Thursday, October 29, 2009

सो.

my eyes are wet. sobbing in tears. but i assured that no one saw me. I'm very sad. it came to my mind the thinking of how do i live with the pain. i really miss him badly. in the airport, i was supposed to cry but i held it until i got home. seeing him walking away from me and waving his right hand goodbye upon entering the entrance for boarding. he is now far from me. it may count a year before I'll see him again. i hope not. because i will follow him soon.

Sunday, October 25, 2009

ere

Muli nanaman akong napaiyak ng titanic. Sa daming beses ko nang napapanuod yun ay paulit ulit pa rin ang nangyayari. Next week hindi ko na makikita si ralph. Isang taon din ang lilipas. Hanggang tatlong taon. Aalis na kasi sya. Sa ibang bansa na sya magtatarbaho. Sa singapore lang naman. kahit kalapit na bansa lang yun, malayo pa rin. Kasi apat na oras ang byahe sa ere. Mag-isa na lang ako. Wala na akong kasama. Sya kasi lagi ko kasama tuwing umaalis ako. Pag manunuod ng gigs. Pag manunuod ng movie. Pag magkakape sa seattles best. Pag maglalaro sa timezone. Katabi ko maglaro ng guitarhero dun. Kalaban ko sa basketball sa paramihan ng pagshoot ng bola. Hindi nya pa rin ako natatalo dun eh. Sa panunuod ng ice skating sa asia mall. Sa lakas trip na paglalakad hanggang espanya. Kasi pwede naman kami mag-jeep pero mas gusto namin maglakad ng mabagal. Sa pagkain ng siomai. Sa pagpunta sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Sa kwentuhan. Sa asaran. Na sa bandang huli ako rin ang talo. Pero ako rin yung nagsimula. Sa pagkain ng silvanas. Sa tokyo tokyo. Sa kenny rogers. Sa kfc. Sa jollibee. Sa mcdo. Sa chowking. Sa piCha huT. Sa greenwich. Sa canteen. Kasalo sa hapagkainan sa ever. katabi sa bus. Sa soundtrip. Sa tambay. at sa lahat. Di ko akalain na magkakalayo nga tayo. Pero open naman ako sa usaping yun dati. Di ko lang talaga akalAin. Na mangyayari yun agad. Masyado akong naging dependent sayo. Sana matupad nga ang mga plano natin. Iisipin ko nalang na saglit lang yun. At mabilis na mabilis lang lilipas ang mga oras. At di magtatagal, mapupuntahan din kita. Sana nga maging okey ang lahat. at makakapagsama na din habambuhay. dati gusto ko nga maghiwalay na tayo ng landas. Pero hindi pala ganon kadali yun. Pero dati, naiisipan ko yun gawin. Akala ko nga talaga madali lang. Pero hindi pala. Ang sama sa loob. Lalo na yung matagal na nating pinlano nuon para sa mga susunod na buwan. Na hindi na matutuloy. kung matutuloy man mukhang ako na lang mag-isa ang tutupad. Ang tanging hiling ko lang, sana after 3 years, okey pa rin tayo. Bestfriend ko. Man ko. Buhay ko.

Tuesday, October 13, 2009

daan lang

Yung kapatid kong 6 years old, napakatamad mag-aral. Gusto nya lang makipaglaro sa pamangkin nya na anak ng pinsan ko na kalbo. Alam kong bata pa sya kaya siguro hindi pa talaga masyado nagsi-sink in sa utak nya ang pag-aaral pero bakit ako maaga ako nag-aral pero natuto naman ako. at walang tv nuon at wala akong kalaro at wala pa kaming kapitbahay na may tindahan. Kaya hindi bungal ngipin ko dati kasi walang mabibilhan ng candy. Di katulad ngayon, halos lahat ng bata puro bungal. Iba na ngayon.

Napansin ko na lang ang sarili ko na nanunuod ng nami-miss ko nang panuorin na sailormoon sa youtube. Lagi ko yun pinapanuod dati sa abc5 na ngayon ay tv5 na tuwing sabado alas shete ng gabi.

Nagising ang natutulog kong pag-iisip na kailangan ko maalam ang lahat nuong nasa kinder ako (pakiramdam ko nuon parang antagal tagal kong magkinder). Kasi yung teacher ko nuon, pinahiya ako. meh sinulat sya sa blackboard, math yun eh, tapos tinawag nya ako. Hindi ko kasi sya tinitignan kasi natatakot ako sa kanya kaya siguro tinawag ako. Eh ayoko tumayo at lumapit sa blackboard kasi hindi ko alam yung sagot. Nakayuko lang ako at hindi ko sya pinapansin. Nainis siguro sya kaya binuhat nya ko mula sa upuan ko at dinala sa blackboard. Umiiyak n ko sa harap. Sobrang pahiya talaga ako. Kaya nagsipag na ko mag-aral mula nun. At yun ang naging trauma ko kaya naging sobrang mahiyain ako ngayon. Kasi mula nun naging mahiyain na ako.

Isang beses, naalala ko, parang ayaw ko pumasok. Pero pinilit ako nung tagapagalaga sa 'min dati na bihisan at ihatid sa day care center. Pagdating namin dun, wala ngang pasok. umuwi na lang kami. Nakaramdam nanaman ako ng hiya. Kasi kapag meh nakakita sa 'kin na naka-uniform tutuksuhin ako at pagtatawanan. Pero bago pa kami umuwi nun, ay bumili pa kami sa bakery kaya nagtago ako. Binababa ko lang yung katawan ko at ulo lang yung nililitaw ko sa tindahan para hindi makita na naka-uniform nga ako.

hay buhay...

Ang sarap tumigil sa ginagawa at alalahanin ang kabataan ko habang nagkakape. Salamat sa libreng wifi ng sm north the block. Hahaha.

Monday, October 12, 2009

samasama

kanina umaga na ko nakauwi mula sa painuman sa mandaluyong. Ok naman yung lugar at mura ang isang bucket ng beer at masarap ang pulutan. Pati nga din yung sawsawan nasimot din. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Tatlo lang sila. Birthday ng isa. Kaya nagpulong kami para i-set ang gagawing ritwal para sa mga magcecelebrate ng birthday. Inuman. Night duty dapat ako pero nagawa kong hindi pumasok at mag-leave para lang sa okasyon. ayos naman kasi meh isa akong kasamahan na nakisama para makasama ako sa samahan. Sama na. Hehe.

Sunday, September 13, 2009

kamay


Hiling
Silent Sanctuary


Minsan di ko maiwasang isipan ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

Ala ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan kana kaya, aasa ba sa wala

At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ko lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...

At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Sunday, August 16, 2009

awtistiko

ang totoo nahihiya na talaga ako. kasi ang kapal kapal na ng muka ko. kahit sarili ko hindi makapaniwala. na nagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman dating ginagawa. tama na nga siguro yun. simula ngayon, pipilitin ko nang ibalik ang dati. ayoko na ng ganito. ayoko na ulit magbago. sino ang susunod na sasaktan ko?... hanggang kailan ba dapat maging ganito.. ayoko na talaga. gusto ko na ulit mag-isa...

labis akong nalulungkot. at natutuwa. hindi ko alam kung ano ang mas matimbang. nababaliw na ako. hindi ko na rin alam ang gagawin ko. sana autistic na lang ako. tapos lalabas ako ng bahay. tapos hindi ako sinundan ng bantay ko. kaya nawala na ko. dahil autistic ako, hindi na ko nakauwi pang muli ng bahay namin. wala na rin problema ang mga tao sa paligid ko. dahil wala na silang kasamang autistic. magiging masaya na rin sila sa wakas nang dahil sa 'kin. wala nang makulit na hindi makaintindi at may sariling mundo. at ako naman, mag-isa na lang ako. walang kasama. mag-isang palaboy laboy sa daan.

kapag nakaramdam na ko ng gutom, maghahanap ako ng pagkain. mang-aagaw. mamumulot. kahit marumi kakainin ko. hindi ko naman alam na marumi yun eh. kasi nga autistic ako. hehe. tapos meh makikita akong matanda sa paradahan ng mga sasakyan. isinisigaw nya ang mga salitang "san mateo, maly!". papanuorin ko sya. binibigyan sya ng kung ano ng mga nagmamaneho ng dyipni. kumakalansing. at meh humabol pang sumabit na lang sa dyipni. ang galing. kahit mahina na sya, ginagawa nya pa rin yun. minsan sa sobrang bagal nyang lumakad, umalis na lang ang nagmamadaling dyipni para humanap pa ng ibang pasahero nang hindi pa sya nabibigyan ng kumakalansing na barya.

tapos meh makakakita sa akin na isang kalapit bahay namin. niyayaya nya akong umuwi. pero hindi ako sasama sa kanya. kasi nga makulit ako. autistic ako eh...

hanggang sa pang apat na araw ay hindi pa rin ako nahahanap ng pamilya ko. tuluyan na akong nasanay sa lansangan. matulog sa malamig na bangketa. sumakit ang tyan sa nakain kong hindi masarap. pero kinain ko pa rin kasi akala ko masarap. kasi autistic ako.

hanggang sa isang araw napangiti na lang ako bigla. isang maliwanag na bagay ang paparating ngayon. papalapit ng papalapit sa akin. at pagkatapos, isang malakas na ingay ng busina. lalo lang akong naging masaya. nang malapit na sya, bigla akong natumba. ano ito. meh likidong dumaloy sa muka ko. ayaw tumigil. ayaw tumigil. ang ulo ko. patuloy sa pag-agos ang makalat na likido. hanggang sa nawawalan na ako ng lakas. unti unti kong ipinikit ang mga mata ko. hanggang sa walang hanggang kadiliman na lang ang nakita ko...

sana mangyari nga yun sa buhay ko.

Tuesday, July 28, 2009

malapit lang

paggising ko akala ko umaga na. yun pala hapon pa lang. tuwing umaga ako natutulog. kasi sa gabi nagtatrabaho ako. haha. hindi ako prostitute. yung kasi schedule ng duty ko sa hospital ay pang gabi. ang hirap din. kasi walang magawa. konti lang kasi ang pasyente kapag gabi. puro e.r lang. mga naaksidente habang nagmamaneho, mga nabugbog matapos makipag-away at mga emergency na pananakit ng katawan tulad ng biglaang atake sa puso o myocardial infarction. yun ata yun. pero minsan lang talaga magkaroon nun.

pagkatapos ko manuod ng yamato nadeshiko shichi hinge ay maghahanda na ko para sa muli kong pag-alis para magtrabaho. umaalis ako ng quarter to 9pm dito sa bahay para eksakto quarter to 10pm din nasa duty na ko. isang oras ang byahe. mahal ang pamasahe.

gusto ko na talaga mag dorm.. yung malapit sa pinagtatrabahuhan ko para tipid sa pamasahe.

ka-duty ko nanaman yung kaaway kong tech. magdamag kaming hindi nag-uusap. ayos. pabor. wag na natin kausapin ang mga ganong ugaling tao. na masama. kalalake mong tao wala kang pakielam sa ginagawa ng kasamahan mo. para kang tanga. manunuod na ko ulit ng sunako.

kakain lang ako ng nerds.

Monday, July 27, 2009

bulak na may dugo

basurang pangalan ko yan. nakakatuwa. bakit ba halos lahat ng apps sa fb halos totoong meh kaugnayan sa akin. halos totoo. totoo talaga. nung bata pa ako, ayoko ng pangalan ko. ang hirap kasi bigkasin. kapag tinatanong ako noon kung anung pangalan ko tapos sinasagot ko sila, paulit ulit nilang pinapaulit sa 'kin yung sinabi kong pangalan ko. juvil. kakaiba daw kasi. sa loob loob ko naaasar ako. naisipan kong magpalit ng pangalan nung grade 6 ako. nag-i-isip isip na ko nun, kung anong ipapalit ko. haha. ursula, soledad, miranda, ana, margarita, juana, atbp. hanggang nung highschool, meh isang teacher na lalake, tawagin na lang natin sa pangalang sir shalom, ang nagsabing maganda daw ang pangalan ko. unique pa daw at walang katulad. natuwa naman ako dahil sa unang pagkakataon, meh nagsabi ng ganon tungkol sa pangalan ko. ok na sana, ang kaso lang. tinanong nya pa kung lalake ako. wasak. panlalake daw ang pangalan ko. hehe. hindi ko nga naisip yun. pero natuwa na rin ako kasi sinabi nya na ayos ang pangalan ko. halos abswelto na rin sya.

Sunday, July 26, 2009

brew

kagabi. nakapunta ako sa napakawalang kwentang gig. yun na yata yung pinaka walang kwentang gig na napuntahan ko. walang kwenta talaga. haha. out of place pa ako. kasi napansin ko lahat ng tao dun magkakakilala. eh bakit brewster din naman ako ah.. wala nang brewrats. hindi nila sinabi kung bakit. kung babalik pa ba sila o hindi na. kahit pano natuwa din ako sa programang pang radyo na yun.

nakakainis yung isang kasamahan kong tech. night duty kasi ako 10pm-6am. sya 6-2pm. excited na ko mag-6am kasi uwian ko na yun. makakatulog na ko ulit bwahaha. kaso hindi sya dumating. tinawagan ko pa sya. hindi nga sya papasok. anak ng pusang gala yan. straight tuloy ako. hay nako. badtrip talaga. oo o.t yun pero kawawa naman ako. call of duty. tang gala. leche.

umistambay muna ako sa bored house ni yuki. pagkatapos ng trabaho ko. at dun nakatulog ako. at nung gumising ako malapit na mag alas otso ng gabi. nagulat ako. pero natulog pa ako ulit. kasi antok na antok talaga ako nun. haha.

kawawang bata.

sana makaalis na ko ng Pilipinas. para ayos.

Sunday, July 5, 2009

uod

naiinis ako. puno ng galit at poot ang sistema. ayoko na talaga. sawang sawa na ko.. hanggang dito na lang muna. juvil

Sunday, June 28, 2009

listen well will you marry me?

napanuod ko na transformers: revenge of the fallen. astig. namatay si optimus prime tapos nabuhay ulit. hahaha. sorry sa mga di pa nakakapanuod. spoiler ako eh! hehehe. si megan fox, crush ng boyfriend ko. hehe.

halo halong emosyon ang naramdaman ko. natatawa ako. nokornihan. nagulat. natakot. kaya parang tumigil ang paghinga ko at hindi ako makahinga. tama. hehe. seryoso. nahirapan talaga ako huminga. tapos naiihi pa ko. pero ayoko lumabas kasi ayoko na may ma-miss na eksena. kaya ni-hold ko lang yung ihi ko ng 2 and a half hours lang naman.

box office sya. ang haba ng pila. tapos punuan na yung walong cinema sa trinoma pagdating namin. yung pang 8pm na lang yung may magandang bakanteng seats kaya yung pang 8pm yung binili naming ticket. 5pm pa lang. kamusta naman. since 27th monthsary namin nun, nag-date na muna kami. haha ang jologs. sa timezone kami nagpalipas ng oras. nakatatlong beses na laro ng guitarhero. sya apat. kaya nagka-kalyo yung hinlalaki nya na pang - strums nya. haha. tapos nagpataasan kami ng score sa basket ball. syempre ako panalo. hehe tapos kumain kami sa italian restaurant. saya. Ü

Listen well, will you marry me? (Not now, Boy)
And are you well in the Suffering? (You've been)
The most gracious of hosts
You may be invited, girl, but you're not coming in.


yeah! \m/

Tuesday, June 16, 2009

sobre

pauwi na ako galing sa lagpas walong oras na trabaho. at sasakay na ko ng bus. dalawang lane lang ang pagpipilian ng driver ng bus sa lanes ng cubao. fast lane at slow lane. malas ko. laging pinipili ang slow lane.

uy sa sabado na ang fete dela musique '09 .



sa metrowalk sa pasig ito mangyayari. tamang tama, pagkatapos ng duty ko, rekta na dun. hahaha. isang sakay lang yun mula sa greenhills eh. tama!

ang payong ko mura lang. laging nililipad ng malakas na hangin. problema nga ito. tulong wonder pets! hehe

napanood ko na yung blood: the last vampire ni Gianna jun. haha. astig naman. kaso bitin. anu kaya nangyari sa kanya bakit bigla sya nawala. si saya. makahanap nga ng anime nun. intresante.


nakausap kita sa txt. ang sabi mo ililibre mo ko. tapos nagbago ata yung takbo ng utak mo. bigla mo sinabing ako ang manlilibre sa'yo. wuh! ayos.. ayoko nga. kailangan ko ng pera hindi ko yun gagastusin sa panlilibre lang. haha. ipagluluto na lang kita kesa magwaldas. tama na ang frap. masyadong mahal. ikaw na lang. kasi. manlibre. ehh.

nakakatakot naman. andami na talagang merong influenza a h1n1 virus. 200 na yata ang naging biktima. bawal din kami magsuot ng mask sa hospital. kasi daw wala naman kami sakit. kaya di dapat mag-mask. yung mga may sakit lang daw yung may karapatang mag-mask. kaya magpanggap na lang na may sakit para makapag-mask. nakakainis din kasi yung e.r nagpapadala ng pasyente na for x-ray na hindi muna tumatawag para sabihin na suspected na may swine flu si patient. kainis. kailangan patatagin ang resistensya at uminom ng bitamina na magpapalakas ng resistensya. at magpabakuna ng anti = flu. goodluck na lang.

at ang nilalaman nito ay isang blangkong walang sulat na hindi papel kundi art paper lang.

Sunday, June 7, 2009

undue

nung birthday ko pinanoud ko yung terminator salvation sa trinoma. kasama ko pa rin sya. hindi pa rin pala sya nawawala. haha ayos. at dahil wala akong pera nung birthday ko, nilibre nya ko haha. ayus talaga. kahit malakas mejo yung ulan. naging ok naman. ang galing ni markus wright yung criminal na ni-lethal injection tapos muling nabuhay nuong year 2018. tapos hindi nya alam na robot na rin pala sya at isa na rin syang terminator. nun lang kinapitan sya ng mga magnet. kasi bakal sya. bwahaha. pero mabait naman sya. kinalaban nya na din yung skynet na muling nagpabuhay sa kanya. tinulungan nya si john connor nung gusto sya patayin ni arnold. at ni-donate pa nya yung heart nya sa kanya kasi nasaksak sya ni arnold. ang galing. sya yata talaga yung bida dun eh kasi sya yung nag-save sa lahat. kelan kaya ipapalabas yung new moon. sequel ng twilight. sana malapit na. bukas na.

mula nung birthday ko ilang araw na nag-uulan. ang sarap. sana ganon lagi. hala yung kasama ko sa trabaho naging pasyente nya yung batang sanggol na pinaghihinalaang meh influenza a virus. galit na galit daw yung residente namin. kasi dapat daw sinabihan man lang at nang nakapag- mask. ang dami nang nagkasakit ng influenza A dito sa Pilipinas. pati ang la salle meron na din. kaya wala sila pasok at sa 15 pa daw magreresume. katapusan na ng mundo. sino ang magliligtas. kung katulad lang ng sa libro ni bob ong ang lahat, mas madali. maililigtas ang mundo nang dahil lang sa iisang tao. sino.

last week nagpabakuna ako ng anti-flu. ang sakit talaga magpatusok ng karayom sa braso. actually hindi naman talaga masakit. yung moment lang na ini-inject na yung laman nung syringe yung masakit. sa mga sandaling yun, halos hindi ako humihinga kasi akala ko tumigil na sa pag-ikot ang mundo.

meh quiz akong sinagutan. yung when will you get married? sa facebook at ang sabi October 3, 2011 daw ako ikakasal. hanep sa petsa. birthdate pa ng ex ko. haha. sa mga panahong yun ay 24 years old na ko. di naman ako nagmamadali. pero gusto ko nga muna bago ako magpakasal at manahimik sa buhay ay nakapunta na muna ko sa mga lugar na gusto kong puntahan. sa mga british colony na bansa at sa north korea. haha. curious lang kasi talaga ako sa isang communist na bansa. kung anu ginagawa nila habang nagte-test ng nuclear bomb.

