Monday, November 19, 2012

kamatayan

himala. umulan. kasabay ng kalungkutang bumabalot sa loob ng ospital. napakatahimik. naka-tape ang mga salaming pintuan. madaming pasyente sa labas nito pero hindi na sila pinapapasok. iniisip kung paano na yung mga pasyenteng may follow up na check up sa mga duktor dito.

bago lang ako dito at nangangahalahating taon pa lang. pero ramdam ko ang kalungkutan. madami ang naluha at nalungkot. sobrang lumbay nila. buong buhay na rin ng maraming pinoy ang naging haligi ng ospital na ito. nung dumating ako dito ay parang nasa pinas pa rin dahil lahat halos ng empleyado ay kabayan. si dragon na isang matandang dalaga na aking kabahay ay sya umanong nagbukas ng hospital na ito. at nitong nakaraan ay naulinigan kong sinabi nya na sya raw ang nagbukas, sya din ang magsasara ng ospital.

kanina ay nagkaroon ng meeting ang sangkatauhan. napagalaman na pansamantala lang naman isasara ang ospital ng dalawang buwan. ipinatigil muna ng batas na namumuno sa bansang ito ang operasyon. walang pasyente kaya wala rin kaming magiging trabaho. pero sinabi ng may ari sa naturang pagpupulong na patuloy pa rin ang pasahod sa lahat. at habang nakasara ang ospital ay bibigyan daw ang lahat ng mga activities o mga lectures na may kaugnayan sa aming mga trabaho. nagpalakpakan ang lahat at nagpasalamat. lubhang napakabait ng may ari ng ospital kaya naman ay minamahal sila ng mga empleyado nito.

ano kaya ang gagawin ko dito sa loob ng dalawang buwan. ang swerte lang nung isa naming kasamahan na nakabakasyon ngayon at nasa pinas. gusto ko din sanang umuwi kung maaari.

araw araw ay may namamatay. nakatadhana ito at mangyayari sa lahat ng tao. meron din kanya kanyang dahilan, kung kelan at kung paano ito nangyayari. yung nangyari ay isang halimbawa na nagkataong dito naganap sa ospital. hindi naman yun ginustong mangyari nung mga taong involve sa kaso. kung ito ang nakatakda ay mangyayari at mangyayari pa rin. naging kasangkapan nalang ang ospital para mangyari ang nais ni kamatayan.

ngunit naging aral na rin yung nangyari para sa mga hospital staff. na sana ay hindi na muling maulit pa.

Thursday, November 1, 2012

salamat october

ang haba nga ng october. wala naman nagbago sa mga araw araw ng buhay. nag away at nagkabati. nag away ulit pero hindi nagtatagal ng iilang mga araw ay nagkakaayos pa rin. hindi nga siguro kita matiis pero ikaw natitiis mo ko. kung sino nang away sya ang makikipagayos. deal. naranasan ang sobrang lungkot. na dahil nag iisa sa kinaroroonan, na may mga kaibigan nga pero di nila naiintindihan. di tulad sa manila, kapag may problema, alam na. bigla bigla nalang meh nag aaya ng inuman at magdamag na diskusyon habang inom. kumbaga, meh nakakausap at napaglalabasan ng sama ng loob. di tulad dito, di mo alam kung nakikinig ba sya o oo nalang sya. tapos malalaman na rin ng buong department kinabukasan ang sikreto mong naibahagi sa isang di masyadong kakilalang tao. kakilala ko naman sila, yung iba nakasama sa eskwela, at ospital na rin pero di na tulad ng dati, self centered na ngayon. yung tipong di papayag na maungusan mo sila. ang haba nga ng october. buti nalang november na. at magsosolo night duty na ko. hindi ko alam pero bahala na nga siguro. di ko ginusto pero andito na. mangyayari na. kung ano man ang mangyari, Diyos na ang bahala sa lahat. unang beses ko magpa bagahe. sana makarating sa kanila ngayong magpapasko at sana matuwa sila kahit pano sa mumunti ko lang na handog. ngayong november na, more serious na tayo. susubukan ko na. sana maging ayos naman ang kalabasan. november, astig ka lang sana.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo