Tuesday, January 27, 2009

pamamaalam

isang araw nalungkot ako ng sobra. sobrang down na parang ayoko nang mabuhay. bumili ako ng isang kaha ng yosi nang mabasa ko ang nakasulat na "warning: smoking kills." kasi nga ayoko na. pakiramdam ko kasi nun, wala na kong pag-asa. ni-yosi ko xa ng sunod sunod. nonstop e. parang nag-pot session lang ako. kahit hindi ako marunong. ang resulta, hindi ako namatay. pero mula nun, naadik na ko sa sigarilyo. na unti-unti lang namang binabawasan ang life span ko. so sa pamamagitan nito, para na rin akong nagsuicide. na hindi lang agad umi-epekto. pero darating din ang araw na mararamdaman ko na ng paunti-unti lang din. ang paniningil nito sa pamamagitan ng sakit. na walang lunas. na hahantong sa aking mapayapang kamatayan.

minsan ko na ninais na mawala ka sa sistema ng pamumuhay ko. pero hindi ko talaga magawa. matagal ka na ding naging parte ng buhay ko. dahil sa'yo nakakahinga ako ng malalim. sa isang hithit at buga, nawawala ang tensyon. dahil sa'yo, nagkaroon ng kaibigan. dahil nagyoyosi din sya, madalas ko sya nakakasama. nagkukwentuhan, habang pinagsasaluhan.

ngayon, muli kong susubukan. na tuluyan ka ng iwan. salamat sa lahat. sa mga sandaling nalulumbay ako, ikaw ang immediate na nakakasama ko. salamat sa mabango mong usok. na hahanap-hanapin ko. salamat at nakilala kita. napasaya mo rin ang malumbay na buhay kahit papano. hindi ko na rin gugustuhing makasama ka pa. para rin ito sa ating dalawa. habang dito na lamang aking tunay na kaibigan.

ang mahal na ng yosi, 2.50 pesos isa. wag na lang. hindi na ko nagyoyosi. hehe

Sunday, January 4, 2009

kamot ulo

new years day. nag-away tayo. nagkapalitan ng masasamang salita. sobrang nagkasakitan. hindi na mapapatawad ang isa't isa mula non'. pero kailangan pa rin na muling magharap para sa ikabubuti ng pagtingin ng lahat ng tao. dahil sa mata nila. masaya tayo sa piling ng isa't isa. pero hindi pala talaga.

at mula nun,hindi ko na sana gustong makita ka pa. dahil ikaw, ang taong mismong mananakit ay sya ding minamahal. pero wala ako magagawa. emo ako.

ilang taon na din ang nakalipas mula nang naisipan kong magblog. nagsimula nung 1st year college ako. mula sa blogdrive hanggang ngayon dito sa blogger. minsan hindi ako nakakagawa ng mga entry kasi busy ako. pero nadudugtungan pa rin naman kahit papano. kahit walang tumatangkilik ay patuloy pa rin ako sa pagpopost ng nilalaman ng aking puso at isipan dito. blogging is a sin daw. ewan ko kung bakit. alam ko kung bakit dati eh pero ngayon nakalimutan ko na. haha. wala kasi akong paki.

pagpasok ng bagong taon ay late ako sa trabaho. lagot. sabi nila pag ganon, lagi na kong late sa buong sa taon. pero dahil maswerte Ako ngayong taon (dahil year of tha rabbit ako ipinanganak ayon sa tv maswerte daw ang mga ipinanganak sa taong yun ngayong taon) hindi magiging totoo yon.

gusto ko pang magsulat.

ang kati ng ulo ko. yak dandruff.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo