Kanina umaga mga 5:15am, dahan dahan ako umalis ng bahay namin para pumunta na sa aking trabaho. habang tumatawid ako muntik na ko masagasaan ng tricycle sa min. Pano andilim. Tapos wala syang headlight. Pinalagpas ko na nga yung mga nauna sa kanya bago ako tumawid. Yun yung mga meh headlight. Yung nakita ko. Tapos di ko alam meron pa pala. Kaya tumawid na ko dahan dahan kasi ang alam ko wala nang kasunod kasi wala na ko nakita na meh ilaw. Ayun nagbeep beep sya. Tapos saka nya lang sya nagpailaw ng headlight ng tricycle nya. Taena nagulat ako. Di ko alam gagawin ko napahinto pa ako sa gitna ng kalsada. Alam mo yung nabigla ka tapos na blangko ng sandali. Tapos tinawag ako ng tatay ko na nasa labas pala dun ako nagising at lumakad na lang ulit. Na parang wala lang nangyari. Tarantado talaga yung tricycle driver na yun. Epal.
2 kumento:
ayun oh. loko loko nga yung tricycledriver n un. buti na laang. walang ngyari sayong masma. ang importante mahalaga. salamat sa pagdaan sa blog ko.heehhe
honga eh panira ng moment
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.