Saturday, September 29, 2012

minimal

nagdedesign ng tattoo. magpapatattoo kay idol rakel sa sta cruz laguna sa paguwi next year. magpapasakal na rin. ngayon pa lang kinakabahan na kahit medyo matagal pa. na parang kung pwede lang ay wag na pero kailangan. nakakapagod ang trabaho. hindi na uulitin. iba pa rin yung kapag sa pag uwi  mo araw araw ay makikita mo yung pamilya mo. nakakawala ng pagod. pero pag nasa ibang bansa at malayong malayo sa pamilya, di nawawala ang pagod. nagpractice na mag dive sa pool, masarap sa pakiramdam kahit papano. parang extreme lang. isang katrabaho ang namatay dahil sa colon cancer. mahilig daw kasi sya sa pagkain ng mga hindi masyadong luto na pagkain. tulad ng steak na medium done. paborito ko ang steak eh. kya mula ngayon ipapa well done ko na. iba pa rin yung steak sa everything at steak. nakakamiss talaga. sa pag uwi sana meron pa. nakaisip na ng magiging subject ng tattoo. madaming naisip. susubukan nalang na pagsamahin sa iisang design lang.

Saturday, September 15, 2012

ang araw ko

walang tubig. walang kuryente. di ko pa napaplantsa uniform ko. nag ipon ako ng tubig sa mga container kanina bago umalis pagbalik ko wala na laman. sarap ng buhay ng mga kakwarto ko. ngayon ay paano ako maliligo. walang tubig. walang kuryente. meron ako take out na pagkain na nilagay ko sa fridge, pero dahil walang kuryente, hindi ko mainit sa microwave. ngayon wala na ring pagkain. wala. empty. ness.

nangangati ang ulo ko sa kakaisip ng magiging paraan ko kung paano ang gagawin ko ngayong araw. kinamot ko hanggang sa sumakit. sa tindi ng sakit idiniin ko sa pader. hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. pero siguro wala ng ibang magawa.

sa kakaunting nalalabing baterya ni cephi ay nakakapagsulat ako. at naichacharge ang selepono. kung sakaling hindi pa rin magkakuryente sa pagalis ko papunta sa trabaho ay dadalhin ko nalang sya at dun ko ichacharge. kaya sana magkakuryente na dahil mejo mabigat si cephi kahit maliit lang sya. di ko gusto ang bagong album na dinownload ko sa illegal na paraan. sobrang dissappointed. parang gusto kong magpakamatay.

naiinitan na ko gusto ko ng maligo. mapipilitan akong hiramin at gamitin ang ilang pirasong tig 1.5 liter na bote ng mineral water ng kakwarto ko. gantihan lang. papalitan ko naman. pang ligo ko lang. habang wala pa sya, bwahaha! *evil laugh

Wednesday, September 12, 2012

never naging

never naging cool ang paulit ulit na nagkakamali. alam ko yun eh. pero bakit lagi ko ginagawa. like parang dati ginawa ko na yun pero wala namang pumuna dati pero bakit ngayon meh umaangal na. di ko alam pero baka nga pinalusot lang ako nung una. hinayaan nalang. eh nawili ako, kaya napansin na. kakainis. ilang ulit na nagkakamali pero di nagbabago.sa pagkakamali ko, sana di na mangyari ulit. sana mamaya ok na ko. gusto ko ng break eh. kung pwede lang. isang linggong break. i don't know what's happening to me. this week really is not cool for me. sana matapos na. sana next week ok na ko. isang araw na lng at off ko na ulit. i promise to sleep all day. and to wake up fresh and new. planning to be cool. hope everything will be fine now.

Tuesday, September 4, 2012

ang paboritong banda



pasensya na pero mali nga naman na ipakalat to kasi nga malamang na umonti na yung bumili ng inuman sessions volume 2 gawa nito pero kung tunay mong mahal ang pambansang bandang to ay bibili ka talaga ng gawa nila. kahit meh ganito na lumalabas pa sa youtube. hindi ko maiwasang hindi mahulog sa mga kanta nila dahil mula pa nung una paborito ko na silang banda. mula 1993 - present. mula sa buloy, maniwala ka sana at tatlong araw ng khangkhungkhernitz, silvertoes at harana ng buruguduystunstugudunstuys na ginawa ko pang pairing device ng bluetooth passcode na andaming rumereklamo kasi an haba, halaga, wag mo na sana, picha pie at inuman na ng gulong itlog gulong, swimming beach at sorry na ng edgar edgar musikahan, alumni homecoming,chocolatte, yes yes show at one and only na sabi nga dito ay your song talaga ang title nung kanta ng bigotilyo album, para sayo at first day funk na theme song ko nung first day ng pasukan nung magsesecond year college ng halina sa parokya, akala ng solid, at original song, reunion at pakiusap lang lasingin nyo ko ng middle-aged juvenile novelty pop rockers. ang dami ng kanta lahat naman gusto ko pero eto yung mga sobrang gusto ko na paulit ulit kong pinapakinggan dahil halos lahat meh kaugnayan sa araw araw kong pamumuhay at sobrang ganda ng mga kanta. sana pang habambuhay na sila. solid! idol! taena..

"nagsimula ang lahat sa eskwela dahil walang ibang mgawa mula pagkabata hanggang mag asawa at mag assemble ng pamilya hanggang tumanda hanggang atakihin wala ng iba pang nanaisin kundi ang magbanda at saka kumanta rakenrol hanggang mamaya pa. mahirap gumawa ng kanta lalo na kung kailangang kumita pagka't ayokong maghanap ng trabaho, habang buhay magbabanda ako.."

hay sana magkatotoo ang mga pangarap ko.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo