last week nasa baguio ako. namasyal ako. nagpunta ako sa burnham park. nagtangka akong magbangka pero ilang beses ako nagdalawang isip. sa kadahilanang magmumuka lang akong tanga at jologs. tapos nagpunta naman ako sa sm baguio. ang mall na walang aircon pero malamig pa din. dun sa pinaka taas merong telescope na hinuhulugan ng limampisong buo tapos pwede nang gamitin. ayos. naghulog ko nakita ko yung mga bata na naglalaro sa burnham park. haha. ang galing. kahit ganon kalayo nakikita p din. bwahaha. natutuwa ako ansaya. tinitignan ko sila nang di nila alam. haha. weird. tapos biglang wala na kong nakita. ang bilis nman, hanggang dun lang yung inabot ng limampiso. hindi ko pa nga natitignan yung iba. buti nalng meh lima pa ko. hinulog ko ayos tuloy ang ligaya.
bumili ako ng t-shirt na meh baguio city ang mura lang kasi haha. isa para kay ralph at isa para sa 'kin. astig..
tapos nagpunta naman ako sa mine's view. tapos meron dun, wishing well daw eh hindi naman yun well..parang maliit na swimming pool lang. dapat wishing pool ang tawag dun e. sa kabila ng aking pagdududa kung wishing well ba talaga yun ay masaya pa din ako nagwish. yung una kong ni-wish hindi natupad. hindi ko kasi na-shoot yung piso na hinagis ko sa pool. haha. tapos nung 2nd time na, na-shoot ko na. haha. ang ni-wish ko, sana makabalik ako dun. tapos pag nakapunta na ko ulit, magwiwish ulit ako na sana makapunta ako ulit ako. paulit ulit lang. hehehe. kinabukasan, bumalik pa ako sa mine's view para lang makabili ng magic bracelet na dalawa. taz tinignan ko ulit yung wishing well. nung gabi, nakakita ako ng falling star. astig. dati akala ko hindi ako makakakita nun kahit kelan e. haha. ang ganda pala talaga. sa mga libro na colored na picture ng solar system ko yun nakikita e. di ko talaga akalain. at syempre, nag-wish ulit ko. haha
Chicken Chow Mein Recipe
1 day ago



0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.