Sunday, May 31, 2009

asan

malapit na ang birthday ko hahaha. off ko yun wala ako pasok. dito lang ako sa bahay at magtatago. haha. gusto ko sana magpainuman kaya lang wala akong pera. hehe. kayo na lang magpainom sa 'ken mas ayos pa yun haha.

ang aking reaksyon tungkol kay Hayden Kho. magpapagawa ako ng t-shirt. yung may print na Hayden cam. haha. naaawa talaga ako sa mga babae na kasali sa video. di daw kasi nila alam na vini-video pala sila habang ina-act nila yung love nila kay Hayden Kho nuong mga panahong sila pa. nakakinis si Hayden Kho kasi ba't sya ganon. kung gusto nya ng remembrance sana hindi nalang video. hehe. yung condom nalang na ginamit nya nun. haha. parang gago talaga. okay lang naman siguro sa mga-syota na mag-ganon, basta responsable sila sa ginagawa nila. at wag nila ilalabas. kung anu man yung nangyari sa kanila nung time na yun, sa kanila na lang yun. sana naisip yun nung naglabas di ba. ang laki tuloy iskandalo nung nangyari. si maricar reyes di ko sya maalala pero commercial model daw yun ng modess. yung may ate. at doctor pa yun. anu nalang mangyayari nyan sa career nya ngayon. trauma siguro yun para sa kanya. kasalanan talaga yun ni Hayden Kho. kung ba't pa kasi nya ni-video yung mga adventures nya sa kama. at kasalanan din ng media. kasi ni-broadcast pa nila na may video nga. eh ang dami tuloy curious na tao na gusto makakita. ayun pinagkaguluhan.

asan na kaya yung taong nagpakalat ng video na yun. gago kasi si Kho ehh!

Sunday, May 24, 2009

hindi nga?

PRENO

Bilis mong magutom, bilis mong kumain

Bilis mong magalit, bilis mong mainip

Taas mong lumipad

Bahala na san mapadpad

Bilis mong maligo, bilis mong magsipilyo

Hataw sa pagbanlaw ‘di said pagmumog mo

Alam ko nang tawag sa’yo

Tawag sayo’y aporado

Dahan…dahan-dahan lang

Dahan…dahan-dahan lang

Pasok ng alas otso hinihintay na ang alas sinko

‘di pa tapos ang trabaho merienda na ang hanap mo

Bat ba nagmamadali

May humahabol ba sa’yo

Arangkada pagkurbada humaharurot pagmamaneho

Pinituhan at pinara kahit pigoy di sinasanto

‘bat di mo subukan, subukan mong tapakan

Tapakan ang preno ng ‘di ka makabunggo

Dahan…dahan-dahan lang

Dahan…dahan-dahan lang

Dahan-dahan lang

Dahan-dahan lang.


yeah! \m/, session road rocks!

tayo na at magpunta sa ikalabing isang anibersaryo ng session road sa may 28 sa route 196 katipunan ave. kitakits! astig!


at muli pa kaming nagkita. ayoko na talaga ang kulit. hindi ko na kasi talaga kaya. lalo lang lumalala. ang lahat. ayoko ng ganitong nararamdaman. nababaliw ako. di ko alam gagawin ko. nabablangko ako. naglalabo labo ang factoring technique ko. yung factor ko sa kamay nai-factor ko sa foot. ayun. nagmukang mumu ang image. ang puti! kasi mas makapal ang paa kesa sa kamay. hay buhay. tama na naman...


ayoko na kita makausap. pakiusap. naman. pisti!

Friday, May 22, 2009

ano ha?

nabasa ko na ang pang pitong libro. astig. nung umpisa parang nababaduyan ako. pero nung gitna ayos na. natutunan kong ihalintulad sa mga bagay bagay sa paligid katulad ng gobyerno. at nung huli, nalungkot ako sa kinalabasan. ganon pala yun. bakit ganon. kung sino ang nagligtas sya din ang mawawala. kung sino man sya, sya pa rin ang sisisihin sa lahat ng nangyari.

bago ko mabasa ang libro, syempre binili ko muna. sa powerbooks. sa trinoma hindi ko sya mahanap. sa pinkataas daw eh hindi naman. sinehan at yung timezone lang nasa pinakataas. nakita ko tuloy si reg rubio. kumakain ng ice cream sa cup. ang init kasi talaga ng araw na yun. di mo aakalain. hindi talaga maintindihan. kaya nang mahanap ko na ang powerbooks na parang alam ng mga paa ko kung saan talaga, sa information ko hiningi ang libro at binayaran sa cashier, nagkape muna ako sa seattles best at dun ko inumpisahang basahin.

nakuha ko na passport ko. hindi ako makakakuha nun kung hindi dahil sayo. salamat talaga.

mag-ingat tayong lahat sa mga taong nakakasalamuha natin. baka meron sila influenza a virus. hahaha. ako, magma-mask ako habang mag-papasyente ako. para safe. anung malay mo. hindi pa kasi ako nagkakasakit kahit kelan ng malala. matagal na din ako hindi inubo o sinipon man lang. pero sabi nila, ibig sabihin daw nun tatamaan daw ako ng sakit na talagang malala balang araw at hindi na ako gagaling. siguro leukemia kasi nasa lahi namin ang may cancer sa buto. yung pinsan ng tatay ko namatay dahil dun. kaya pakasaya na tayo habang buhay pa. at dapat walang sakit. hindi masaya kapag may sakit. bad trip yun. di ka makakapag-enjoy. hehe

ito ang unang araw na wala ka na. emo nanaman. laslas pulso. broken hopes falling away. scars in my heart that you left. tang ina. mamamatay din kayong lahat.

bunsod ng sunod sunod na pagka - busy at katamaran at pagkahumaling sa facebook, ngayon lang ulit naalala magpost. oo may tao pa dito. natutulog lang sa kangkungan. at ngayon, gising na sya at wala nang buhay. buhay na kinuha ng mababaw na nilalang. pisti!

Tuesday, May 5, 2009

extinction

nung april 30 naganap ang pulp summerslam 9 countdown to extinction. hindi ako pumasok sa trabaho ko para makapunta. masaya. tingin ko swerte ang mga nakapula. swerte ang natatamaan ng lumilipad na mineral bote. umilag na ko pero nasapul pa rin. haha. mga 4:30pm kami nakadating sa amoranto. ang haba ng pila. pansin ko puro lalake sila. hehe. sa kakalakad narating namin ang unahan ng pila. lumapit kami. kasama ko si ralph. kami lang dalawa. pagkalapit namin, nilapitan naman kami ng bouncer at tinanong..
may ticket na ba kayo?
sabi ko wala pa. nagtanong sya ulit ng
bibili pa lang kayo?
sabi ko oo. parang natawa sya sabi nya sa 'kin
papilahin mo yan dun..
at tinuro nya yung mahabang pila na nilgpasan namin para makarating sa unahang pila. ang tinutukoy nya ay si ralph. hiwalay kasi ang pila ng lalake at babae. wala nakapila sa pila ng babae. ako na agad makakapasok. haha. sabi ko sa kanya kasama ko yan e. sabi pa nya unfair naman dun sa mga nakapila o.. hindi ko na ulit sya kinausap. tapos pinapila nya na ko dun sa pinakauna at sinabi nya dun sa nagche-check ng bag na unahin ako kasi babae ako. si ralph naman nilagay nya sa kabila nung maikling pila. ayos. nakapasok na kami agad. at kumain ng libreng pizza. at nakabili rin ng event t-shirt. 250 pesos yun pero dahil may discount 200 nalang haha.

ang galing nung stage nung shadows fall na yung tutugtog. sila yung main feature. mabuhay ang metal. nung tinugtog na nila yung redemption, biglang nag-fireworkz. ang galing. nakakatuwa. sabi pa nila, di nila makakalimutan ang Pilipinas.

Monday, April 20, 2009

mere-ly

pagkatapos ng mahabang panahon, muli kami nagsama. yung mga kaibigan ko nung first year college pa ako. yung mga naging first friends ko sa college. nagsama sama kami para i-celebrate ang kaarawan ni Ellen. kasama namin yung mga anak nila si Jaren kay Tashe at si Ehren kay Ellen. mga inaanak ko sila pareho. nakakalungkot nga e kasi wala ako gift kay Jaren.. nag-bless pa naman sya sa 'kin.. di ko kasi naisip agad eh.. tsaka wala din ako masyado pera kasi hindi pa ko sumusweldo ngayon. nahiya tuloy ako. wala akong kwentang ninang sa inaanak ko. anyway, ang hirap pala magpalaki ng anak. si Ehren isang taon at kalahating gulang pa lang, kaya mahirap alagaan. hindi alam ni Ellen minsan kung ano gagawin. nakikita ko si Ellen na pagod na sya pero iniintindi nya pa rin ang anak nya. choice nya kasi yun. buti na lang si Jaren 4 years old na hindi na nahihirapan si Tashe.

niaasar nila ako kung gugustuhin ko pa ba daw magkaroon ng anak. haha. natawa na lang ako. at sinabi ko na kung ganyan din lang, siguro hindi na lang. pero hindi naman ako seryoso tungkol dun. syempre gusto ko din magkaroon ng sriling pamilya. pero bago yun, mage-enjoy muna ako sa buhay na walang hinaharap na responsibilidad.

hindi pa rin ako nakakapag-rehistro para sa eleksyon. nagbabayad ako ng buwis pero hindi naman ako bumuboto. haha sa wednesday nalang ako magpapatala.

ambilis ng oras. araw araw hindi nagbago. nag-iiba lang ang mga taong nakakasama at nakakasalamuha.

sarap mag-foodtrip. lechong sisig sarap..Ü

Wednesday, April 1, 2009

my reply

nagtitipid ako kaya naglalakad lang ako dati kapag papunta sa skul. sa espanya. kaso lang, meh nakikita akong pagkain tapos napapabili ako. ganon din.. yung pamasahe ko sana eh naipambili ko ng pagkain na tinitipid ko sana. sana.

sana estudyante ulit ako. para nanghihingi lang ako lagi ng pera sa tatay ko. tapos sesermunan nya ko na magtipid ako, direcho uwi wag papagabi. ngayon kasi wala na sya pakielam sa buhay ko. pag umaalis ako ok lang sa kanya. hindi na nya ako pinipigilan. dati kasi tumatakas ako para lang makapunta sa gig kasi di nya ko pinapayagan. tapos pag-uwi ko gulpi abot ko sa kanya. nakaka-miss din..

nung college may kaklase ako sa isang subject. Panitikang Pilipino. katabi ko sya. tinanong nya kami ni ellen kung marunong kami mag-keyboard. o organ. kasi bubuo daw sya ng banda. kaya kailangan nya ng marunong tumugtog ng keyboard. sabi ni ellen..
"si juvil marunong, yung twinkle, twinkle little star haha!".
sabi ko..
"pati yung are you sleeping brother john. hehe"
tawa lang sya ng tawa haha. ang cute nya. kras ko sya dati eh. kaya lang lagi sya absent. pero pumapasok sya kapag may exam. at pumapasa sya. husay! nagma-magic.

tropa sya ni ralph. ka-banda nya. hindi ko na sya kras ngayon. hahaha

para makatipid, lagi ako nagpapalibre. libreng yosi, libreng softdrink, libreng palabok. ang galing. salamat sa mga mabubuting kaibigan na nanlilibre sa 'kin. nami-miss ko na sila. yung isa nasa amerika na. yung isa, magreresign na sa trabaho at mag-aasawa na. ang kulit. yung isa pa malapit na manganak. at yung isa pa, pupunta na sa singapore ngayong april. ang galing nga eh, nakakuha agad sya ng passport. at hindi daw sya pumila kasi government employee daw sya. ayos. sana nag-apply din pala ako dati sa pgh para naging government employee din ako.

nakakamiss.

ok..

anung ok?

wala lang.

ang labo mo.

Monday, March 30, 2009

ube

sa wakas nagkaroon ako ng dalawang araw na off na magkasunod. kaya naman nai-celebrate ang "2nd year anniversary".

ang Baguio. sobrang lamig habang naliligo. haha. kaya nakakatamad maligo dun. may heater di naman gumagana. bulok! kahit sinarado na namin buong kwarto para di makapasok yung lamig, malamig pa rin. sarap..

meh nag-alok sa 'kin na ii-sketch nya portrait ko sa botanical garden. 15 minutes lang daw. hindi ako pumayag. kasi 15 minutes ako hindi dapat gumalaw. kakangalay yun... mahuhusay sila magpinta. bilang isang frustrated na pintor, ang masasabi ko lang. magyosi tayo habang nagpi-painting.

sa mines view, andaming bading. nakakatawa yung bading na nagsuot nung native na costume ng mga igorot. meron kasi dun, 10 pesos yung bayad kapag magpapalitrato ka suot yun. hehe. wala kasi sya ginawa kundi humiga sa bato at picture-an yung sarili nya. adik. buti hindi sya gumulong pababa ng Baguio.,

nag-wish ulit ako dun sa wishing pool sa mines view. ganon pa rin. sana makabalik ulit ako sa Baguio. haha. ganon pa rin pati yung view. pero sa pagkakataong yon, hindi foggy. tamang tama lang ang lahat.

sumakay kami sa bangka. mejo na-badtrip pa nga ako sa kanya kasi gusto nya sya lang lagi mag-sagwal. gusto ko din kaya.

yung bahay namin malapit lang sa session road. malapit lang din sa sm baguio. malapit lang din sa burnham park.

todo walkathon.

syempre hindi mawawala ang ube jam mula sa good sheperd. at silver na singsing. at gulay. at strawberry. ukay-ukay. peanut brittle. 6 hours na byahe.

ang saya. adventure. akyat baba. yosi.

damn!

Thursday, March 5, 2009

ikot

sa lahat ng nangyayari isa lang ang masasabi ko. tadhana yun. sino makapagsasabi na makikita ko sya ng hindi sinasadya. ng wala ring dahilan. malaki na ang ipinag-iba nya sa personal. nakikita ko lang kasi sya sa mga larawan. sa internet. hindi nya naman ako pinansin eh.. siguro hindi nya lang ako nakita. haha.

minsan naiisip ko na dapat gawin ko na lang ang lahat. para hindi ko maisip na hindi ko kasi ginawa yung best ko kaya nangyayari ang mga kabiguan ko sa buhay. para sa bandang huli ay wala akong pagsisihan.

nanalo ako sa raffle. haha. ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko na may napanalunan ako. ngayon lang din kasi ako sumali. haha. nung una wala lang sa'min yung pag-fill up ng mga coupon at paghulog nito sa dropbox. siguro tataya na din ako sa lotto mula ngayon.

swerte daw ako ka-duty sabi nung isang ka-trabaho ko. kasi daw lagi meh nagbibigay ng pagkain o maliit na halaga na pasyente sa 'min kapag ka-duty nya ko. nakakainis nga eh. kasi ayoko talaga tanggapin pero makulit yung pasyente. hay. tuwang tuwa naman yung kasama ko. ako naman nakokonsensya kasi feeling ko masama talaga tumanggap ng gift o kahit na ano mula sa pasyente sabi nila. pero sabi naman ni sir, dahil daw yun sa good service namin kaya sila nagbibigay. habang kumakain ng cookies na malaki na gawa ng seattle's best mula sa pasyente. haha

gusto ko ng tsinelas. kaya lang out of stock yung gusto ko na disenyo. kaya hindi na muna ako lalabas ng bahay. kasi wala pa ako tsinelas. mag-shoes na lang ako.

dati, sumali ako sa poster making sa school. on the spot yun at time pressure. dahil na-pressure ako ng time, naubos na ang time, hindi ko pa rin naiisip yung gusto kong disenyo ng gagawin kong poster. syempre wala ako premyo.

off ko ngayon, bukas trabaho nanaman. good news hindi na ko panggabi. pang-umaga na ko haha. mas marami ako mapapanuod na dvd. sa pag-uwi ko.

sa lahat ng oras. isa lang ang ipinagdadasal ko. sana maging maayos na ang lahat.

magulo. basta yun na yon..

ang totem pole ay isang pole ng mga indian. basta ginawa namin yun nung grade 4 kami. nagmolde kami ng kahit ano gamit ang clay at tinuhog namin sa stick ng barbecue. maganda naman.

Friday, February 27, 2009

music

Birthday na pala ng papa ko ngayon.salamat sa wi fi dito sa hostipal, nakapag-log in akong muli sa aking blog. muli ko ipagpapatuloy mamaya ang aking ginagawa. ngayon ay kakain muna ako.

Tuesday, February 3, 2009

february

ang bilis ng panahon. february na..

oo nga hehe ibig sabihin?..

march na next month! anniversary na ulit.

hindi, valentines day pa muna..

ahh..ok..


bwahaha


february na...U.P fair nanaman. shawarma day everynight. at tsubibo, yung maliit na ferris wheel. hehe. kaya lang hindi ako makakapunta kasi night duty ako ngayong buong feb. makakapunta pala ako sa feb 13 kasi off ako hahaha. ok na yun kesa hindi ko matikman man lang ang shawarma. at iba pang fudtrip. habang nanunuod ng tumutugtog na paboritong banda.

mahilig ako sa bata. lapitin din ako ng mga bata. pero ayoko pa magkaanak. haha. kasi gusto ko pa maranasan yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa. kapag siguro nakapunta na ko sa abroad, sa hongkong, sa singapore, sa china, sa australia o sa russia ok na. kapag nakapagtrabaho na ko sa mga lugar na yun. babalik ako sa pilipinas at saka muli tatambay. haha.

gusto ko din mapuntahan ang bayang sinilangan ni edward anthony masen cullen.


madami pa ko gusto gawin. at mapuntahan. bago ang lahat. bago ako manahimik.

Tuesday, January 27, 2009

pamamaalam

isang araw nalungkot ako ng sobra. sobrang down na parang ayoko nang mabuhay. bumili ako ng isang kaha ng yosi nang mabasa ko ang nakasulat na "warning: smoking kills." kasi nga ayoko na. pakiramdam ko kasi nun, wala na kong pag-asa. ni-yosi ko xa ng sunod sunod. nonstop e. parang nag-pot session lang ako. kahit hindi ako marunong. ang resulta, hindi ako namatay. pero mula nun, naadik na ko sa sigarilyo. na unti-unti lang namang binabawasan ang life span ko. so sa pamamagitan nito, para na rin akong nagsuicide. na hindi lang agad umi-epekto. pero darating din ang araw na mararamdaman ko na ng paunti-unti lang din. ang paniningil nito sa pamamagitan ng sakit. na walang lunas. na hahantong sa aking mapayapang kamatayan.

minsan ko na ninais na mawala ka sa sistema ng pamumuhay ko. pero hindi ko talaga magawa. matagal ka na ding naging parte ng buhay ko. dahil sa'yo nakakahinga ako ng malalim. sa isang hithit at buga, nawawala ang tensyon. dahil sa'yo, nagkaroon ng kaibigan. dahil nagyoyosi din sya, madalas ko sya nakakasama. nagkukwentuhan, habang pinagsasaluhan.

ngayon, muli kong susubukan. na tuluyan ka ng iwan. salamat sa lahat. sa mga sandaling nalulumbay ako, ikaw ang immediate na nakakasama ko. salamat sa mabango mong usok. na hahanap-hanapin ko. salamat at nakilala kita. napasaya mo rin ang malumbay na buhay kahit papano. hindi ko na rin gugustuhing makasama ka pa. para rin ito sa ating dalawa. habang dito na lamang aking tunay na kaibigan.

ang mahal na ng yosi, 2.50 pesos isa. wag na lang. hindi na ko nagyoyosi. hehe

Sunday, January 4, 2009

kamot ulo

new years day. nag-away tayo. nagkapalitan ng masasamang salita. sobrang nagkasakitan. hindi na mapapatawad ang isa't isa mula non'. pero kailangan pa rin na muling magharap para sa ikabubuti ng pagtingin ng lahat ng tao. dahil sa mata nila. masaya tayo sa piling ng isa't isa. pero hindi pala talaga.

at mula nun,hindi ko na sana gustong makita ka pa. dahil ikaw, ang taong mismong mananakit ay sya ding minamahal. pero wala ako magagawa. emo ako.

ilang taon na din ang nakalipas mula nang naisipan kong magblog. nagsimula nung 1st year college ako. mula sa blogdrive hanggang ngayon dito sa blogger. minsan hindi ako nakakagawa ng mga entry kasi busy ako. pero nadudugtungan pa rin naman kahit papano. kahit walang tumatangkilik ay patuloy pa rin ako sa pagpopost ng nilalaman ng aking puso at isipan dito. blogging is a sin daw. ewan ko kung bakit. alam ko kung bakit dati eh pero ngayon nakalimutan ko na. haha. wala kasi akong paki.

pagpasok ng bagong taon ay late ako sa trabaho. lagot. sabi nila pag ganon, lagi na kong late sa buong sa taon. pero dahil maswerte Ako ngayong taon (dahil year of tha rabbit ako ipinanganak ayon sa tv maswerte daw ang mga ipinanganak sa taong yun ngayong taon) hindi magiging totoo yon.

gusto ko pang magsulat.

ang kati ng ulo ko. yak dandruff.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo