Tuesday, January 26, 2010

panahon

pakiramdam ko tuyot na tuyot na ko. kaya uminom ako ng maraming sobrang malamig na tubig. mga isang litro din. isang session lang yun. kaya ngayon meron akong ubo't sipon. ang bilis ko nang magkasakit. umiinom naman ako ng bitamina araw araw. minsan din nakakalimutan ko. tulad ngayon.

kaninang umaga, bago ako natulog, sa umaga ako natulog kasi panggabi ang duty ko kagabi, sinabi ko sa sarili ko na sa tanghali ay gigising ako para pumunta sa skul ko nung college para kumuha o mag request ng transcript of records ko. meron naman na ako transcript of records na ginamit ko nung magbo - board exam ako kaso andami nilang arte di daw pwede yun. ewan ko ba eh pareho lang naman yun nilalaman nun. pinagkaiba lang yung isa for board exam purposes tapos yung isa for job purpose naman na isinusulat dun. ayun, hindi ako nagising nung tanghali. tuloy tuloy yung tulog ko hanggang alas quarter to 4pm na ko nakagising. kaya hindi na ko nakapunta. kumain na lang ako ng french fries.

maya maya ay aalis na erpats ko. pupunta na sya sa ibang bansa. ewan ko kung saan, sa middle east. hindi ko na kasi nakakausap si papa. kasi lagi sya wala at simula nung nasira nya yung mp4 ko, nagalit na ko sa kanya. hindi nga ako nalulungkot na aalis na sya ulit kasi sanay na ko na wala sya palagi. ihahatid naman sya nila mama at whimpy.

bukas alas dos naman duty ko.. ilang araw na lang magkakasama uli tayo kahit saglit lang. hehe sobrang mabilis lang talaga ang panahon.

Monday, January 25, 2010

sa wakas

22 days na lang.


pauwi na ko galing sa walong oras na trabaho. sobrang antok ako sa bus. di ko namalayan nakakatulog na pala ako sa balikat ni ate. buti hindi nya binalikat yung ulo ko. dumaan pa muna ako sa mall para mamili ng konting gamit ng bagong panganak na pamangkin na lalaki. sa supermarket meh nakita akong pin ng lampin. iba't iba yung kulay. pipiliin ko sana yung pink. kaso bigla ko naalala, lalaki nga pala yung baby kaya pinalitan ko ng kulay blue. bumili din ako ng gatas nya pati lactacyd na sabon nya sa pagligo. ang mahal ng gatas nya tsaka yung sabon nya. 1k na kinuha ko sa atm 300 pesos na lang yung naging sukli nung magbayad ako sa cashier. grabe. kaya pala ang sisipag ng mga bagong ama na kasamahan sa trabaho. kaya inaasar silang may pinapagatas. haha

pagdating sa bahay sobrang antok na ko. halos di ko na mailakad yung paa ko na parang gusto ko nalang mag-collapse at pabagsak na matulog. pero hindi nangyari. nagawa ko pang ilagay sa sa mga lagayan yung pinamili ko. haha

ngayon makakatulog na ko ng mahaba sa wakas. kasi panggabi pa ako mamaya. maghapon ako matutulog. sana.

Sunday, January 24, 2010

umaga

Kanina umaga mga 5:15am, dahan dahan ako umalis ng bahay namin para pumunta na sa aking trabaho. habang tumatawid ako muntik na ko masagasaan ng tricycle sa min. Pano andilim. Tapos wala syang headlight. Pinalagpas ko na nga yung mga nauna sa kanya bago ako tumawid. Yun yung mga meh headlight. Yung nakita ko. Tapos di ko alam meron pa pala. Kaya tumawid na ko dahan dahan kasi ang alam ko wala nang kasunod kasi wala na ko nakita na meh ilaw. Ayun nagbeep beep sya. Tapos saka nya lang sya nagpailaw ng headlight ng tricycle nya. Taena nagulat ako. Di ko alam gagawin ko napahinto pa ako sa gitna ng kalsada. Alam mo yung nabigla ka tapos na blangko ng sandali. Tapos tinawag ako ng tatay ko na nasa labas pala dun ako nagising at lumakad na lang ulit. Na parang wala lang nangyari. Tarantado talaga yung tricycle driver na yun. Epal.

panaginip

Ika'y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakalang nandyan ka pero wala naman pala

Ilang taon na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kinakailangang lumipas

Gusto ng maidlip para makapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo

Para kahit sandali, ika'y makatabi
Para kahit papaano, 'di ka na lalayo

Bakit parating nahihirapan, ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan

Mahal parin kita at parating mamahalin
Mayron mang bago sa aking buhay
Ikaw parin ang iisipin

Para kahit na hindi
Tayo sa huli
Sa aking mga panaginip
Tayo'y magwawagi

Saturday, January 16, 2010

pause by kjwan

I thought I didn't need you
Thought I could rule the world without you by my side
As the world bears down on my shoulders
I find the fear doesn't subside

Where have you been?
I've been so alone
I don't know how I've lasted this long

You said "The fires won't consume you,
And in the rivers you won't drown"
I wish to pause this moment
'Cause as I cry I start to realize
What's missing was you

I need you
You give me strength
You take away my fear
There was a void in my heart that only you could fill


bagong last song syndrome ko. astig! para kay God ang kantang to. kasi akala natin minsan kumpleto na pero kulang pa rin. at Sya yung wala at nakakalimutan na natin minsan. hindi na nga ako nakakapagsimba eh. pero nita-try ko paminsan. last week nagsimba ako sa baclaran. try ko ulit bukas. sana hindi na ko maligaw ng landas.

self



this is me now!


last week nagpagupit ako sa salon malapit sa min. gusto ko ang gupit ko kahit lagi nila sinasabi na kung buhay pa ba daw yung naggupit sa kin. oo buhay pa sya at masaya ako sa ginawa nya sa kin hehe.

last week din nagpunta kami star city nila ces at alex. ako lagi wala katabi sa rides. kasi dalawahan lang. extra kasi ako eh.

last week din naging toxic ako sa lahat ng bagay. sa trabaho ko. halos di na ko nakakatulog ksi lagi ako nasa ospital. 8am to 10 pm araw araw. mabuti na lang ngayong week na to ok na sked ko. smooth na kung baga. sana wala umabsent na katrabaho na pasaway. para wala nang overtime.

tuloy na ang alis ko. haha ayos! pagkatapos ng UP fair. pero sa march nandito na ulit ako para dumalo ng pa-eb ni karmi. wahaha!

Tuesday, January 5, 2010

060287

magle-leave ako pagkatapos ng UP fair sa Feb haha 2 weeks san kaya ako pupunta nun.. hay.
bahala na si batman. basta maglalakbay ako. babalik din kung kelan ko gustohin. pero magtatrabaho pa rin ako para sa kinabukasan ko. tama! pagpasok ng taon, wala pa nangyayaring masaya. hay! pero ayos lang yun. kapag kasama ko pamilya ko masaya na ko. at pati na rin ang mga kaibigan ko.

nakuha ko na yung starbucks 2010 planner ko. excited ako nang makuha ko yun. pero naisip ko, aanhin ko nga pala yun. haha. paplanuhin ko na ba ang buhay ko?... wala kasi ako plano eh puro bahala na. baka minsan ko lang din yun magamit ah.. ibenta ko na lang kaya yun haha.

basta yung plano ko sa Feb sana mangyari yun. at makaalis na ko sa lugmok na sitwasyon ko ngayon. bahala na pa rin. salamat Ralph, tinulungan mo ko sa letter ko. sobrang sakit nun sa ulo ko eh hehe.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo