Showing posts with label bahay. Show all posts
Showing posts with label bahay. Show all posts

Wednesday, May 23, 2012

a promise

nag promise ako sa sarili ko na maaga ako matutulog. dahil dumadami na ng husto ang mga tigyawat ko. na siguro ay ang pagpupuyat na nga ang dahilan nito. na parang gusto nga maging tigyawat na tinubuan ng mukha. makati rin ito. kaya napipilitan akong kamutin. at lalo pa kumakati ng husto. sarap talaga kamutin. tapos napansin ko na lang na kumakalat na sa buong mukha ko yung kati. di ko na mapigilan. naghilamos na ko ng husto. nawala na yung kati. kaso nasugat yata mukha ko kakakamot. ang haba na kasi pala ng kuko ko. wala na kasing sumisita na mahaba na yung kuko ko. di tulad nung nagtatrabaho pa ko. sinisita ako ng mga clerk at inaabutan pa ko ng nailcutter para maggupit. kasi bawal yun sa trabaho. pinapasukan kasi ng mikrobyo at germs ang kuko at baka makarating sa pasyente pag hahawak na ko sa kanila. bawal din pag meron kulay ang kuko. pwede naman yung transparent lang. walang dating. di tulad ng kulay ng kuko ko nung college. black lang lagi. pampatay. ngayong wala na akong trabaho, di ko na napansin ang paghaba nito. subukan ko lang pahabain pa.tapos try ko pagawaan ng french tips. pakikayan nalang. 9 pm ako nag alarm ng sleep time. nag alarm naman kaso ka chat ko pa si ralph sa fb at nagbablog pa ko kaya ang ending, mukhang puyat ako nanaman ngayon. di pa naman na ako nag siesta kanina kasi nga balak ko matulog ng maaga ngayon. siyet! tatabunan na ng tigyawat ang mukha ko nito. kasi walang disiplina sa sarili.

Tuesday, May 22, 2012

realities

natapos na ang mga araw. inaasahan ko na kaya hindi na ako masyadong nasaktan. at ilang araw din naman na naging masaya tayo. bakit? wala lang. lagi mo lang sinasabi yan. nahuhuli kitang nakatingin sakin, pag tinatanong kita kung bakit, wala lang ang sinasabi mo. pero nababatid ko sa hawak ng kamay mo na meron. yata. di rin ako sigurado. kung ano man yun, sana naman sabihin mo. para lang malaman ko ang nagiisang dahilan o marami man. dalawang taon pa. papabilisin ko na ang oras. kaya lang di pa rin ako nakakaalis. sana nga makaalis na ko. para matapos na rin ang paghihintayan natin. meh barong ka na, traje de boda nalang sana, pwede na. kaso balik na muna tayo sa riyalidad. ang katotohanang wala na naman akong trabaho. pano na masasayaran ng nicotine at kapeng mahal ang bibig. sana isang araw meh magyaya sa akin at ililibre nya ko. yung tipong naiintindihan nya ko na wala akong pambisyo kasi wala na akong trabaho. at willing naman sya munang gastusan ako. sa aking panaginip. dahil sa riyalidad, hindi na talaga uso ang libre. sobrang minsan na lang yun at minsan nababawi pa sa kadahilanang pagbabago ng isip na ilibre ako, matapos kong asar asarin at tukso tuksuhin. malas lang. grasya na naging bato pa. wala na rin akong mga kaibigan. loner. di bale kasama ko naman pamilya ko dito sa bahay. na araw araw ako pinagsasabihan kasi wala ako sa bahay ng isang buong linggo. yun na lang ang natitirang libre. libreng homily mula umaga hanggang gabi. nonstop. nag stop lang minsan kapag may bisita. sobrang minsan lamang.

Friday, July 9, 2010

hmm..

4 years ago mga ganitong araw yun siguro kasi di ko na matandaan. Umuulan pero maaraw naman. Mukhang meh kinakasal na kapre. suot ang pangraker na get up. Naka eyeliner ako at itim na eyeshadow. Sabi ng prof ko meron akong uling sa talukap ng mata ko. Bagay sa lips kong maputla. Mukhang zombie. Papunta na ko sa susunod na klase. Nang makita kita. Di pa kita kilala nun. Pero lagi na talaga kita nakikita dun. Mukha kang tanga. Di na kita pinansin. Ilang araw na lang magkakaroon na ng battle of the bands sa school. Todo praktis na yung mga kakilala kong may banda. Wala akong banda kaya hindi ako rocker. Isang araw meh ikinukwento sa akin ang kaibigan ko na crush daw nya. At magaling daw mag gitara. At isang araw nga pinakilala ka nya sa 'kin. Nang minsang sinama nya ko na manuod ng praktis ng banda mo. huh! Ikaw pala yun. At tapos hindi rin tayo naging ganon ka-close. Kasi crush ka ng kaibigan ko. At may boyfriend ako. Hindi kasi ako flirt eh. Pero humanga na ko syo nung napanuod kitang tumutugtog ng gitara at di lang basta gitara kundi bass guitar. Astig. Ang galing. Nung foundation day at halos araw araw na kitang nakakasama tuwing pumapasok ako sa school kasi ikaw una kong nakikita at nalalapitan. Nagkausap tayo tungkol sa mga gigs. At niyaya kita sumama sa kin manuod sa tugtugan ng mga underground na banda. At pumayag ka. At nagustuhan mo pa sila. Ayos. Meh kasama na ko. Di na ko magisa manunuod. Hindi na ko loner. Mula nung dumating ka sa buhay ko. Apir!

Monday, January 25, 2010

sa wakas

22 days na lang.


pauwi na ko galing sa walong oras na trabaho. sobrang antok ako sa bus. di ko namalayan nakakatulog na pala ako sa balikat ni ate. buti hindi nya binalikat yung ulo ko. dumaan pa muna ako sa mall para mamili ng konting gamit ng bagong panganak na pamangkin na lalaki. sa supermarket meh nakita akong pin ng lampin. iba't iba yung kulay. pipiliin ko sana yung pink. kaso bigla ko naalala, lalaki nga pala yung baby kaya pinalitan ko ng kulay blue. bumili din ako ng gatas nya pati lactacyd na sabon nya sa pagligo. ang mahal ng gatas nya tsaka yung sabon nya. 1k na kinuha ko sa atm 300 pesos na lang yung naging sukli nung magbayad ako sa cashier. grabe. kaya pala ang sisipag ng mga bagong ama na kasamahan sa trabaho. kaya inaasar silang may pinapagatas. haha

pagdating sa bahay sobrang antok na ko. halos di ko na mailakad yung paa ko na parang gusto ko nalang mag-collapse at pabagsak na matulog. pero hindi nangyari. nagawa ko pang ilagay sa sa mga lagayan yung pinamili ko. haha

ngayon makakatulog na ko ng mahaba sa wakas. kasi panggabi pa ako mamaya. maghapon ako matutulog. sana.

Tuesday, June 16, 2009

sobre

pauwi na ako galing sa lagpas walong oras na trabaho. at sasakay na ko ng bus. dalawang lane lang ang pagpipilian ng driver ng bus sa lanes ng cubao. fast lane at slow lane. malas ko. laging pinipili ang slow lane.

uy sa sabado na ang fete dela musique '09 .



sa metrowalk sa pasig ito mangyayari. tamang tama, pagkatapos ng duty ko, rekta na dun. hahaha. isang sakay lang yun mula sa greenhills eh. tama!

ang payong ko mura lang. laging nililipad ng malakas na hangin. problema nga ito. tulong wonder pets! hehe

napanood ko na yung blood: the last vampire ni Gianna jun. haha. astig naman. kaso bitin. anu kaya nangyari sa kanya bakit bigla sya nawala. si saya. makahanap nga ng anime nun. intresante.


nakausap kita sa txt. ang sabi mo ililibre mo ko. tapos nagbago ata yung takbo ng utak mo. bigla mo sinabing ako ang manlilibre sa'yo. wuh! ayos.. ayoko nga. kailangan ko ng pera hindi ko yun gagastusin sa panlilibre lang. haha. ipagluluto na lang kita kesa magwaldas. tama na ang frap. masyadong mahal. ikaw na lang. kasi. manlibre. ehh.

nakakatakot naman. andami na talagang merong influenza a h1n1 virus. 200 na yata ang naging biktima. bawal din kami magsuot ng mask sa hospital. kasi daw wala naman kami sakit. kaya di dapat mag-mask. yung mga may sakit lang daw yung may karapatang mag-mask. kaya magpanggap na lang na may sakit para makapag-mask. nakakainis din kasi yung e.r nagpapadala ng pasyente na for x-ray na hindi muna tumatawag para sabihin na suspected na may swine flu si patient. kainis. kailangan patatagin ang resistensya at uminom ng bitamina na magpapalakas ng resistensya. at magpabakuna ng anti = flu. goodluck na lang.

at ang nilalaman nito ay isang blangkong walang sulat na hindi papel kundi art paper lang.

Sunday, February 17, 2008

espasyo

nagpunta ako sa up fair kasama si ralph. andami tao. kakahilo. walang espasyo. pero dami pagkain. sarap magfoodtrip.

sinuntok ako ni ralph sa braso anlakas.. naiiyak ako buti napigilan ko haha. nagkapasa yung suntok nya. naiisip ko yung magiging sitwasyon ko kapag naging mag-asawa kami. magiging kawawa siguro ako bwahaha. kaya nung time na yun parang gusto ko na sya iwanan eh. pasalamat sya mahal ko sya at di ko sya kaya iwanan. haha.

nagtitxt nanaman yung si jonathan. nakakagago pala sya sabi nya di na sya magtitxt sa 'kin kahit kelan nung sinabihan ko sya na wag na nya ko ititxt o imi-miscall e. tapos ngayon nagtitxt nanaman sya. sinungaling. kalokohan. parang tanga. hahaha!

yehey! uuwi na si tatay ko. dadating na sya sa wednesday. hehe. hindi na sya aalis kahit kelan. para magkasama na kami palagi at buo na ulit ang pamilya ko. makakatulog na siguro ako ng maaga sa mga susunod na araw. sa paguwi ni papa hindi na ko makakalabas o makakapunta sa gig. kahit naman ngayon, hindi na ko nakakapunta. pinipigilan kasi ako ni ralph. ayaw nya na pumunta ako ng hindi sya kasama. ok yun. pero kapag gusto ko pumunta tapos hindi sya pwede kasi meh tarbaho sya, hindi na ko nakakapunta. kawawa naman ako. buti nung lunes nakapunta ako sa loverage2. buti pinayagan nya ko kahit di ko sya kasama. hahaha

college week namin sa skul. kaya naman excuse kami sa mga hospital na pinagdu-duty-han namin for one week. pero di ko alam kung magduduty pa rin ako o sa skul ako. pag nagduty ako matututo ako pero pag sa school, sportfest, hindi naman ako mahilig sa sports kaya malamang na tatambay lang ako dun. bwahaha

pagdating ni papa magpapaluto ako ng pagkain sa kanya. magaling magluto ang papa ko kaya yun ang tarbaho nya. tapos pagkatapos nya magluto, kakain ako ng madami. Ü
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo