Monday, March 31, 2008

for

my cousin had wounded by the broken bottle of soft drinks kanina. her blood was dropping continuously because the cut was so huge. and it didn't stop so we brought her to a clinic near to us. in the clinic, the wound was sewed and had 5 stitches on it. my cousin was so brave because she didn't cry the whole time and she was only 5 years old. astig!

tomorrow is april fool's day. i should not go out because there would be so many fools everywhere but i should because i will buy a dress to wear for my graduation. i wish i could choose a best dress..but i always choose the worst. hehe

Friday, March 28, 2008

lakas..

Masakit ulo ko. Masarap magmukmok sa kwarto. Ayoko umalis ng bahay namin. Mainet kasi pag maggagala ako. Ayoko magpunta sa mall. Madedepress lang ako. Gusto ko tumalon sa malawak na bangin. Tumalon mula sa tuktok ng peoples park sa tagaytay. Pero hindi ko pala magagawa yun. Kasi ayoko nga palang umalis ng bahay namin. Tamang tunganga lang ako dito. nuod dvd maghapon.

Dapat na kong magreview para sa pre board exam sa school. Sa limang subject na eexamin, dapat maka-score ako ng pitumpu’t limang porsyento o higit pa sa bawat isa para makapasa. Kung hindi malamang bagsak na ko.

Hindi na pala ako katulad ng dati. Saan kaya ako magtatarbaho. Paano nga pala gumawa ng resume. Hindi na yata ako bibigyan ni mama ng pera kasi tapos na ko mag-aral. Kaya dapat na ko magtrabaho. Mas madali pa siguro magtinda ng pisbol.

Pero bago yun, kailangan ko muna makapasa sa board exam. Sana makapasa kami lahat ng mga kaklase ko para 100 percent ulit. Para sama sama kami sa magiging trabaho namin. Ayos!

Sa ngayon, ititigil ko na muna ang panunuod ng dvd. Magbabasa muna ako ng bushong. Si bushong ang awtor ng libro na itinuturing na bibliya ng mga rad tech. rad tech ako hindi ako nurse. Hehe. Radiologic Technologist.

Hindi naman daw rad tech si bushong, stewart. Isa syang physicist. Buhay pa sya.

Sabog na ko
.

Thursday, March 20, 2008

tapos...

yehey! natapos na sa wakas ang duty ko. hindi na ako intern. 85% ang nakuha kong grade. ayos na basta pasado. mas mataas pa ko kay april. samantalang mas close sya sa mga tech kesa sa 'kin. hahaha. ako ang pangalawa sa mataas. 88% lang naman sya akala na nya kung sino na sya. anyabang talaga ng baboy na yun. oo na matalino na sya kahit ganon sya. sabi nga ni sir chuck, di bale nang mataba busog naman. bwahaha!

4 - 4 - 8

ito na ang araw na pinakahihintay ng mga kaklase ko at ka-batch ko na din na mga nurse. ang graduation day! Ü na magaganap sa PICC. pagkagraduate ko hindi na ko estudyante. wala ng discount sa pamasahe. wala ng baon. wala ng grade na inaasahan. kasi ngayong tapos na ang school, umpisa na ng panibagong landas sa pagtahak sa mas magulong hinaharap. hindi na grades ang ginagamit sa pagsukat ng pagkatao.

ang balak ko pagkatapos ng board exam, magtitinda ako ng fishballs sa UP habang hinihintay ko ang resulta ko. haha mamimiss ko ang school namin.

kasi sa school, nagkaroon ako ng mga kaibigan.
tambayan ko dati ang 5th floor malapit sa P.E room. sa hagdanan umuupo habang inaabangan ang susunod na prof. at sa c.r ng 5th floor ako madalas jumebs. shh. masarap jumebs dun kasi konti lang yung nag-ccr.
kasi sa school, nakita kita..

Saturday, March 15, 2008

simula

Naaalala ko nung unang nagtagpo
Pink pa nga ang suot mo
Maaga pa lang sabik na
Makilala ang binibida
Ng lahat mula kanina
Sa wakas dumating ka na
Na kita'y maipakilala
Magugustuhan nga ba kita

Maari ako'y yayain
Kumain at magkape
Nais na ika'y masarili
Gusto sanang makisabay
Minsang sa iyong pag-uwi
Nais na ika'y makatabi

Naaalala ko ipahatid ng pilit sa'yo
Matapos ang gig ng banda ko
Mabuti naman nasagot aking hiling
Tangi kong dalangin
Sana ako'y gusto mo rin

Maari ako'y yayain
Kumain at magkape
Nais na ika'y masarili
Maari ka bang unahan
Magtapat ng katotohanan
Dahil biglang magkaibigan

Ohhh dahil biglang magkaibigan
Dahil biglang magkaibigan

Kay sarap balikan
Kay sarap ulit-ulitin
Tayo ng sariwain
Simula ng walang hanggan



akala ko makikita kita ngayon.

pero hindi na tayo pinagtagpo ng tadhana.

buti pa nuong wala pang tayo, bigla na lang tayo nagkakasalubong sa kanto.

halos araw araw tayo kung magkasama.

ganun nga talaga siguro.

sa umpisa lang yun.

lapit na anniv natin.

sana maging masaya tayo sa araw na yon..


salbahe yung lecturer na duktor namin kanina. parang meh sapi din. nakakaantok sya. binigyan nya kami ng hand outs na hindi namin mashado maintindihan tapos sabi pa nya basahin na lang namin yun kasi pinaghirapan nya daw yung gawin. astig sya..

Thursday, March 13, 2008

burn out

gusto ko na matulog. apat na taon na kasi akong puyat. payat. simula nung tumuntong ako sa kolehiyo. hindi na ko nakakatulog ng higit pa sa limang oras. pero pag minsan yung kapag walang pasok kinabukasan, nakakatulog na ko ng higit pa dun. sarap matulog...sobra


pero ngayong 4th yr ako, sobrang dalang ko na lang yun nagagawa. dahil sa mga duty sa hosp. dahil sa mga exams na dapat ko ipasa. mga dapat kong gawin para lang maka-graduate. para matapos na ang school.

naging successful ang pa- seminar namin nung march 1... ansaya. madaming pix sa fs.. Ü

ang seminar class

ako ang nakatoka sa attendace ang hindi pumirma sa 'kin, walang fully loaded meal at snacks.. bwahaha!!!


at nung march 2 nagsimula yung review class namin. tuwing 8am - 5pm yon ng sabado at linggo. tapos lunes hanggang biernes ang duty sa hostipal. wala akong off. kasi off nga kami sa hospital ng sat at sun, pero meh review class naman sa school. wala nang straight na tulog..

kapag natulog kasi ako, hindi na ko makakapagreview..

kapag naman hindi ako naatulog, inaatok ako sa duty ko..

mas pinili ko ang matulog. masarap e.

dahil natulog lang ako, hindi na ko nakareview para sa next exam.

pero dahil sa galing kong manghula, ay nasasagot ko pa rin ang exam..Ü

natapos ko na ang limang exam na dapat ipasa para makagraduate.

out of the total 500 items, 277 lang ang score ko. pwede na..

mababa pero ok na sa 'kin yun. nasa kalahati naman. haha

pasado daw ako sabi nung meh sapi na prof namin. ni- congratulate pa nya ko w/ hand shake pa kasi daw makakagraduate ako. haha. abnuy yun.

wala lang naman sa 'kin kung makakagraduate ako o hindi. pero gusto ko makagraduate para makita nila mama na talagang nag-aaral ako. akala kasi nila hindi. kasi nanghihingi lang daw talaga ako ng baon. e hindi naman. pero oo din hehe..

ayos! malapit na ko matapos.. wahaha




 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo