Showing posts with label fun. Show all posts
Showing posts with label fun. Show all posts

Saturday, January 16, 2010

self



this is me now!


last week nagpagupit ako sa salon malapit sa min. gusto ko ang gupit ko kahit lagi nila sinasabi na kung buhay pa ba daw yung naggupit sa kin. oo buhay pa sya at masaya ako sa ginawa nya sa kin hehe.

last week din nagpunta kami star city nila ces at alex. ako lagi wala katabi sa rides. kasi dalawahan lang. extra kasi ako eh.

last week din naging toxic ako sa lahat ng bagay. sa trabaho ko. halos di na ko nakakatulog ksi lagi ako nasa ospital. 8am to 10 pm araw araw. mabuti na lang ngayong week na to ok na sked ko. smooth na kung baga. sana wala umabsent na katrabaho na pasaway. para wala nang overtime.

tuloy na ang alis ko. haha ayos! pagkatapos ng UP fair. pero sa march nandito na ulit ako para dumalo ng pa-eb ni karmi. wahaha!

Sunday, June 28, 2009

listen well will you marry me?

napanuod ko na transformers: revenge of the fallen. astig. namatay si optimus prime tapos nabuhay ulit. hahaha. sorry sa mga di pa nakakapanuod. spoiler ako eh! hehehe. si megan fox, crush ng boyfriend ko. hehe.

halo halong emosyon ang naramdaman ko. natatawa ako. nokornihan. nagulat. natakot. kaya parang tumigil ang paghinga ko at hindi ako makahinga. tama. hehe. seryoso. nahirapan talaga ako huminga. tapos naiihi pa ko. pero ayoko lumabas kasi ayoko na may ma-miss na eksena. kaya ni-hold ko lang yung ihi ko ng 2 and a half hours lang naman.

box office sya. ang haba ng pila. tapos punuan na yung walong cinema sa trinoma pagdating namin. yung pang 8pm na lang yung may magandang bakanteng seats kaya yung pang 8pm yung binili naming ticket. 5pm pa lang. kamusta naman. since 27th monthsary namin nun, nag-date na muna kami. haha ang jologs. sa timezone kami nagpalipas ng oras. nakatatlong beses na laro ng guitarhero. sya apat. kaya nagka-kalyo yung hinlalaki nya na pang - strums nya. haha. tapos nagpataasan kami ng score sa basket ball. syempre ako panalo. hehe tapos kumain kami sa italian restaurant. saya. Ü

Listen well, will you marry me? (Not now, Boy)
And are you well in the Suffering? (You've been)
The most gracious of hosts
You may be invited, girl, but you're not coming in.


yeah! \m/

Tuesday, August 26, 2008

his family

nagpunta kami sa batangas upang tugunan ang imbitasyon ng aming matalik na kaibigan. sya daw kasi ay magpapainom. agad kami ni princess ay nag-usap para sa aming kitaan. aming napag-usapan ang 7eleven sa espanya sa kanto ng dela fuente st. ang usapan namin ay 4am ang kitaan pero dumating ako ng alas 5am. haha. delayed kasi ako palagi ng isang oras. kasama si ralph ay nagpunta agad kami sa buendia kung saan meh terminal ng bus patungo sa aming pupuntahan. sa aming paglalakbay, mabilis ang byahe. agad kami nakarating ng wala pang tatlong oras na aming inasahan. dahil sa maaga naming pag-alis ay wala pang trapik sa SLEX. pagdating namin sa bahay nila jm, ay naroon na din ang iba pa naming kasama. hindi ko sila na-litratuhan dahilan sa ayaw nila kaya yung mga kasama ko na lang sila princess at ralph...



nakainom na si princess kaya mejo bangag na sya. pagkatapos naming mananghalian nagsimula ang inuman. kami lang tatlo ang uminom kasi nag-inuman na daw sila nang nakaraang gabi nung kami ay wala.

naidlip kami sandali dahil ubos na ang alak. si ralph naman nakatulog habang nanunuod ng laro ng spain vs US na basketball. at syempre US ang panalo. bwahaha

alas singko ng hapon umalis kami kila jm. meh duty pa kasi sila kaya lumuwas na sila. ako naman ay sumama kay ralph sa bahay nila sa laguna. nakilala ko ang ilan sa kanyang mga kamag-anak. yung pinsan nya, na mami ni Dwayne, yung madaldal nyang pamangkin. nakakatuwa sya kasi 2 yrs old pa lang sya pero madaldal at nakikipaglaro sa 'kin. ang bait ng pamilya nya sa 'kin kasi inasikaso nila ako. sa isang araw na pananatili ko sa bahay nila ay nami-miss ko na sila ngayon. nagluto pa yung dadi nya ng paborito kong kare kare kaya natutuwa talaga ako.

sana nga makabalik pa ko dun sa bahay nila. para makasama kong muli ang pamilya nya.

Monday, December 31, 2007

keep me 4ever Ü

ang paalam ko sa mama ko pupunta ako sa asia mall. pero sa global fun talaga ang tungo ko. kasama ka. parang ganon na din naman yun kasi nasa meh gilid lang yata yun ng asia mall e. sakto lang Ü

ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. isang pangarap na nabigyan ng katuparan sa pamamagitan mo. minsan kong hinangad na makasama ang taong mahal ko sa mga ganung pagkakataon. yung tayong dalawa lang tapos sumakay sa higanteng tsubibo ng tayong dalawa lang sana kaso meh umepal na dalawa at magsyota din yata. sayang nasolo na sana kita. bwahaha.

hindi natin pansin ang oras. kahit na meh duty pa ako kinabukasan ng umaga. basta't kasama ka. wala na kong pakielam pa. kahit nasuka ka sa kakasakay natin sa mga rides na gusto kong sakyan,ay ayos lang sayo.

nung una akala ko hindi na tayo matutuloy. kasi bigla kang meh on-call nung paalis na tayo. kaya sinama mo nalang ako sa tarbaho mo at nangako na kakain na lang tayo pagkatapos ng pasyenteng yun. hehe

nakapunta na din ako sa workplace mo sa wakas. natutuwa ako kasi ang galing mong mag-mri. haha

astig talaga.

sa susunod na bukas ay new year na!Ü
"dito ka ba magnu nu yir?"..

andami din nangyari ngayong taon na hindi ko makakalimutan.
-nakakita ako ng falling star.
-ngayong taon tayo naging malapit sa isa't isa at naging mabuting kaibigan ka. at naging higit pa sa kaibigan.
lagi na kitang kasama sa mga pagkakataon na gusto natin.
ngayong taon, tayo nagsimula.
-nasaktan ng labis at muling nakabangon.
-nagkaroon ng rt day sa skul.
-nag-inom ng 3 consecutive nights at akala ko magtutuloy pa yun ng isang linggo kundi lang ako naubusan ng pera pambili ng alak.
-namatay yung lola ko.
-nagpunta ako sa baguio at nagwish sa wishing pool at bumili ng magic bracelet.
-sumali sa sayaw na hindi ko karaniwang ginagawa. first time nga yata yun.
-nagyosi ng nagyosi. up to sawa talaga.
-nagsinugaling sa mga taong mahal ko.
-nakisalamuha sa mga taong bago lang sa paningin.
-nakisama
-atbp.

basta madami pa yun.
sana madami pa ulit mangyari next year. iiwanan ko na ang mga masamang bisyo. yosi at alak.
at higit sa lahat, magpapapayat na ko. hahaha

happy new year!Ü
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo