Friday, May 23, 2008

the joy of suffering

sa wakas nakapag-file na din ako sa PRC. nagkaroon pa ng problema buti naayos pa din. ayaw kasi tanggapin yung birth certificate ko na galing sa NSO. kasi daw malabo. naaaninag naman pero confusing daw.. hinanap pa rin yung local na birth certificate ko. hayun, tinawagan ko si mama para ipahatid kay papa. ang bait ng tatay ko ang bilis nya dumating. kaya 11am pa lang nakatapos na ko magfile. tinulungan din ako ng mga kaklase ko. ang galing kasi sila yung nagpila para sa 'kin. sila din yung nag fill up ng iba ko pang mga pi-fill up-an. bwahaha. mga tunay silang kaibigan. kasi hinintay pa nila ako matapos bago sila umuwi kasi tapos na sila.. ang dami dami pini-fill up-an.. tapos meron pa yung nisi-shade ng pencil no.2 tapos yung machine daw magchi-check nun. ang panget ko nga mag-shade ehh, lagpas lagpas. baka isuka lang yun ng machine. haha sana naman makapag-exam ako at sana pumasado kami lahat para ayos! Ü

dahil gutom kami, kumain kami ni cez sa greenwich sa morayta. dami namin kinain, food trip.

tapos nagpunta kami sa dorm nila april. bago kami nakarating dun, naligaw pa kami dalawa. haha. dalawang beses pa lang kasi ako nakapunta dun kaya hindi ko pa alam. ehh sabi ni cez alam nya kaya naglakad kami ng naglakad pagkababa ng jeep. haha tapos bigla nya sinabi na yun din daw yung dinaanan nya nung naligaw sya haha kaya ayun tinawagan nya si karen tapos bumalik kami hanggang naalala na nya yung daan. haha abnuy talaga yun..

malapit na birthday ko.

Friday, May 16, 2008

realize..

natapos na ang pre board. mukhang pasado naman ako. pero ewan ko lang din. baka mabago pa yon. kung ano nalang mapagdesisyunan nila. bahala sila sa buhay nila. bwahaha. salamat sa mga nagdasal na sana pumasa ako. salamat din sa mga humiling na sana hindi ako pumasa. haha. at least pinagdasal pa din ako kahit pano.. sa 'kin naman nakasalalay kung mangyayari nga 'yon.

na check an na kasi. haha. nalaman ko na may isa akong bagsak. yung radsci. sabi nga nila mahirap daw talaga yun. kasi pitong subject ba naman yung pinagsama sa iisang subject na radsci na yon. napatunayan yun sa score kong 40 over 100 sa subject na yon. sayang wala pang tumama sa mga hula ko kahit sampu.

70 percent naman yung average nun kaya ok lang daw. pero pag below 60 percent yun,, eexamin ko yun ulit.

na-realized ko na ganon pala yun.. yehey!

lss ko.......................
realize by colbie caillat

kaka download ko lang sa limewire..wala lang hehe..adik ako.
satin saten lang.Ü

Tuesday, May 13, 2008

yehey! Pre-board na... Ü
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo