Naaalala ko nung unang nagtagpo
Pink pa nga ang suot mo
Maaga pa lang sabik na
Makilala ang binibida
Ng lahat mula kanina
Sa wakas dumating ka na
Na kita'y maipakilala
Magugustuhan nga ba kita
Maari ako'y yayain
Kumain at magkape
Nais na ika'y masarili
Gusto sanang makisabay
Minsang sa iyong pag-uwi
Nais na ika'y makatabi
Naaalala ko ipahatid ng pilit sa'yo
Matapos ang gig ng banda ko
Mabuti naman nasagot aking hiling
Tangi kong dalangin
Sana ako'y gusto mo rin
Maari ako'y yayain
Kumain at magkape
Nais na ika'y masarili
Maari ka bang unahan
Magtapat ng katotohanan
Dahil biglang magkaibigan
Ohhh dahil biglang magkaibigan
Dahil biglang magkaibigan
Kay sarap balikan
Kay sarap ulit-ulitin
Tayo ng sariwain
Simula ng walang hanggan

akala ko makikita kita ngayon.
pero hindi na tayo pinagtagpo ng tadhana.
buti pa nuong wala pang tayo, bigla na lang tayo nagkakasalubong sa kanto.
halos araw araw tayo kung magkasama.
ganun nga talaga siguro.
sa umpisa lang yun.
lapit na anniv natin.
sana maging masaya tayo sa araw na yon..
salbahe yung lecturer na duktor namin kanina. parang meh sapi din. nakakaantok sya. binigyan nya kami ng hand outs na hindi namin mashado maintindihan tapos sabi pa nya basahin na lang namin yun kasi pinaghirapan nya daw yung gawin. astig sya..



2 kumento:
huwaw, mojofly:D uuuyy, anniv, astig. Iba talaga pag sa umpisa, nasa peak ang emotions. Mahirap din isustain yun e. Ewan ko ba.
ayihiie.. happy anib sa inyo.. ^_^
sana maging masaya kayo lagi, di lang sa anniversary nyo.. :D
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.