Showing posts with label brainless. Show all posts
Showing posts with label brainless. Show all posts

Saturday, September 15, 2012

ang araw ko

walang tubig. walang kuryente. di ko pa napaplantsa uniform ko. nag ipon ako ng tubig sa mga container kanina bago umalis pagbalik ko wala na laman. sarap ng buhay ng mga kakwarto ko. ngayon ay paano ako maliligo. walang tubig. walang kuryente. meron ako take out na pagkain na nilagay ko sa fridge, pero dahil walang kuryente, hindi ko mainit sa microwave. ngayon wala na ring pagkain. wala. empty. ness.

nangangati ang ulo ko sa kakaisip ng magiging paraan ko kung paano ang gagawin ko ngayong araw. kinamot ko hanggang sa sumakit. sa tindi ng sakit idiniin ko sa pader. hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. pero siguro wala ng ibang magawa.

sa kakaunting nalalabing baterya ni cephi ay nakakapagsulat ako. at naichacharge ang selepono. kung sakaling hindi pa rin magkakuryente sa pagalis ko papunta sa trabaho ay dadalhin ko nalang sya at dun ko ichacharge. kaya sana magkakuryente na dahil mejo mabigat si cephi kahit maliit lang sya. di ko gusto ang bagong album na dinownload ko sa illegal na paraan. sobrang dissappointed. parang gusto kong magpakamatay.

naiinitan na ko gusto ko ng maligo. mapipilitan akong hiramin at gamitin ang ilang pirasong tig 1.5 liter na bote ng mineral water ng kakwarto ko. gantihan lang. papalitan ko naman. pang ligo ko lang. habang wala pa sya, bwahaha! *evil laugh

Tuesday, June 5, 2012

k + 12

nakakagulat bakit namatay si richard tan. at dun ulit sa ospital na dati ko pinagtatrabahuhan. kung san din namatay si karl roy. anung meron ngayon. trending. nakilala ko si richard tan dahil sa parokya. sya kasi ang kanilang manager. pati na rin ng kamikazee, moonstar 88, chicosci at marami pang iba. magaling sya kasi sikat ang mga banda na naalagaan nya ngayon. rest in peace sa taong nagpakilala sakin ng mga hinahangaan kong banda ngayon. sana di sila mawala. ayoko sa lahat yung meh gumagaya sakin. sobrang badtrip yun eh. parang walang sariling gusto. pag lumalabas ako tapos meron pala akong katulad na ngayon lang naging ganon at nakikita ko naman na di sya dating ganon eh hindi na ko lumalabas. o kaya lalabas ako pero magiiba ng anyo. nakakainis talaga. nakakalungkot. k-12? kinder hanggang grade 12? kinder, 6 yrs elementary, 4 years junior highschool, at 2 years senior highschool. 13 years of basic education. additional years. dalawang taon lang naman pero ewan. buti nalang hindi na ako estudyante. kaso hindi daw ako itinuturing na professional sa ibang bansa dahil 10 years lang ang basic education ko. plus kinder pa pala. 11. sa lahat daw ng bansa, Pilipinas lang ang hindi  naka k+12. buti naman at naipatupad na ito ngayon. kaso lang, sino bang estudyante ang gustong magtagal sa isang eskwelahan na sobrang dami mo ngang kaklase, araw araw naman trip to jerusalem ang eksena. kalahating araw lang ang klase. short cut ang lessons. ganon kasi pag sa public schools. ako ay isang produkto ng public schools. alam ko ang tunay nilang nararamdaman. kaya sana maayos na ito ng gobyerno ng bansa. sana tumagal pang mag-aral ang mga bata.

Wednesday, May 23, 2012

a promise

nag promise ako sa sarili ko na maaga ako matutulog. dahil dumadami na ng husto ang mga tigyawat ko. na siguro ay ang pagpupuyat na nga ang dahilan nito. na parang gusto nga maging tigyawat na tinubuan ng mukha. makati rin ito. kaya napipilitan akong kamutin. at lalo pa kumakati ng husto. sarap talaga kamutin. tapos napansin ko na lang na kumakalat na sa buong mukha ko yung kati. di ko na mapigilan. naghilamos na ko ng husto. nawala na yung kati. kaso nasugat yata mukha ko kakakamot. ang haba na kasi pala ng kuko ko. wala na kasing sumisita na mahaba na yung kuko ko. di tulad nung nagtatrabaho pa ko. sinisita ako ng mga clerk at inaabutan pa ko ng nailcutter para maggupit. kasi bawal yun sa trabaho. pinapasukan kasi ng mikrobyo at germs ang kuko at baka makarating sa pasyente pag hahawak na ko sa kanila. bawal din pag meron kulay ang kuko. pwede naman yung transparent lang. walang dating. di tulad ng kulay ng kuko ko nung college. black lang lagi. pampatay. ngayong wala na akong trabaho, di ko na napansin ang paghaba nito. subukan ko lang pahabain pa.tapos try ko pagawaan ng french tips. pakikayan nalang. 9 pm ako nag alarm ng sleep time. nag alarm naman kaso ka chat ko pa si ralph sa fb at nagbablog pa ko kaya ang ending, mukhang puyat ako nanaman ngayon. di pa naman na ako nag siesta kanina kasi nga balak ko matulog ng maaga ngayon. siyet! tatabunan na ng tigyawat ang mukha ko nito. kasi walang disiplina sa sarili.

meron na ba?

wala pa rin. hanggang kelan kaya ako maghihintay. nakakasawa naman. di bale masarap naman tumambay. boring lang din. pero ayos na to kesa mag drugs. ngayong araw ko lang natapos basahin ang libro ni eros atalia na pinapirmahan ko sa kanya nung sabado. ang inaabangan kong sequel ng ligo na u lapit na me. it's not that complicated: bakit hindi pa sasakupin ng mga alien ang daigdig sa 2012. swerte ko lang dahil sinamahan ako ng pamilya ni ralph. kahit mukha na silang bored. tinapos namin, 3-5pm. oras ng siesta. o mga ganong oras, kasi ako, ang siesta ko mula ala una hanggang alas sais. tulad kanina. yun ang oras ng siesta ko talaga normally. kaya pagdating ng gabi, ang hirap ngang matulog na kasi di ako inaantok pa. ayos lang, wala na naman akong pasok. wala na kasi akong trabaho. tambay na lang. ano pa bang gagawin kundi matulog. try ko palang mag jogging bukas ng madaling araw. pag maaga akong nagising. na imposible naman kasi madaling araw na pala pero hanggang ngayon gising pa rin ako at nagba blog. pero pwede pa rin ituloy kung babalakin ko na wag na matulog at magjogging na lang. kaso baka magmukha akong zombie pagkatapos. imbes na magpapayat lalo akong tumaba dahil natulog nanaman ako. hindi na tama to. matutulog na nga ako. mamaya. ang ganda nung libro. bastos talaga haha. pero meh kwento naman. di ko inasahan na magiging ganon ang kakalabasan ng kwento ni intoy. pero tapos na yun. sana mabasa rin yun ng iba at kapulutan ng magandang aral. na magbago na tayo bago pa gunawin ang daigdig at sakupin ng mga alien.

Tuesday, May 22, 2012

realities

natapos na ang mga araw. inaasahan ko na kaya hindi na ako masyadong nasaktan. at ilang araw din naman na naging masaya tayo. bakit? wala lang. lagi mo lang sinasabi yan. nahuhuli kitang nakatingin sakin, pag tinatanong kita kung bakit, wala lang ang sinasabi mo. pero nababatid ko sa hawak ng kamay mo na meron. yata. di rin ako sigurado. kung ano man yun, sana naman sabihin mo. para lang malaman ko ang nagiisang dahilan o marami man. dalawang taon pa. papabilisin ko na ang oras. kaya lang di pa rin ako nakakaalis. sana nga makaalis na ko. para matapos na rin ang paghihintayan natin. meh barong ka na, traje de boda nalang sana, pwede na. kaso balik na muna tayo sa riyalidad. ang katotohanang wala na naman akong trabaho. pano na masasayaran ng nicotine at kapeng mahal ang bibig. sana isang araw meh magyaya sa akin at ililibre nya ko. yung tipong naiintindihan nya ko na wala akong pambisyo kasi wala na akong trabaho. at willing naman sya munang gastusan ako. sa aking panaginip. dahil sa riyalidad, hindi na talaga uso ang libre. sobrang minsan na lang yun at minsan nababawi pa sa kadahilanang pagbabago ng isip na ilibre ako, matapos kong asar asarin at tukso tuksuhin. malas lang. grasya na naging bato pa. wala na rin akong mga kaibigan. loner. di bale kasama ko naman pamilya ko dito sa bahay. na araw araw ako pinagsasabihan kasi wala ako sa bahay ng isang buong linggo. yun na lang ang natitirang libre. libreng homily mula umaga hanggang gabi. nonstop. nag stop lang minsan kapag may bisita. sobrang minsan lamang.

Friday, August 5, 2011

Sana naman

Sa wakas nakapag off din. Eto ang mga araw na hinihintay ko linggo linggo. Matapos ang limang araw na pagtatrabaho ang dalawang araw na pahinga ang nagpapasaya sa linggo ko kahit papano. Sobrang stress sa trabaho. Mga pasyenteng makulit, supervisor na maarte, kasamahan sa trabaho na sumbungera na gagawan ka ng kwento kahit wala naman ginagawang iba. Sa panahon ngayon, bakit pa meh mga taong ganon. Hindi makuntento kapag di sila nakakapanggulo ng buhay ng tao. Sa paninira na ginagawa nila, hindi lang iisang tao ang naaapektuhan. Kundi ang lahat ng meh kaugnayan sa taong yun. Ang hirap din pala makisama. Kasi meh mga tao na mahusay sa pakikiharap pero pagkatalikod mo marami na masasabi tungkol sayo.

Sana wag na bumagyo next week. Gusto ko makasama ang taong matagal ko ng hindi nakakasama sa buhay kahit dalawang araw lang. Gusto ko maging masaya at hindi magka hassle pag kasama ko na sya. Eto nalang yung mga araw na nandito sya ulit. Kaya kahit isang linggo lang, pagbigyan nyo ko mahabaging Neptune.

Sunday, June 26, 2011

*gong

Nakakalungkot ang bawat eksena. wala akong kamalay malay unti unti na pala akong lumulubog. Malapit na akong hindi makahinga. At tuluyan ng mamahinga. Saan ako nagkulang ng ginawa. Nagkamali sa iisang tao na pilit ko namang pinakisamahan kahit wala na kong lakas at panahon na para sa kanya. At dahil dun sa kahahanap nya ng mali sakin, nakahanap sya ng butas na ipanlalaban nya sa akin. Nasira ako sa isang iglap. Nawasak ang aking buong pagkatao. Nalugmok sa pinakailalim ng hukay. Nagiisang hinaharap ang lahat pero hindi na yata kakayanin ng pagal kong katawan ang lahat ng bawat dumarating na sabay sabay akong sinasapol ng palakol. Unti unti na kong nalulusaw. Habang hindi pa ako nawawala, sana ay meron pang sasagip sa nalulunod kong laman. Sana ay may bumuong muli sa akin. Muli akong hubugin. Umaasa ako na sa huling pagkakataon na ito na aking muling ilalaban ang pagod ko nang isipan ay mapanumbalik pa ang nawala ng tiwala sa sarili. Kahit walang dumating na sasagip sa akin ay kakayanin ko pa rin ng nag iisa.

Thursday, February 11, 2010

bulok

nung Feb 6, 2010...

nagkasundo kaming mga walang magawa sa buhay na mag inuman. kasi aalis kinabukasan yung kaibigan ko. pupunta sya sa Singapore eh! naunahan na ako! so alas singko bago maggabi ang usapan. dumating ang dalawang lalaki ng nakainom na. kaya maaangas na. sa Freska kami nagpunta. na nasa 2nd level ng Promenade Mall sa Greenhills matatagpuan. bago pala papunta dun meh nadaanan kami pa-free taste ng yoshinoya. ang iingay nung dalawa o. ang lakas ng boses lakas trip. ako naman kunwari di ko sila kilala haha. pagkadating sa Freska, upo kami sa table sa labas para makapanigarilyo. at umasang meh lalapit sa aming crew at hihingihin ang mga gusto naming orderin. pero nagkatawanan na kami at nag-asaran. nag-ingay. pero wala pa rin nag-aapproach sa min na staff para magbigay ng menu nila. hanggang sa nainip na kami. kasi ang tagal. labas pasok naman sila sa glass door nila imposible di nila kami nakikita. kaya nagtaas na ng kamay yung kasama ko pero wala pa ring pumapansin. walang kwenta talaga. hanggang sa meh lumabas na babaeng crew. hindi pa kami pinansin, pero nakita ko na napatingin sya sa 'min. kaya tinawag sya nung isang lalake naming kasama at hiningan namin sya ng menu. binigyan nya naman kami. iniabot nya sa 'min ang dalawang menu list nila. sabay pasok ulit sa loob ng glass door nila. bastos talaga. hinayaan na lang namin. namili na lang muna kami ng oorderin. nang meh maisip na kami, tinawag namin ulit yng babae. kaya lang hindi nanaman kami napapansin. hay, anu bang meron kami at ayaw nyo kaming pansinin, nasabi ko nalang sa mga kasama ko. after 45yrs, meh nakapansin na din sa 'min. kinuha ang mga order namin. eto naman ngayon, mas matagal pa sa nagle-labor na ina. halos kalahating kaha na ang nayosi. nakailang follow ups na. anak ng tokwa talaga. pinagtyagaan na lang din namin. ayaw namin magwala dun eh. baka kasi meh ilagay sila sa pagkain na ihahanda nila para sa 'min. pero hindi na nakapagpigil yung isa kong kasamang babae. nang sabihin sa min na last call na daw nila kung meh oorderin pa daw ba kami. nagtaka kami ng husto. kasi una, alas onse pa lang. ang aga pa kaya kung magsasara na sila. ikalawa, sabado night yun at gimik night. at maya maya bigla nang inabot sa min yung bill namin. nagulat kami. kasi wala pa naman sa 'min humihingi nun. ganon ba yun pag last call na automatic na bibigay na nila yung bill. hindi naman ah. nakailang inom na sila dun sa freskang yun ngayon lang daw nagkaganon. so, tinanong nung kasama ko yung kabilang table kung pinaglalast call na din ba sila. sabi nila hindi daw. hay ang sama talaga. mukang pinapaalis na talaga kami. kaia nagalit na yung kasama ko pinatawag nya dun sa babaeng crew yung manager nila. sabi naman nung babae, umalis na daw ang manager nila. anung klase yun. bakit kami pinaglalast call na tapos yung iba hindi naman. ang unfair. hindi ba customer ang tingin nila sa 'min. nagbayad naman kami. ibang klase talaga.

Tuesday, January 26, 2010

panahon

pakiramdam ko tuyot na tuyot na ko. kaya uminom ako ng maraming sobrang malamig na tubig. mga isang litro din. isang session lang yun. kaya ngayon meron akong ubo't sipon. ang bilis ko nang magkasakit. umiinom naman ako ng bitamina araw araw. minsan din nakakalimutan ko. tulad ngayon.

kaninang umaga, bago ako natulog, sa umaga ako natulog kasi panggabi ang duty ko kagabi, sinabi ko sa sarili ko na sa tanghali ay gigising ako para pumunta sa skul ko nung college para kumuha o mag request ng transcript of records ko. meron naman na ako transcript of records na ginamit ko nung magbo - board exam ako kaso andami nilang arte di daw pwede yun. ewan ko ba eh pareho lang naman yun nilalaman nun. pinagkaiba lang yung isa for board exam purposes tapos yung isa for job purpose naman na isinusulat dun. ayun, hindi ako nagising nung tanghali. tuloy tuloy yung tulog ko hanggang alas quarter to 4pm na ko nakagising. kaya hindi na ko nakapunta. kumain na lang ako ng french fries.

maya maya ay aalis na erpats ko. pupunta na sya sa ibang bansa. ewan ko kung saan, sa middle east. hindi ko na kasi nakakausap si papa. kasi lagi sya wala at simula nung nasira nya yung mp4 ko, nagalit na ko sa kanya. hindi nga ako nalulungkot na aalis na sya ulit kasi sanay na ko na wala sya palagi. ihahatid naman sya nila mama at whimpy.

bukas alas dos naman duty ko.. ilang araw na lang magkakasama uli tayo kahit saglit lang. hehe sobrang mabilis lang talaga ang panahon.

Sunday, June 28, 2009

listen well will you marry me?

napanuod ko na transformers: revenge of the fallen. astig. namatay si optimus prime tapos nabuhay ulit. hahaha. sorry sa mga di pa nakakapanuod. spoiler ako eh! hehehe. si megan fox, crush ng boyfriend ko. hehe.

halo halong emosyon ang naramdaman ko. natatawa ako. nokornihan. nagulat. natakot. kaya parang tumigil ang paghinga ko at hindi ako makahinga. tama. hehe. seryoso. nahirapan talaga ako huminga. tapos naiihi pa ko. pero ayoko lumabas kasi ayoko na may ma-miss na eksena. kaya ni-hold ko lang yung ihi ko ng 2 and a half hours lang naman.

box office sya. ang haba ng pila. tapos punuan na yung walong cinema sa trinoma pagdating namin. yung pang 8pm na lang yung may magandang bakanteng seats kaya yung pang 8pm yung binili naming ticket. 5pm pa lang. kamusta naman. since 27th monthsary namin nun, nag-date na muna kami. haha ang jologs. sa timezone kami nagpalipas ng oras. nakatatlong beses na laro ng guitarhero. sya apat. kaya nagka-kalyo yung hinlalaki nya na pang - strums nya. haha. tapos nagpataasan kami ng score sa basket ball. syempre ako panalo. hehe tapos kumain kami sa italian restaurant. saya. Ü

Listen well, will you marry me? (Not now, Boy)
And are you well in the Suffering? (You've been)
The most gracious of hosts
You may be invited, girl, but you're not coming in.


yeah! \m/

Saturday, January 12, 2008

kape..

tahimik lang akong nakaupo sa upuan. walang pakielam sa mga taong nagdaraan sa aking harapan. sa iisang direksyon lang ako nakatingin at wala itong hangganan. pinalilipas ko ang aking oras sa pamamagitan lamang ng paggawa ng gawaing ito. walang kurap sa pagtitig sa kawalan. hinihipan ng hangin ang aking buhok. nagugulo ito subalit naaayos din. habang nakatingin sa kawalan, kasabay ng hangin ang paglipad ng aking isip. marami na itong nararating. mga masasayang eksena na hindi mawawala sa alaala. habang tumatagal, lumilipas na ang oras. natatapos ang kasayahan. ang lahat ay nagwawakas. meh mga bagay na mapapalitan ng ibang bagay. taong nagbabago ang pag - uugali. nagsasawa. ngunit sa katagalan, ay muling maiisipang gawin ang nakasanayan. muling magiging masaya at magsasawa ulit. walang magawa. kundi mag - isip. patuloy sa pananaginip. hindi mauubusan ng maiisip. kape muna.. Ü
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo