Showing posts with label mag-isa. Show all posts
Showing posts with label mag-isa. Show all posts

Saturday, September 15, 2012

ang araw ko

walang tubig. walang kuryente. di ko pa napaplantsa uniform ko. nag ipon ako ng tubig sa mga container kanina bago umalis pagbalik ko wala na laman. sarap ng buhay ng mga kakwarto ko. ngayon ay paano ako maliligo. walang tubig. walang kuryente. meron ako take out na pagkain na nilagay ko sa fridge, pero dahil walang kuryente, hindi ko mainit sa microwave. ngayon wala na ring pagkain. wala. empty. ness.

nangangati ang ulo ko sa kakaisip ng magiging paraan ko kung paano ang gagawin ko ngayong araw. kinamot ko hanggang sa sumakit. sa tindi ng sakit idiniin ko sa pader. hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. pero siguro wala ng ibang magawa.

sa kakaunting nalalabing baterya ni cephi ay nakakapagsulat ako. at naichacharge ang selepono. kung sakaling hindi pa rin magkakuryente sa pagalis ko papunta sa trabaho ay dadalhin ko nalang sya at dun ko ichacharge. kaya sana magkakuryente na dahil mejo mabigat si cephi kahit maliit lang sya. di ko gusto ang bagong album na dinownload ko sa illegal na paraan. sobrang dissappointed. parang gusto kong magpakamatay.

naiinitan na ko gusto ko ng maligo. mapipilitan akong hiramin at gamitin ang ilang pirasong tig 1.5 liter na bote ng mineral water ng kakwarto ko. gantihan lang. papalitan ko naman. pang ligo ko lang. habang wala pa sya, bwahaha! *evil laugh

Wednesday, May 23, 2012

a promise

nag promise ako sa sarili ko na maaga ako matutulog. dahil dumadami na ng husto ang mga tigyawat ko. na siguro ay ang pagpupuyat na nga ang dahilan nito. na parang gusto nga maging tigyawat na tinubuan ng mukha. makati rin ito. kaya napipilitan akong kamutin. at lalo pa kumakati ng husto. sarap talaga kamutin. tapos napansin ko na lang na kumakalat na sa buong mukha ko yung kati. di ko na mapigilan. naghilamos na ko ng husto. nawala na yung kati. kaso nasugat yata mukha ko kakakamot. ang haba na kasi pala ng kuko ko. wala na kasing sumisita na mahaba na yung kuko ko. di tulad nung nagtatrabaho pa ko. sinisita ako ng mga clerk at inaabutan pa ko ng nailcutter para maggupit. kasi bawal yun sa trabaho. pinapasukan kasi ng mikrobyo at germs ang kuko at baka makarating sa pasyente pag hahawak na ko sa kanila. bawal din pag meron kulay ang kuko. pwede naman yung transparent lang. walang dating. di tulad ng kulay ng kuko ko nung college. black lang lagi. pampatay. ngayong wala na akong trabaho, di ko na napansin ang paghaba nito. subukan ko lang pahabain pa.tapos try ko pagawaan ng french tips. pakikayan nalang. 9 pm ako nag alarm ng sleep time. nag alarm naman kaso ka chat ko pa si ralph sa fb at nagbablog pa ko kaya ang ending, mukhang puyat ako nanaman ngayon. di pa naman na ako nag siesta kanina kasi nga balak ko matulog ng maaga ngayon. siyet! tatabunan na ng tigyawat ang mukha ko nito. kasi walang disiplina sa sarili.

Tuesday, March 16, 2010

iwas

hay. sobrang namimiss ko nanaman yung taong nag-iisa lang sa puso ko. bukod sa pamilya ko at sa Diyos. naging sobrang saya ko nung dalawang linggo kami naging magkasama nuong last month. ipinasyal nya ako sa mga magagandang lugar na alam nyang puntahan. at nakakatuwa pa, nagreresearch din sya kung pano puntahan yung mga magagandang lugar na yon para lang maipasyal nya ko dun. lagi nya ko tinitxt kahit nasa work pa sya. nagtataka nga yung tita ko kung bakit sya txt ng txt kahit nasa trabaho. at pagkatapos ng trabaho nya ay magkasama na ulit kami. sumasakay kami sa tren at bus. nagpipicture. pati mga hayop at halaman. nagkukwentuhan habang naglalakad. pero minsan parang hndi ko na rin napapansin yung paligid. kasi mas napapansin ko sya.

nung friday, napatunayan kong tao sila karmi at komski at si yeye. haha. nakita ko sila at nahawakan pa. at nilibre pa nila ako ng halohalo. hehe nasa isip ko kasi sa online lang sila at mga characters na nagkukwento ng mga karanasan ng mga bida. ambabait nila at cool!

hindi ko na nasusulatan yung planner ko. sayang. nawawalan na ng direksyon ang buhay. sana maplano ko na ulit ang mga susunod na mangyayari.

Sunday, July 5, 2009

uod

naiinis ako. puno ng galit at poot ang sistema. ayoko na talaga. sawang sawa na ko.. hanggang dito na lang muna. juvil

Tuesday, June 16, 2009

sobre

pauwi na ako galing sa lagpas walong oras na trabaho. at sasakay na ko ng bus. dalawang lane lang ang pagpipilian ng driver ng bus sa lanes ng cubao. fast lane at slow lane. malas ko. laging pinipili ang slow lane.

uy sa sabado na ang fete dela musique '09 .



sa metrowalk sa pasig ito mangyayari. tamang tama, pagkatapos ng duty ko, rekta na dun. hahaha. isang sakay lang yun mula sa greenhills eh. tama!

ang payong ko mura lang. laging nililipad ng malakas na hangin. problema nga ito. tulong wonder pets! hehe

napanood ko na yung blood: the last vampire ni Gianna jun. haha. astig naman. kaso bitin. anu kaya nangyari sa kanya bakit bigla sya nawala. si saya. makahanap nga ng anime nun. intresante.


nakausap kita sa txt. ang sabi mo ililibre mo ko. tapos nagbago ata yung takbo ng utak mo. bigla mo sinabing ako ang manlilibre sa'yo. wuh! ayos.. ayoko nga. kailangan ko ng pera hindi ko yun gagastusin sa panlilibre lang. haha. ipagluluto na lang kita kesa magwaldas. tama na ang frap. masyadong mahal. ikaw na lang. kasi. manlibre. ehh.

nakakatakot naman. andami na talagang merong influenza a h1n1 virus. 200 na yata ang naging biktima. bawal din kami magsuot ng mask sa hospital. kasi daw wala naman kami sakit. kaya di dapat mag-mask. yung mga may sakit lang daw yung may karapatang mag-mask. kaya magpanggap na lang na may sakit para makapag-mask. nakakainis din kasi yung e.r nagpapadala ng pasyente na for x-ray na hindi muna tumatawag para sabihin na suspected na may swine flu si patient. kainis. kailangan patatagin ang resistensya at uminom ng bitamina na magpapalakas ng resistensya. at magpabakuna ng anti = flu. goodluck na lang.

at ang nilalaman nito ay isang blangkong walang sulat na hindi papel kundi art paper lang.

Thursday, July 24, 2008

masanay na muling nag-iisa

sa dinami dami ng makakasama sa pagtatarbahuhan yun pang meh gusto sa'yo nung nagdu-duty ka noong senior internship mo kasi co-intern mo sya. haha. pano na ko nyan. baka lang kasi pag-initan nya ko kasi tinanggihan mo sya noon. baka akalain nya dahil sa 'kin pa yun kaya mo ginawa mo. nalulungkot ako. bakit kahit saan ako mapunta laging ganon. laging merong meh kaugnayan sa'yo. hehe. napapaisip ako ng malalim sa mga ganoong bagay. bigla na lang natitigilan ng hindi namamalayan. hahanap ng dahilan para lang maiwasan. lagi sya nakangiti sa 'kin. pero what if na lang kung kapag nakatalikod ako hindi na pala ganon. duh!

papayat kaya ako ng husto sa loob ng 25 days. sana...

gumigising ako ng maaga para hwag ma-late. kaya lng sobrang aga ko naman dumating. sarado pa pala. he he.

mag-isa na lang ako ngayon. wala na kong kaibigan. sana maging katulad ulit ng dati ang buhay ko. nami-miss ko na...

para akong nanghihinayang. kasi hindi ko masyado pinapansin yung mga ganong pagkakataon noon kasi akala ko hindi na magbabago. akala ko hindi na mawawala. pero hindi pala ganon. mali ang akala ko...

bumabalik ako sa umpisa. mag-isa. nanaman.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo