Thursday, March 20, 2008

tapos...

yehey! natapos na sa wakas ang duty ko. hindi na ako intern. 85% ang nakuha kong grade. ayos na basta pasado. mas mataas pa ko kay april. samantalang mas close sya sa mga tech kesa sa 'kin. hahaha. ako ang pangalawa sa mataas. 88% lang naman sya akala na nya kung sino na sya. anyabang talaga ng baboy na yun. oo na matalino na sya kahit ganon sya. sabi nga ni sir chuck, di bale nang mataba busog naman. bwahaha!

4 - 4 - 8

ito na ang araw na pinakahihintay ng mga kaklase ko at ka-batch ko na din na mga nurse. ang graduation day! Ü na magaganap sa PICC. pagkagraduate ko hindi na ko estudyante. wala ng discount sa pamasahe. wala ng baon. wala ng grade na inaasahan. kasi ngayong tapos na ang school, umpisa na ng panibagong landas sa pagtahak sa mas magulong hinaharap. hindi na grades ang ginagamit sa pagsukat ng pagkatao.

ang balak ko pagkatapos ng board exam, magtitinda ako ng fishballs sa UP habang hinihintay ko ang resulta ko. haha mamimiss ko ang school namin.

kasi sa school, nagkaroon ako ng mga kaibigan.
tambayan ko dati ang 5th floor malapit sa P.E room. sa hagdanan umuupo habang inaabangan ang susunod na prof. at sa c.r ng 5th floor ako madalas jumebs. shh. masarap jumebs dun kasi konti lang yung nag-ccr.
kasi sa school, nakita kita..

5 kumento:

Anonymous said...

un. sya talaga ang dahilan. :)

Dakilang Tambay said...

congrats and gudluck sa board exam! :)

Unknown said...

hi sis, congrats at isa ka ng nurse...graduate ka na, hayan magsisimula ka na ulit sa new life mo...

allinkorea
korean food

Anonymous said...

tagal ko ring di nakabisita uli dito. congrats din, nurse ka na pala. *clap, clap*

Anonymous said...

congrats and happy graduation!

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo