Showing posts with label lungkot. Show all posts
Showing posts with label lungkot. Show all posts

Saturday, September 15, 2012

ang araw ko

walang tubig. walang kuryente. di ko pa napaplantsa uniform ko. nag ipon ako ng tubig sa mga container kanina bago umalis pagbalik ko wala na laman. sarap ng buhay ng mga kakwarto ko. ngayon ay paano ako maliligo. walang tubig. walang kuryente. meron ako take out na pagkain na nilagay ko sa fridge, pero dahil walang kuryente, hindi ko mainit sa microwave. ngayon wala na ring pagkain. wala. empty. ness.

nangangati ang ulo ko sa kakaisip ng magiging paraan ko kung paano ang gagawin ko ngayong araw. kinamot ko hanggang sa sumakit. sa tindi ng sakit idiniin ko sa pader. hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. pero siguro wala ng ibang magawa.

sa kakaunting nalalabing baterya ni cephi ay nakakapagsulat ako. at naichacharge ang selepono. kung sakaling hindi pa rin magkakuryente sa pagalis ko papunta sa trabaho ay dadalhin ko nalang sya at dun ko ichacharge. kaya sana magkakuryente na dahil mejo mabigat si cephi kahit maliit lang sya. di ko gusto ang bagong album na dinownload ko sa illegal na paraan. sobrang dissappointed. parang gusto kong magpakamatay.

naiinitan na ko gusto ko ng maligo. mapipilitan akong hiramin at gamitin ang ilang pirasong tig 1.5 liter na bote ng mineral water ng kakwarto ko. gantihan lang. papalitan ko naman. pang ligo ko lang. habang wala pa sya, bwahaha! *evil laugh

Tuesday, June 5, 2012

k + 12

nakakagulat bakit namatay si richard tan. at dun ulit sa ospital na dati ko pinagtatrabahuhan. kung san din namatay si karl roy. anung meron ngayon. trending. nakilala ko si richard tan dahil sa parokya. sya kasi ang kanilang manager. pati na rin ng kamikazee, moonstar 88, chicosci at marami pang iba. magaling sya kasi sikat ang mga banda na naalagaan nya ngayon. rest in peace sa taong nagpakilala sakin ng mga hinahangaan kong banda ngayon. sana di sila mawala. ayoko sa lahat yung meh gumagaya sakin. sobrang badtrip yun eh. parang walang sariling gusto. pag lumalabas ako tapos meron pala akong katulad na ngayon lang naging ganon at nakikita ko naman na di sya dating ganon eh hindi na ko lumalabas. o kaya lalabas ako pero magiiba ng anyo. nakakainis talaga. nakakalungkot. k-12? kinder hanggang grade 12? kinder, 6 yrs elementary, 4 years junior highschool, at 2 years senior highschool. 13 years of basic education. additional years. dalawang taon lang naman pero ewan. buti nalang hindi na ako estudyante. kaso hindi daw ako itinuturing na professional sa ibang bansa dahil 10 years lang ang basic education ko. plus kinder pa pala. 11. sa lahat daw ng bansa, Pilipinas lang ang hindi  naka k+12. buti naman at naipatupad na ito ngayon. kaso lang, sino bang estudyante ang gustong magtagal sa isang eskwelahan na sobrang dami mo ngang kaklase, araw araw naman trip to jerusalem ang eksena. kalahating araw lang ang klase. short cut ang lessons. ganon kasi pag sa public schools. ako ay isang produkto ng public schools. alam ko ang tunay nilang nararamdaman. kaya sana maayos na ito ng gobyerno ng bansa. sana tumagal pang mag-aral ang mga bata.

Thursday, May 24, 2012

4th floor

kanina habang namimili ako ng pancit canton sa grocery, di ko alam kung ilan ang bibilhin ko. nagisip ako. matagal ako nakatingin sa mga pancit canton. iisa lang namang flavor. yung extra hot. kaso ilan nga. pinagisipan ko itong mabuti. ilang beses ba ako kakain nito. araw-araw sana kaso baka magka colon cancer ako. so every other day nalang. tuwing almusal at merienda. pati midnight snack na din. tapos ilang packs ba sa isang kainan ang lulutuin ko. bitin kasi sakin ang isa. pag dalawa, ayos na yun. pero gusto ko ng tatlong packs.
I'm bruised and scarred 
save me from this broken heart
all my love will slowly fade and fall apart
someone please sing this lovesick melody
call my name if you're afraid
I'm just a kiss away
nanalo pala si jessica sanchez bilang world idol. para sa kanya talaga yung award na yun. nakakatakot lang yung duet nila nung babaeng incredible hulk. ganon ba talaga sya magperform. siyet. kanina lang nanuod ako ng korean horror movie na forbidden floor. ito ay tungkol sa pamahiin ng mga intsik na malas ang magkaroon ng fourth floor sa isang gusali. kaya pala walang 4th floor sa ibang mga building. tulad dun sa hospital na dati kong pinagtatrabahuhan, wala ring fourth floor, fifth floor na agad. dun pala sa movie ay merong nagmumultong mag ina. na dating nakatira sa 4th floor bago ito na demolish at pinatayuan ng bagong condo na wala ng 4th floor. aksidente lang silang napatay kasi di alam nung nagdedemolish na nandun pa sila. kasi ayaw nilang umalis sa bahay nila. kaya tinago ang bangkay nila sa space sa pagitan ng 3rd at 5th floor. meron kasing space sa pagitan ng mga floors sa mga condominium para di maistorbo ang nasa ibabang floor. para bilang sound proof. natutunan ko lang sa movie na wag lang dapat i-center sa work ang buhay. pansinin din ang mga mahal sa buhay. kaya ako nagresign na ko sa trabaho ko eh.

Wednesday, May 23, 2012

a promise

nag promise ako sa sarili ko na maaga ako matutulog. dahil dumadami na ng husto ang mga tigyawat ko. na siguro ay ang pagpupuyat na nga ang dahilan nito. na parang gusto nga maging tigyawat na tinubuan ng mukha. makati rin ito. kaya napipilitan akong kamutin. at lalo pa kumakati ng husto. sarap talaga kamutin. tapos napansin ko na lang na kumakalat na sa buong mukha ko yung kati. di ko na mapigilan. naghilamos na ko ng husto. nawala na yung kati. kaso nasugat yata mukha ko kakakamot. ang haba na kasi pala ng kuko ko. wala na kasing sumisita na mahaba na yung kuko ko. di tulad nung nagtatrabaho pa ko. sinisita ako ng mga clerk at inaabutan pa ko ng nailcutter para maggupit. kasi bawal yun sa trabaho. pinapasukan kasi ng mikrobyo at germs ang kuko at baka makarating sa pasyente pag hahawak na ko sa kanila. bawal din pag meron kulay ang kuko. pwede naman yung transparent lang. walang dating. di tulad ng kulay ng kuko ko nung college. black lang lagi. pampatay. ngayong wala na akong trabaho, di ko na napansin ang paghaba nito. subukan ko lang pahabain pa.tapos try ko pagawaan ng french tips. pakikayan nalang. 9 pm ako nag alarm ng sleep time. nag alarm naman kaso ka chat ko pa si ralph sa fb at nagbablog pa ko kaya ang ending, mukhang puyat ako nanaman ngayon. di pa naman na ako nag siesta kanina kasi nga balak ko matulog ng maaga ngayon. siyet! tatabunan na ng tigyawat ang mukha ko nito. kasi walang disiplina sa sarili.

meron na ba?

wala pa rin. hanggang kelan kaya ako maghihintay. nakakasawa naman. di bale masarap naman tumambay. boring lang din. pero ayos na to kesa mag drugs. ngayong araw ko lang natapos basahin ang libro ni eros atalia na pinapirmahan ko sa kanya nung sabado. ang inaabangan kong sequel ng ligo na u lapit na me. it's not that complicated: bakit hindi pa sasakupin ng mga alien ang daigdig sa 2012. swerte ko lang dahil sinamahan ako ng pamilya ni ralph. kahit mukha na silang bored. tinapos namin, 3-5pm. oras ng siesta. o mga ganong oras, kasi ako, ang siesta ko mula ala una hanggang alas sais. tulad kanina. yun ang oras ng siesta ko talaga normally. kaya pagdating ng gabi, ang hirap ngang matulog na kasi di ako inaantok pa. ayos lang, wala na naman akong pasok. wala na kasi akong trabaho. tambay na lang. ano pa bang gagawin kundi matulog. try ko palang mag jogging bukas ng madaling araw. pag maaga akong nagising. na imposible naman kasi madaling araw na pala pero hanggang ngayon gising pa rin ako at nagba blog. pero pwede pa rin ituloy kung babalakin ko na wag na matulog at magjogging na lang. kaso baka magmukha akong zombie pagkatapos. imbes na magpapayat lalo akong tumaba dahil natulog nanaman ako. hindi na tama to. matutulog na nga ako. mamaya. ang ganda nung libro. bastos talaga haha. pero meh kwento naman. di ko inasahan na magiging ganon ang kakalabasan ng kwento ni intoy. pero tapos na yun. sana mabasa rin yun ng iba at kapulutan ng magandang aral. na magbago na tayo bago pa gunawin ang daigdig at sakupin ng mga alien.

Friday, August 5, 2011

Sana naman

Sa wakas nakapag off din. Eto ang mga araw na hinihintay ko linggo linggo. Matapos ang limang araw na pagtatrabaho ang dalawang araw na pahinga ang nagpapasaya sa linggo ko kahit papano. Sobrang stress sa trabaho. Mga pasyenteng makulit, supervisor na maarte, kasamahan sa trabaho na sumbungera na gagawan ka ng kwento kahit wala naman ginagawang iba. Sa panahon ngayon, bakit pa meh mga taong ganon. Hindi makuntento kapag di sila nakakapanggulo ng buhay ng tao. Sa paninira na ginagawa nila, hindi lang iisang tao ang naaapektuhan. Kundi ang lahat ng meh kaugnayan sa taong yun. Ang hirap din pala makisama. Kasi meh mga tao na mahusay sa pakikiharap pero pagkatalikod mo marami na masasabi tungkol sayo.

Sana wag na bumagyo next week. Gusto ko makasama ang taong matagal ko ng hindi nakakasama sa buhay kahit dalawang araw lang. Gusto ko maging masaya at hindi magka hassle pag kasama ko na sya. Eto nalang yung mga araw na nandito sya ulit. Kaya kahit isang linggo lang, pagbigyan nyo ko mahabaging Neptune.

Sunday, June 26, 2011

*gong

Nakakalungkot ang bawat eksena. wala akong kamalay malay unti unti na pala akong lumulubog. Malapit na akong hindi makahinga. At tuluyan ng mamahinga. Saan ako nagkulang ng ginawa. Nagkamali sa iisang tao na pilit ko namang pinakisamahan kahit wala na kong lakas at panahon na para sa kanya. At dahil dun sa kahahanap nya ng mali sakin, nakahanap sya ng butas na ipanlalaban nya sa akin. Nasira ako sa isang iglap. Nawasak ang aking buong pagkatao. Nalugmok sa pinakailalim ng hukay. Nagiisang hinaharap ang lahat pero hindi na yata kakayanin ng pagal kong katawan ang lahat ng bawat dumarating na sabay sabay akong sinasapol ng palakol. Unti unti na kong nalulusaw. Habang hindi pa ako nawawala, sana ay meron pang sasagip sa nalulunod kong laman. Sana ay may bumuong muli sa akin. Muli akong hubugin. Umaasa ako na sa huling pagkakataon na ito na aking muling ilalaban ang pagod ko nang isipan ay mapanumbalik pa ang nawala ng tiwala sa sarili. Kahit walang dumating na sasagip sa akin ay kakayanin ko pa rin ng nag iisa.

Sunday, October 31, 2010

worth

I almost forgot that I actually have a blog. I got concentrated to much with my work and forgot about myself. except from being busy with facebook, I also have been into tumblr. and that was where I've been posting my photos. and I updated it more than this blog.

kahit ganon namimiss ko pa rin ang blog ko na to. kahit paminsan minsan na lang ako mag-update nito, hindi ko pa rin to magagawang iwan at burahin na lang. nagsimula ako dito at nagpatuloy pa. matagal tagal na rin. nakapagpalit na nga ng boyfriend. hehe.

madami na nangyari simula nung huli. buti nagkaroon muli ng oras. off ko kasi ang linggo at bukas (Monday) ay november 1 at legal holiday ay wala rin akong pasok. kaya nakapagblog na muli. nung nakaraang buwan ng August ay napadpad nga pala ako muli sa Singapore. Muli ako nakalaboy at nakanood pa ng tugtugan ng Chicosci sa meh Esplanade. doon ko nakilala ang bandang an honest mistake. nagustuhan ko ang tugtugan nila. emo. depende sa mood ko nun. habang naririnig sila. mula sila sa bansang Malaysia. muntik na ko makapunta dun kung di lang ako nasermonan ng tita ko nun. kasi lagi daw ako wala at uuwi na pala daw ako sa Pinas di pa nila ako nakakasama. matampuhin sya minsan. nagagalit din sya kapag di mo sya pinapansin. istrikta. kailangan yung ginagawa mo alam nya at makabuluhan. isang sakay sa bus lang ang pagpunta sa Malaysia kapag nasa Singapore ka.

nakakain ulit ako ng chicken rice. yung pagkain na madalas ko kinakain dun. pwede ka mamili at sabihin kay uncle kung steamed o roasted yung gusto mong kainin na chicken. at yung sawsawan nung chicken yung gusto ko. kulay orange sya tapos maanghang. di lasang orange. lasang maanghang lang talaga.

nitong September ay na-rotate na rin ako sa wakas sa ibang section sa trabaho. mula sa xray section ay nasa mammography section na ako ngayon. nalipat ako dun gawa nung nagresign na taga dun dati. ang lungkot din nung nawala sya. isa kasi syang model employee. masakit lang sa bangs yung dahilan ng pag resign nya. dahil lang dun sa ex-bf nya na nagpakasal na. ang masaklap kasi, nagpakasal sa iba yung lalake kahit sila pa at hindi nya alam. ang sama nung lalakeng yun. ang isa pang masaklap ay katrabaho lang sya namin. pero nasa ibang department naman. pero di rin naman maiiwasan na makita mo ang lalakeng nanakit sayo kasi nasa iisang hospital pa rin kayo. kaya siguro mas pinili nyang magresign na lang at mag-abroad. para sa katahimikan.

hay buhay. tsk tsk!

Monday, June 21, 2010

;-(

nakakapagod. ang saya gawin pero nakakapagod. pero naging masaya naman. gusto ko ulitin. kahit ako mag-isa lang. mag-isa lang naman talaga ako. kahit kasama ko naman yung pamilya ko pakiramdam ko mag-isa pa rin ako. hindi ko matanggap ang riyalidad. bakit ganon. anung mali ko. naguguluhan ako ng husto. hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko. anak ng tokwa. suko na nga ako! gusto ko nalang umalis. maging libre at magawa ang gusto ko. yung walang taong maninita sa 'kin. yung walang mga taong pagtitinginan ako kasi ganun at ganito yung ginagawa ko. saan kaya yun. masama bang haluin lang yung pintura mix? di ko naman ikakalat eh. hinahalo ko lang para maghalo halo na lahat. tapos ako na lang yung matitira. yehey! solo ko na ang mundo. kung maaari lang sana, bumalik ka na. ikaw na lagi akong sinasamahan sa mga trip kong gawin. ikaw na sinusuportahan ako kahit mali ako. ikaw na lagi akong ginagaya pero hindi ako magaya gaya. kasi hindi mo lang alam, mas higit ka pa sa 'kin. mas magaling yung mga ginagawa mo kesa sa 'kin. paraparaan din. kaya lang humalo ka na sa lahat. kaya naiwan ako dito nag-iisa at walang kasing lungkot. ang tibay mo rin. natitiis mo ko ng ganito. pero ikaw hindi ko matiis. ang hina ko. mahina ako kapag mag-isa lang ako. mahina ako kapag wala ka. hanggang kelan ako maghihintay sa iyo. mahihintay pa nga ba kita o tuluyan na ko mawawalan ng pag-asa at katinuan. mas pipiliin ko na lang ba na mag-isa kahit nagbalik ka na. tulungan nyo ko! tulungan nyo ko... :-(

hindi ko na to gusto. samahan mo na sana akong muli...

Tuesday, March 16, 2010

iwas

hay. sobrang namimiss ko nanaman yung taong nag-iisa lang sa puso ko. bukod sa pamilya ko at sa Diyos. naging sobrang saya ko nung dalawang linggo kami naging magkasama nuong last month. ipinasyal nya ako sa mga magagandang lugar na alam nyang puntahan. at nakakatuwa pa, nagreresearch din sya kung pano puntahan yung mga magagandang lugar na yon para lang maipasyal nya ko dun. lagi nya ko tinitxt kahit nasa work pa sya. nagtataka nga yung tita ko kung bakit sya txt ng txt kahit nasa trabaho. at pagkatapos ng trabaho nya ay magkasama na ulit kami. sumasakay kami sa tren at bus. nagpipicture. pati mga hayop at halaman. nagkukwentuhan habang naglalakad. pero minsan parang hndi ko na rin napapansin yung paligid. kasi mas napapansin ko sya.

nung friday, napatunayan kong tao sila karmi at komski at si yeye. haha. nakita ko sila at nahawakan pa. at nilibre pa nila ako ng halohalo. hehe nasa isip ko kasi sa online lang sila at mga characters na nagkukwento ng mga karanasan ng mga bida. ambabait nila at cool!

hindi ko na nasusulatan yung planner ko. sayang. nawawalan na ng direksyon ang buhay. sana maplano ko na ulit ang mga susunod na mangyayari.

Friday, February 12, 2010

nung feb 8, 2010...

plano ko talaga gumising ng maaga para maaga din makapunta sa laguna para kuhanin yung ipapadala ng mami ni ralph sa kanya sa singapore. oo pinlano ko, sinulat ko pa nga yun sa planner ko. kaso anak ng tokwa, alas onse ng umaga na ko nagising. halos tanghali na pero umaga pa rin naman. naligo ako agad at nagbihis. nagmamadali talaga ako maligo, kumain, magbihis pero ala una pa rin ako nakaalis ng bahay. alas kwatro na ko nakarating sa bahay nila ralph. nagkwentuhan lang kami ng mami nya tapos kumain. at nakinuod ako ng tv. habang nanunuod ako ng tv, napansin ko yung picture namin ni ralph na nasa wallet nya lang dati na nakalagay na sa picture frame ngayonat nakadisplay sa sala nila. parang nahihiya ako. na masaya na ewan. haha. iniisip ko kung bakit nya kaya yun nilagay dun. pero sabi nya nakita nya daw kasi yun sa lumang wallet ni ralph. kaya nilagay nya na lang dun. ahh ok. ayun lang naman pala. umuwi na din ako agad kasi gagabihin ako. tatlong oras pa ang byahe kapag may trapik, abot sa apat. kaya saglit lang ako. hindi ako nagtagal. kung maaga lang sana ako nagising nung umaga, sana nakasama ko pa sila ng matagal. nung nandun ako, naramdaman kong nandun lang si ralph.

Tuesday, January 26, 2010

panahon

pakiramdam ko tuyot na tuyot na ko. kaya uminom ako ng maraming sobrang malamig na tubig. mga isang litro din. isang session lang yun. kaya ngayon meron akong ubo't sipon. ang bilis ko nang magkasakit. umiinom naman ako ng bitamina araw araw. minsan din nakakalimutan ko. tulad ngayon.

kaninang umaga, bago ako natulog, sa umaga ako natulog kasi panggabi ang duty ko kagabi, sinabi ko sa sarili ko na sa tanghali ay gigising ako para pumunta sa skul ko nung college para kumuha o mag request ng transcript of records ko. meron naman na ako transcript of records na ginamit ko nung magbo - board exam ako kaso andami nilang arte di daw pwede yun. ewan ko ba eh pareho lang naman yun nilalaman nun. pinagkaiba lang yung isa for board exam purposes tapos yung isa for job purpose naman na isinusulat dun. ayun, hindi ako nagising nung tanghali. tuloy tuloy yung tulog ko hanggang alas quarter to 4pm na ko nakagising. kaya hindi na ko nakapunta. kumain na lang ako ng french fries.

maya maya ay aalis na erpats ko. pupunta na sya sa ibang bansa. ewan ko kung saan, sa middle east. hindi ko na kasi nakakausap si papa. kasi lagi sya wala at simula nung nasira nya yung mp4 ko, nagalit na ko sa kanya. hindi nga ako nalulungkot na aalis na sya ulit kasi sanay na ko na wala sya palagi. ihahatid naman sya nila mama at whimpy.

bukas alas dos naman duty ko.. ilang araw na lang magkakasama uli tayo kahit saglit lang. hehe sobrang mabilis lang talaga ang panahon.

Sunday, January 24, 2010

panaginip

Ika'y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakalang nandyan ka pero wala naman pala

Ilang taon na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kinakailangang lumipas

Gusto ng maidlip para makapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo

Para kahit sandali, ika'y makatabi
Para kahit papaano, 'di ka na lalayo

Bakit parating nahihirapan, ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan

Mahal parin kita at parating mamahalin
Mayron mang bago sa aking buhay
Ikaw parin ang iisipin

Para kahit na hindi
Tayo sa huli
Sa aking mga panaginip
Tayo'y magwawagi

Saturday, January 16, 2010

pause by kjwan

I thought I didn't need you
Thought I could rule the world without you by my side
As the world bears down on my shoulders
I find the fear doesn't subside

Where have you been?
I've been so alone
I don't know how I've lasted this long

You said "The fires won't consume you,
And in the rivers you won't drown"
I wish to pause this moment
'Cause as I cry I start to realize
What's missing was you

I need you
You give me strength
You take away my fear
There was a void in my heart that only you could fill


bagong last song syndrome ko. astig! para kay God ang kantang to. kasi akala natin minsan kumpleto na pero kulang pa rin. at Sya yung wala at nakakalimutan na natin minsan. hindi na nga ako nakakapagsimba eh. pero nita-try ko paminsan. last week nagsimba ako sa baclaran. try ko ulit bukas. sana hindi na ko maligaw ng landas.

Thursday, October 29, 2009

सो.

my eyes are wet. sobbing in tears. but i assured that no one saw me. I'm very sad. it came to my mind the thinking of how do i live with the pain. i really miss him badly. in the airport, i was supposed to cry but i held it until i got home. seeing him walking away from me and waving his right hand goodbye upon entering the entrance for boarding. he is now far from me. it may count a year before I'll see him again. i hope not. because i will follow him soon.

Sunday, August 16, 2009

awtistiko

ang totoo nahihiya na talaga ako. kasi ang kapal kapal na ng muka ko. kahit sarili ko hindi makapaniwala. na nagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman dating ginagawa. tama na nga siguro yun. simula ngayon, pipilitin ko nang ibalik ang dati. ayoko na ng ganito. ayoko na ulit magbago. sino ang susunod na sasaktan ko?... hanggang kailan ba dapat maging ganito.. ayoko na talaga. gusto ko na ulit mag-isa...

labis akong nalulungkot. at natutuwa. hindi ko alam kung ano ang mas matimbang. nababaliw na ako. hindi ko na rin alam ang gagawin ko. sana autistic na lang ako. tapos lalabas ako ng bahay. tapos hindi ako sinundan ng bantay ko. kaya nawala na ko. dahil autistic ako, hindi na ko nakauwi pang muli ng bahay namin. wala na rin problema ang mga tao sa paligid ko. dahil wala na silang kasamang autistic. magiging masaya na rin sila sa wakas nang dahil sa 'kin. wala nang makulit na hindi makaintindi at may sariling mundo. at ako naman, mag-isa na lang ako. walang kasama. mag-isang palaboy laboy sa daan.

kapag nakaramdam na ko ng gutom, maghahanap ako ng pagkain. mang-aagaw. mamumulot. kahit marumi kakainin ko. hindi ko naman alam na marumi yun eh. kasi nga autistic ako. hehe. tapos meh makikita akong matanda sa paradahan ng mga sasakyan. isinisigaw nya ang mga salitang "san mateo, maly!". papanuorin ko sya. binibigyan sya ng kung ano ng mga nagmamaneho ng dyipni. kumakalansing. at meh humabol pang sumabit na lang sa dyipni. ang galing. kahit mahina na sya, ginagawa nya pa rin yun. minsan sa sobrang bagal nyang lumakad, umalis na lang ang nagmamadaling dyipni para humanap pa ng ibang pasahero nang hindi pa sya nabibigyan ng kumakalansing na barya.

tapos meh makakakita sa akin na isang kalapit bahay namin. niyayaya nya akong umuwi. pero hindi ako sasama sa kanya. kasi nga makulit ako. autistic ako eh...

hanggang sa pang apat na araw ay hindi pa rin ako nahahanap ng pamilya ko. tuluyan na akong nasanay sa lansangan. matulog sa malamig na bangketa. sumakit ang tyan sa nakain kong hindi masarap. pero kinain ko pa rin kasi akala ko masarap. kasi autistic ako.

hanggang sa isang araw napangiti na lang ako bigla. isang maliwanag na bagay ang paparating ngayon. papalapit ng papalapit sa akin. at pagkatapos, isang malakas na ingay ng busina. lalo lang akong naging masaya. nang malapit na sya, bigla akong natumba. ano ito. meh likidong dumaloy sa muka ko. ayaw tumigil. ayaw tumigil. ang ulo ko. patuloy sa pag-agos ang makalat na likido. hanggang sa nawawalan na ako ng lakas. unti unti kong ipinikit ang mga mata ko. hanggang sa walang hanggang kadiliman na lang ang nakita ko...

sana mangyari nga yun sa buhay ko.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo