Friday, August 5, 2011

Sana naman

Sa wakas nakapag off din. Eto ang mga araw na hinihintay ko linggo linggo. Matapos ang limang araw na pagtatrabaho ang dalawang araw na pahinga ang nagpapasaya sa linggo ko kahit papano. Sobrang stress sa trabaho. Mga pasyenteng makulit, supervisor na maarte, kasamahan sa trabaho na sumbungera na gagawan ka ng kwento kahit wala naman ginagawang iba. Sa panahon ngayon, bakit pa meh mga taong ganon. Hindi makuntento kapag di sila nakakapanggulo ng buhay ng tao. Sa paninira na ginagawa nila, hindi lang iisang tao ang naaapektuhan. Kundi ang lahat ng meh kaugnayan sa taong yun. Ang hirap din pala makisama. Kasi meh mga tao na mahusay sa pakikiharap pero pagkatalikod mo marami na masasabi tungkol sayo.

Sana wag na bumagyo next week. Gusto ko makasama ang taong matagal ko ng hindi nakakasama sa buhay kahit dalawang araw lang. Gusto ko maging masaya at hindi magka hassle pag kasama ko na sya. Eto nalang yung mga araw na nandito sya ulit. Kaya kahit isang linggo lang, pagbigyan nyo ko mahabaging Neptune.

1 kumento:

Diamond R said...

braced yourself and decide na di ang mga ito ang sisira sa magandang araw na bigay sayo ng diyos sa araw na ito.

nakaka stress ang mga yan kasi.and you don't deserved it

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo