Tuesday, January 23, 2007

tsubasa

wala akong iniisip. blangko. kahit alam kong may graded recitation yata bukas ay hindi ako nag-aaral. hindi din naman yun papasok sa utak ko. hindi nya pa kaya mag-absorb ng kahit na ano. wala pa syang gustong gawin sa ngayon. tadhana nga naman. sana maging mabait ka sa tulad kong walang utak. pero kahit naman ano, tatanggapin ko. hindi ko rin naman kasi gustong isipin pa. sana maging maayos ang lahat. ayoko sanang may magawa nanaman akong maling hakbang. sana totoo lang ang magawa ko. gusto ko gamitin ang utak ko pero ayaw magpagamit. hayaan na lang. kahit magmukhang tanga lang.

Sunday, January 21, 2007

nababaliw na ang payaso.

sinabi mo noon
hindi na babalik ang kahapon
ngunit bakit ngayon nandirito pa rin

sinabi nya sa akin
sagabal lang ang damdamin
ang nagmamahal ay mahina din

sagot ba ang kamatayan
sa lahat ng katanungan
ang paningin nya ngayo'y dumidilim

kung Diyos mo'y makasalanan
sasambitin pa ba ang kanyang ngalan
paniniwala nya'y nawawala na rin

kung dati ang problema'y saglit lamang
ngayon ito'y mahirap kalimutan
ang pag - iisip nya'y naging malabo na rin

nawawala na ang kinang at ang kasiyahan
na ngiti sa mukha ay nakalimutan
nagunaw na lahat sa kanyang mundo
kaya ngayon ay
nababaliw na ang payaso

ang mundo nya ay isang teatro
ang buhay nya ay isang entablado
ang uri ng payaso ay tao pa rin

sa kaliwa ang hawak nya'y baraha
sa kanan tangan nya'y gitara
nag - iisip kung alin ang uunahin nya

noo'y nagpapatawa ang payaso
walang pakialam kahit magago
pero bakit naging sensitibo na rin

wala mang bahid ng kalungkutan
pero huwad naman ang kasiyahan
siya'y punong puno ng tuwa't pighati

nawawala na ang kinang at ang kasiyahan
na ngiti sa mukha ay nakalimutan
nagunaw na lahat sa kanyang mundo
kaya ngayon ay
nababaliw na ang payaso

lagi mo na lang sinasalo
ang lahat ng aking ibinabato
pagharap ko sa salamin
nandoon ang payaso't nakatingin sa akin

ano na ba ang kahahantungan
ng payasong anonimo na sa lipunan
hindi na maibabalik pa ang kahapon
ang payaso noon ay hindi na ngayon

wala na siyang pakiramdam
wala na siyang pakialam
wala na siyang tatakbuhan
poot at galit ang nararamdaman

nawala na ang kinang at ang kasiyahan
ang ngiti napawi ng kalungkutan
ako ang payaso ang payaso ay ako
pero di ko alam

nababaliw na ang payaso

nababaliw na ang payaso



natapos na ang lahat. ang tanging maari lamang na maging dahilan ng aking kasiyahan. tulad ng awitin ng aizo. wala na kong dahilan.

Monday, January 15, 2007

shield of him..

sinabi ni Luna sa txt nya nung nitanong ko sya kung anu ang impresyon nya sa 'kin nung una nya kong makita. just for the sake of a conversation. isa kasi syang miembro ng rockommunity kung saan akin ding nasalihan at nagkakaroon kami ng mga pagkikita kitaan at tambayan sa mga bar para sa gig at malls. anu kaya yun.. hmm. nung una nya daw ako makita, ay mukha daw akong goth. dahil tahimik daw ako at parang distant. parang laging deep ang iniisip at kaya ko daw pumatay. at hindi daw ako masaya.. matapos nyang sabihin yun, no offense meant daw kasi sino ba naman daw sya para sabihing hindi ako masaya..

okey lang naman yun. kasi parang tama din naman yung mga sinabi nya. at sa likod ng aking isipan, naiisip ko na para syang isang psychologist. sinabi pa nya na bagay sa 'kin ang kulot. hahaha. too late. napa - straight ko na ulit ehh.. tsk tsk tsk. hehe.

Lagi nga naman akong nag - iisip ng kung ano ano. hindi ko alam kung ano yung mga 'yon. sa gabi nga ay hindi ako nakakatulog ng mas maaga pa sa alas 12 ng gabi.. sa kakaisip ng wala naman at walang kwenta. at kahit na ipikit ko ang aking mga mata at gustuhing matulog na, ay hindi pa rin tumitigil ang isipan sa pag - iisip. at bigla na lang din ako magigising na parang hindi naman talaga ako natulog. paulit ulit lang 'yon. sa pare parehong oras pa. nasasanay na.

naniniwala din kasi ako na kapag nagawa mo na ang isang bagay ng dalawampu't isang beses palagi ay hindi na ito mawawala sa sistema ng buhay mo. maraming beses ko na siguro itong nagagawa nang hindi ko lang napapansin. kaya 'yun ganun.

kagabi ay nagpunta kami sa asia mall. kasama ko si schoolmate ralph anthony. sinamahan nya ko. kami lang dalawa. hindi alam ni jonathan. hindi nya rin kasi ako papayagan kung nagsabi ako. kaya minabuti ko na lang na wag nang ipaalam sa kanya. nagpunta kami dun para sa huling araw ng pyrolympics. at para na rin sa kitaan ng mga rockom dun. sa 2nd floor daw sa foodcourt. pero pagdating naman namin dun, wala sila.. ni - txt ko sila pero di nila ako niti - txtback - an. tinawagan ko si ron. nagsasalita sya pero hindi ko naman naiintindihan. alien.

kaya kumain na lang muna kaming dalawa. bwahaha. pagkatapos lang namin kumain, tsaka na nag - umpisa yung payerworx. yung unang bahagi. ang ganda! ang galing! ang astig! bangis! bwahaha. lahat ng mga tao dun sa carpark na kinalalagyan namin ay wala lang alam sabihin at ang lumalabas lang na salita sa kanilang bibig ay ang salitang wow! kami pa lang dalawa ni ralph at hindi pa namin natatagpuan yung mga rockom. pareho kaming namangha sa aming namamasdang makukulay na kumikislap sa kalangitan. meron pa dun o parang hugis apol..

30 minutes din yatang nagtagal iyon. pagtapos nun, kinukontak ko na rin yung mga rockom. si ate pepot ang nagreply at hindi pa pala sila nakakadating dun. pati si sheen papunta pa lang din.. tapos pinapunta nila kami sa eh mcdo. at nakita ko siya kasama si pete.. tapos dumating na din si sheen. maya maya dumating din si amboy. bwahaha. dumadami na.. tapos nung 10:30 na bumalik na ulit kami dun sa dati naming pwesto para sa huling bahagi ng payrwox display.

pagkatapos tambay ulit. dun sa monumento ng puno na payat sa labas ng mcdo. at nagkita kita na kaming mga naghahanapan lahat. hahaha. naging masaya ang lahat. lalo na ko. bwahaha. kasi sinamahan nya ko. at kami lang dalawa sa unang pagkakataon..

nabalitaan ko na united kingdom ang nagchampion sa pyrolympics..

Friday, January 5, 2007

umpisang huli

ayos. magandang simula. sana maayos ko pa..

bagsak ang prelim ko ng DSA. congrats sa 'kin.. bwahaha. hindi ako dapat na malungkot tulad ng mga kaklase kong bumagsak din. matatalino kasi sila hindi tulad ko. hindi nila matanggap. sa ken ayos lang.. hindi talaga ako umaasang pumasa sa mga pagsusulit na sinasagutan ko. wala akong dapat asahan sa sarili ko. wala akong kwenta. bobo at lito. bwahaha. hindi ako adik, mukha lang adik. wag din dapat sila umasa sa 'kin..kasi ako nga, hindi umaasa sila pa kaya. pag umasa pa sila sa 'kin, wala nang mangyayari sa buhay estudyante nila. meh midterm, finals, at removal/remedial exams pa naman..

pinag-iisip ako ng magandang pangalan ng isang banda ng aking matalik na kaibigan.. sabi ko, wrangler jeep. hehehe. astig. sabi nya ang ganda daw..hahaha. hindi nya yata alam na isa iyong uri ng sasakyang parang owner na jeep. bwahahaha. nakita ko lang yun na nakasulat sa jeepney e.

tuwid na nga ulit ang buhok ko. ano pa ba ang gusto mo.


nakuha ko ito sa blog ni kaibigang yasu. nagalingan ako kaya sabi ko kung pwede din ako magsagot at pumayag sya! salamat yasu.. love u.. bwahaha! aper.. an saya!


Friendster Bulletin Board

Nang dahil binuksan mo to, sasagutin mo din tong TAGALOG at walang kasamang INGLES na salita. ***>> masaya ito.. haha

makulit ka ba?
>> hindi naman. pag lakas trip mode lang.. halimbawa, nakita kita walang kasama sa pasilyo ng eskwela, tatawagin kita gamit ang ibang pangalan kasi hindi ko naman talaga alam ang pangalan mo. madalas kong itawag ang bruno. tapos ituturo mo ang sarili mo. tapos iiling ka ng madaming beses. bwahaha.

pikon ka ba?
>> hindi. kasi sanay na kong inaasar lagi at minumura.

pang ilan ka sa inyong magkakapatid?
>> ako ang nauna. walang kwentang ate ako.

ikaw ba ay isang "positive thinker"?
>> hindi. masaya ako sa pagiging negatibong mangingisip..

ano ang paborito mong numero?
>> bilang isa.

bingi ka ba?
>> ha? hindi ahh..

saan mo gusto dito o doon?
>> dito nalang. kahit ako lang mag-isa. masayang mag-isa..

ano ang mga paborito mong kulay?
>> wala itim lang..

nakakain ka na ba ng hayop maliban sa manok at baka?
>> oo naman. ikaw..

galit ka ba sa mundo?
>> minsan. kapag natatalo sa pustahan.

naiinis ka ba sa mga taong kinukwento ang katapusan ng pelikulang hindi mo pa napanood?
>> hindi. ayos lang sa 'kin kahit ikwento mo pa. hindi naman ako nakikinig..

saan ka mahilig sa sapatos o sa damit?
>> sa sapatos.

sino mas gusto mo si juan o si pedro?
>> si juan. si pedro din..

nagtatago ka ba ng sama ng loob?
>> oo para walang gulo.

anong oras ka natulog kagabi? at bakit?
>> ala una ng gabi. madalas ako natutulog ng ganung oras ehh. hindi ko alam kung bakit.

ano ginagawa mo mga nung alas-dose kagabi?
>> wala. nakatunganga..

natutulog ka ba ng patay o buhay ang ilaw?
>> patay. para madilim..

saan mas masaya sa sun o sa moon?
>> sa sun. kahit laging sira ung "network"


anu ba ang tagalog ng network. hindi ko alam ehh.. ayan. nakasagot din ako. masaya na ko. pwede na kong mamatay. matutulog na ko.
Photobucket - Video and Image Hosting

mata ko..

Wednesday, January 3, 2007

sari saring letra

happy new year!
aba teka..huli na..pero tulad ng sabi..mabuti na ang huli.

nung bisperas ng bagong taon maaga ako nagising. hindi ko alam kung bakit..basta maaga lang. tapos napagtripan kong kulitin si mama na samahan ako magpatuwid ng pinakulot kong buhok dun sa kakilala nyang parlorista kung saan parokyano sya malapit lang sa amin..mga dalawang kanto lang. bwahaha. ayun, sinamahan din nya ko..Lakas ko ehh! tapos o.. pagdating dun, wala na pala yun..iba na yung may-ari. at iba na rin yung parlorista. isang chiksilog. hwahaha.

at talaga nga naman. natawa pa ko kasi kamukha nya si Ada, yung bading dun sa zsa zsa zaturnah. hindi yung sa pelikula, kundi yung sa drawing dun sa mismong libro ni ginoong carlo vergara.. hahaha. tapos, ayun tinuwid nya na yung buhok ko.
ang sabi nya magaling daw sya sa larangang ito. pagtapos nya tuwirin yung buhok ko.. w0w! sige po salamat..buh bye! ang nasabi ko..

nung new year's eve na.. wala ako ginawa kungdi makinig sa NU ng countdown. importante para sa ken yun. gusto ko lang naman malaman kung ano ang magiging pang #1. pero antagal. at 12 midnight exactly daw nila ito ipapatugtog.. kaya nagpaputok na lang muna ako sa labas. hanggang sa hindi namamalayan.. na sobrang naaaliw na ko sa paputok na five star.. hanggang sa nakalimutan ko na. nagpaagaw na ng barya yung lola ko nung naalala ko ulit. at tapos na. ang countdown. hindi ko man lang nalaman.. tsk tsk tsk..

masaya pa rin kahit pano..
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo