tan. at dun ulit sa ospital na dati ko pinagtatrabahuhan. kung san din namatay si karl roy. anung meron ngayon. trending. nakilala ko si richard tan dahil sa parokya. sya kasi ang kanilang manager. pati na rin ng kamikazee, moonstar 88, chicosci at marami pang iba. magaling sya kasi sikat ang mga banda na naalagaan nya ngayon. rest in peace sa taong nagpakilala sakin ng mga hinahangaan kong banda ngayon. sana di sila mawala. ayoko sa lahat yung meh gumagaya sakin. sobrang badtrip yun eh. parang walang sariling gusto. pag lumalabas ako tapos meron pala akong katulad na ngayon lang naging ganon at nakikita ko naman na di sya dating ganon eh hindi na ko lumalabas. o kaya lalabas ako pero magiiba ng anyo. nakakainis talaga. nakakalungkot. k-12? kinder hanggang grade 12? kinder, 6 yrs elementary, 4 years junior highschool, at 2 years senior highschool. 13 years of basic education. additional years. dalawang taon lang naman pero ewan. buti nalang hindi na ako estudyante. kaso hindi daw ako itinuturing na professional sa ibang bansa dahil 10 years lang ang basic education ko. plus kinder pa pala. 11. sa lahat daw ng bansa, Pilipinas lang ang hindi  naka k+12. buti naman at naipatupad na ito ngayon. kaso lang, sino bang estudyante ang gustong magtagal sa isang eskwelahan na sobrang dami mo ngang kaklase, araw araw naman trip to jerusalem ang eksena. kalahating araw lang ang klase. short cut ang lessons. ganon kasi pag sa public schools. ako ay isang produkto ng public schools. alam ko ang tunay nilang nararamdaman. kaya sana maayos na ito ng gobyerno ng bansa. sana tumagal pang mag-aral ang mga bata.

Thursday, May 24, 2012

4th floor

kanina habang namimili ako ng pancit canton sa grocery, di ko alam kung ilan ang bibilhin ko. nagisip ako. matagal ako nakatingin sa mga pancit canton. iisa lang namang flavor. yung extra hot. kaso ilan nga. pinagisipan ko itong mabuti. ilang beses ba ako kakain nito. araw-araw sana kaso baka magka colon cancer ako. so every other day nalang. tuwing almusal at merienda. pati midnight snack na din. tapos ilang packs ba sa isang kainan ang lulutuin ko. bitin kasi sakin ang isa. pag dalawa, ayos na yun. pero gusto ko ng tatlong packs.
I'm bruised and scarred 
save me from this broken heart
all my love will slowly fade and fall apart
someone please sing this lovesick melody
call my name if you're afraid
I'm just a kiss away
nanalo pala si jessica sanchez bilang world idol. para sa kanya talaga yung award na yun. nakakatakot lang yung duet nila nung babaeng incredible hulk. ganon ba talaga sya magperform. siyet. kanina lang nanuod ako ng korean horror movie na forbidden floor. ito ay tungkol sa pamahiin ng mga intsik na malas ang magkaroon ng fourth floor sa isang gusali. kaya pala walang 4th floor sa ibang mga building. tulad dun sa hospital na dati kong pinagtatrabahuhan, wala ring fourth floor, fifth floor na agad. dun pala sa movie ay merong nagmumultong mag ina. na dating nakatira sa 4th floor bago ito na demolish at pinatayuan ng bagong condo na wala ng 4th floor. aksidente lang silang napatay kasi di alam nung nagdedemolish na nandun pa sila. kasi ayaw nilang umalis sa bahay nila. kaya tinago ang bangkay nila sa space sa pagitan ng 3rd at 5th floor. meron kasing space sa pagitan ng mga floors sa mga condominium para di maistorbo ang nasa ibabang floor. para bilang sound proof. natutunan ko lang sa movie na wag lang dapat i-center sa work ang buhay. pansinin din ang mga mahal sa buhay. kaya ako nagresign na ko sa trabaho ko eh.

Friday, August 5, 2011

Sana naman

Sa wakas nakapag off din. Eto ang mga araw na hinihintay ko linggo linggo. Matapos ang limang araw na pagtatrabaho ang dalawang araw na pahinga ang nagpapasaya sa linggo ko kahit papano. Sobrang stress sa trabaho. Mga pasyenteng makulit, supervisor na maarte, kasamahan sa trabaho na sumbungera na gagawan ka ng kwento kahit wala naman ginagawang iba. Sa panahon ngayon, bakit pa meh mga taong ganon. Hindi makuntento kapag di sila nakakapanggulo ng buhay ng tao. Sa paninira na ginagawa nila, hindi lang iisang tao ang naaapektuhan. Kundi ang lahat ng meh kaugnayan sa taong yun. Ang hirap din pala makisama. Kasi meh mga tao na mahusay sa pakikiharap pero pagkatalikod mo marami na masasabi tungkol sayo.

Sana wag na bumagyo next week. Gusto ko makasama ang taong matagal ko ng hindi nakakasama sa buhay kahit dalawang araw lang. Gusto ko maging masaya at hindi magka hassle pag kasama ko na sya. Eto nalang yung mga araw na nandito sya ulit. Kaya kahit isang linggo lang, pagbigyan nyo ko mahabaging Neptune.

Friday, February 12, 2010

nung feb 8, 2010...

plano ko talaga gumising ng maaga para maaga din makapunta sa laguna para kuhanin yung ipapadala ng mami ni ralph sa kanya sa singapore. oo pinlano ko, sinulat ko pa nga yun sa planner ko. kaso anak ng tokwa, alas onse ng umaga na ko nagising. halos tanghali na pero umaga pa rin naman. naligo ako agad at nagbihis. nagmamadali talaga ako maligo, kumain, magbihis pero ala una pa rin ako nakaalis ng bahay. alas kwatro na ko nakarating sa bahay nila ralph. nagkwentuhan lang kami ng mami nya tapos kumain. at nakinuod ako ng tv. habang nanunuod ako ng tv, napansin ko yung picture namin ni ralph na nasa wallet nya lang dati na nakalagay na sa picture frame ngayonat nakadisplay sa sala nila. parang nahihiya ako. na masaya na ewan. haha. iniisip ko kung bakit nya kaya yun nilagay dun. pero sabi nya nakita nya daw kasi yun sa lumang wallet ni ralph. kaya nilagay nya na lang dun. ahh ok. ayun lang naman pala. umuwi na din ako agad kasi gagabihin ako. tatlong oras pa ang byahe kapag may trapik, abot sa apat. kaya saglit lang ako. hindi ako nagtagal. kung maaga lang sana ako nagising nung umaga, sana nakasama ko pa sila ng matagal. nung nandun ako, naramdaman kong nandun lang si ralph.

Sunday, January 24, 2010

panaginip

Ika'y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakalang nandyan ka pero wala naman pala

Ilang taon na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kinakailangang lumipas

Gusto ng maidlip para makapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo

Para kahit sandali, ika'y makatabi
Para kahit papaano, 'di ka na lalayo

Bakit parating nahihirapan, ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan

Mahal parin kita at parating mamahalin
Mayron mang bago sa aking buhay
Ikaw parin ang iisipin

Para kahit na hindi
Tayo sa huli
Sa aking mga panaginip
Tayo'y magwawagi

Sunday, June 7, 2009

undue

nung birthday ko pinanoud ko yung terminator salvation sa trinoma. kasama ko pa rin sya. hindi pa rin pala sya nawawala. haha ayos. at dahil wala akong pera nung birthday ko, nilibre nya ko haha. ayus talaga. kahit malakas mejo yung ulan. naging ok naman. ang galing ni markus wright yung criminal na ni-lethal injection tapos muling nabuhay nuong year 2018. tapos hindi nya alam na robot na rin pala sya at isa na rin syang terminator. nun lang kinapitan sya ng mga magnet. kasi bakal sya. bwahaha. pero mabait naman sya. kinalaban nya na din yung skynet na muling nagpabuhay sa kanya. tinulungan nya si john connor nung gusto sya patayin ni arnold. at ni-donate pa nya yung heart nya sa kanya kasi nasaksak sya ni arnold. ang galing. sya yata talaga yung bida dun eh kasi sya yung nag-save sa lahat. kelan kaya ipapalabas yung new moon. sequel ng twilight. sana malapit na. bukas na.

mula nung birthday ko ilang araw na nag-uulan. ang sarap. sana ganon lagi. hala yung kasama ko sa trabaho naging pasyente nya yung batang sanggol na pinaghihinalaang meh influenza a virus. galit na galit daw yung residente namin. kasi dapat daw sinabihan man lang at nang nakapag- mask. ang dami nang nagkasakit ng influenza A dito sa Pilipinas. pati ang la salle meron na din. kaya wala sila pasok at sa 15 pa daw magreresume. katapusan na ng mundo. sino ang magliligtas. kung katulad lang ng sa libro ni bob ong ang lahat, mas madali. maililigtas ang mundo nang dahil lang sa iisang tao. sino.

last week nagpabakuna ako ng anti-flu. ang sakit talaga magpatusok ng karayom sa braso. actually hindi naman talaga masakit. yung moment lang na ini-inject na yung laman nung syringe yung masakit. sa mga sandaling yun, halos hindi ako humihinga kasi akala ko tumigil na sa pag-ikot ang mundo.

meh quiz akong sinagutan. yung when will you get married? sa facebook at ang sabi October 3, 2011 daw ako ikakasal. hanep sa petsa. birthdate pa ng ex ko. haha. sa mga panahong yun ay 24 years old na ko. di naman ako nagmamadali. pero gusto ko nga muna bago ako magpakasal at manahimik sa buhay ay nakapunta na muna ko sa mga lugar na gusto kong puntahan. sa mga british colony na bansa at sa north korea. haha. curious lang kasi talaga ako sa isang communist na bansa. kung anu ginagawa nila habang nagte-test ng nuclear bomb.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo