Muli nanaman akong napaiyak ng titanic. Sa daming beses ko nang napapanuod yun ay paulit ulit pa rin ang nangyayari. Next week hindi ko na makikita si ralph. Isang taon din ang lilipas. Hanggang tatlong taon. Aalis na kasi sya. Sa ibang bansa na sya magtatarbaho. Sa singapore lang naman. kahit kalapit na bansa lang yun, malayo pa rin. Kasi apat na oras ang byahe sa ere. Mag-isa na lang ako. Wala na akong kasama. Sya kasi lagi ko kasama tuwing umaalis ako. Pag manunuod ng gigs. Pag manunuod ng movie. Pag magkakape sa seattles best. Pag maglalaro sa timezone. Katabi ko maglaro ng guitarhero dun. Kalaban ko sa basketball sa paramihan ng pagshoot ng bola. Hindi nya pa rin ako natatalo dun eh. Sa panunuod ng ice skating sa asia mall. Sa lakas trip na paglalakad hanggang espanya. Kasi pwede naman kami mag-jeep pero mas gusto namin maglakad ng mabagal. Sa pagkain ng siomai. Sa pagpunta sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Sa kwentuhan. Sa asaran. Na sa bandang huli ako rin ang talo. Pero ako rin yung nagsimula. Sa pagkain ng silvanas. Sa tokyo tokyo. Sa kenny rogers. Sa kfc. Sa jollibee. Sa mcdo. Sa chowking. Sa piCha huT. Sa greenwich. Sa canteen. Kasalo sa hapagkainan sa ever. katabi sa bus. Sa soundtrip. Sa tambay. at sa lahat. Di ko akalain na magkakalayo nga tayo. Pero open naman ako sa usaping yun dati. Di ko lang talaga akalAin. Na mangyayari yun agad. Masyado akong naging dependent sayo. Sana matupad nga ang mga plano natin. Iisipin ko nalang na saglit lang yun. At mabilis na mabilis lang lilipas ang mga oras. At di magtatagal, mapupuntahan din kita. Sana nga maging okey ang lahat. at makakapagsama na din habambuhay. dati gusto ko nga maghiwalay na tayo ng landas. Pero hindi pala ganon kadali yun. Pero dati, naiisipan ko yun gawin. Akala ko nga talaga madali lang. Pero hindi pala. Ang sama sa loob. Lalo na yung matagal na nating pinlano nuon para sa mga susunod na buwan. Na hindi na matutuloy. kung matutuloy man mukhang ako na lang mag-isa ang tutupad. Ang tanging hiling ko lang, sana after 3 years, okey pa rin tayo. Bestfriend ko. Man ko. Buhay ko.
0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.