Monday, December 31, 2007

keep me 4ever Ü

ang paalam ko sa mama ko pupunta ako sa asia mall. pero sa global fun talaga ang tungo ko. kasama ka. parang ganon na din naman yun kasi nasa meh gilid lang yata yun ng asia mall e. sakto lang Ü

ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. isang pangarap na nabigyan ng katuparan sa pamamagitan mo. minsan kong hinangad na makasama ang taong mahal ko sa mga ganung pagkakataon. yung tayong dalawa lang tapos sumakay sa higanteng tsubibo ng tayong dalawa lang sana kaso meh umepal na dalawa at magsyota din yata. sayang nasolo na sana kita. bwahaha.

hindi natin pansin ang oras. kahit na meh duty pa ako kinabukasan ng umaga. basta't kasama ka. wala na kong pakielam pa. kahit nasuka ka sa kakasakay natin sa mga rides na gusto kong sakyan,ay ayos lang sayo.

nung una akala ko hindi na tayo matutuloy. kasi bigla kang meh on-call nung paalis na tayo. kaya sinama mo nalang ako sa tarbaho mo at nangako na kakain na lang tayo pagkatapos ng pasyenteng yun. hehe

nakapunta na din ako sa workplace mo sa wakas. natutuwa ako kasi ang galing mong mag-mri. haha

astig talaga.

sa susunod na bukas ay new year na!Ü
"dito ka ba magnu nu yir?"..

andami din nangyari ngayong taon na hindi ko makakalimutan.
-nakakita ako ng falling star.
-ngayong taon tayo naging malapit sa isa't isa at naging mabuting kaibigan ka. at naging higit pa sa kaibigan.
lagi na kitang kasama sa mga pagkakataon na gusto natin.
ngayong taon, tayo nagsimula.
-nasaktan ng labis at muling nakabangon.
-nagkaroon ng rt day sa skul.
-nag-inom ng 3 consecutive nights at akala ko magtutuloy pa yun ng isang linggo kundi lang ako naubusan ng pera pambili ng alak.
-namatay yung lola ko.
-nagpunta ako sa baguio at nagwish sa wishing pool at bumili ng magic bracelet.
-sumali sa sayaw na hindi ko karaniwang ginagawa. first time nga yata yun.
-nagyosi ng nagyosi. up to sawa talaga.
-nagsinugaling sa mga taong mahal ko.
-nakisalamuha sa mga taong bago lang sa paningin.
-nakisama
-atbp.

basta madami pa yun.
sana madami pa ulit mangyari next year. iiwanan ko na ang mga masamang bisyo. yosi at alak.
at higit sa lahat, magpapapayat na ko. hahaha

happy new year!Ü

1 kumento:

JoiceyTwenty said...

aliw ako sa background pic =D

awww ang suweeeeeet naman nun. ako din pangarap kong sumakay ng tsubibo kasama ang pinakamamahal kong... aso. kaso "no pets allowed" sa global fun.

hay.

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo