Monday, March 30, 2009

ube

sa wakas nagkaroon ako ng dalawang araw na off na magkasunod. kaya naman nai-celebrate ang "2nd year anniversary".

ang Baguio. sobrang lamig habang naliligo. haha. kaya nakakatamad maligo dun. may heater di naman gumagana. bulok! kahit sinarado na namin buong kwarto para di makapasok yung lamig, malamig pa rin. sarap..

meh nag-alok sa 'kin na ii-sketch nya portrait ko sa botanical garden. 15 minutes lang daw. hindi ako pumayag. kasi 15 minutes ako hindi dapat gumalaw. kakangalay yun... mahuhusay sila magpinta. bilang isang frustrated na pintor, ang masasabi ko lang. magyosi tayo habang nagpi-painting.

sa mines view, andaming bading. nakakatawa yung bading na nagsuot nung native na costume ng mga igorot. meron kasi dun, 10 pesos yung bayad kapag magpapalitrato ka suot yun. hehe. wala kasi sya ginawa kundi humiga sa bato at picture-an yung sarili nya. adik. buti hindi sya gumulong pababa ng Baguio.,

nag-wish ulit ako dun sa wishing pool sa mines view. ganon pa rin. sana makabalik ulit ako sa Baguio. haha. ganon pa rin pati yung view. pero sa pagkakataong yon, hindi foggy. tamang tama lang ang lahat.

sumakay kami sa bangka. mejo na-badtrip pa nga ako sa kanya kasi gusto nya sya lang lagi mag-sagwal. gusto ko din kaya.

yung bahay namin malapit lang sa session road. malapit lang din sa sm baguio. malapit lang din sa burnham park.

todo walkathon.

syempre hindi mawawala ang ube jam mula sa good sheperd. at silver na singsing. at gulay. at strawberry. ukay-ukay. peanut brittle. 6 hours na byahe.

ang saya. adventure. akyat baba. yosi.

damn!

Thursday, March 5, 2009

ikot

sa lahat ng nangyayari isa lang ang masasabi ko. tadhana yun. sino makapagsasabi na makikita ko sya ng hindi sinasadya. ng wala ring dahilan. malaki na ang ipinag-iba nya sa personal. nakikita ko lang kasi sya sa mga larawan. sa internet. hindi nya naman ako pinansin eh.. siguro hindi nya lang ako nakita. haha.

minsan naiisip ko na dapat gawin ko na lang ang lahat. para hindi ko maisip na hindi ko kasi ginawa yung best ko kaya nangyayari ang mga kabiguan ko sa buhay. para sa bandang huli ay wala akong pagsisihan.

nanalo ako sa raffle. haha. ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko na may napanalunan ako. ngayon lang din kasi ako sumali. haha. nung una wala lang sa'min yung pag-fill up ng mga coupon at paghulog nito sa dropbox. siguro tataya na din ako sa lotto mula ngayon.

swerte daw ako ka-duty sabi nung isang ka-trabaho ko. kasi daw lagi meh nagbibigay ng pagkain o maliit na halaga na pasyente sa 'min kapag ka-duty nya ko. nakakainis nga eh. kasi ayoko talaga tanggapin pero makulit yung pasyente. hay. tuwang tuwa naman yung kasama ko. ako naman nakokonsensya kasi feeling ko masama talaga tumanggap ng gift o kahit na ano mula sa pasyente sabi nila. pero sabi naman ni sir, dahil daw yun sa good service namin kaya sila nagbibigay. habang kumakain ng cookies na malaki na gawa ng seattle's best mula sa pasyente. haha

gusto ko ng tsinelas. kaya lang out of stock yung gusto ko na disenyo. kaya hindi na muna ako lalabas ng bahay. kasi wala pa ako tsinelas. mag-shoes na lang ako.

dati, sumali ako sa poster making sa school. on the spot yun at time pressure. dahil na-pressure ako ng time, naubos na ang time, hindi ko pa rin naiisip yung gusto kong disenyo ng gagawin kong poster. syempre wala ako premyo.

off ko ngayon, bukas trabaho nanaman. good news hindi na ko panggabi. pang-umaga na ko haha. mas marami ako mapapanuod na dvd. sa pag-uwi ko.

sa lahat ng oras. isa lang ang ipinagdadasal ko. sana maging maayos na ang lahat.

magulo. basta yun na yon..

ang totem pole ay isang pole ng mga indian. basta ginawa namin yun nung grade 4 kami. nagmolde kami ng kahit ano gamit ang clay at tinuhog namin sa stick ng barbecue. maganda naman.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo