Showing posts with label jobless. Show all posts
Showing posts with label jobless. Show all posts

Tuesday, June 5, 2012

k + 12

nakakagulat bakit namatay si richard tan. at dun ulit sa ospital na dati ko pinagtatrabahuhan. kung san din namatay si karl roy. anung meron ngayon. trending. nakilala ko si richard tan dahil sa parokya. sya kasi ang kanilang manager. pati na rin ng kamikazee, moonstar 88, chicosci at marami pang iba. magaling sya kasi sikat ang mga banda na naalagaan nya ngayon. rest in peace sa taong nagpakilala sakin ng mga hinahangaan kong banda ngayon. sana di sila mawala. ayoko sa lahat yung meh gumagaya sakin. sobrang badtrip yun eh. parang walang sariling gusto. pag lumalabas ako tapos meron pala akong katulad na ngayon lang naging ganon at nakikita ko naman na di sya dating ganon eh hindi na ko lumalabas. o kaya lalabas ako pero magiiba ng anyo. nakakainis talaga. nakakalungkot. k-12? kinder hanggang grade 12? kinder, 6 yrs elementary, 4 years junior highschool, at 2 years senior highschool. 13 years of basic education. additional years. dalawang taon lang naman pero ewan. buti nalang hindi na ako estudyante. kaso hindi daw ako itinuturing na professional sa ibang bansa dahil 10 years lang ang basic education ko. plus kinder pa pala. 11. sa lahat daw ng bansa, Pilipinas lang ang hindi  naka k+12. buti naman at naipatupad na ito ngayon. kaso lang, sino bang estudyante ang gustong magtagal sa isang eskwelahan na sobrang dami mo ngang kaklase, araw araw naman trip to jerusalem ang eksena. kalahating araw lang ang klase. short cut ang lessons. ganon kasi pag sa public schools. ako ay isang produkto ng public schools. alam ko ang tunay nilang nararamdaman. kaya sana maayos na ito ng gobyerno ng bansa. sana tumagal pang mag-aral ang mga bata.

Thursday, May 24, 2012

4th floor

kanina habang namimili ako ng pancit canton sa grocery, di ko alam kung ilan ang bibilhin ko. nagisip ako. matagal ako nakatingin sa mga pancit canton. iisa lang namang flavor. yung extra hot. kaso ilan nga. pinagisipan ko itong mabuti. ilang beses ba ako kakain nito. araw-araw sana kaso baka magka colon cancer ako. so every other day nalang. tuwing almusal at merienda. pati midnight snack na din. tapos ilang packs ba sa isang kainan ang lulutuin ko. bitin kasi sakin ang isa. pag dalawa, ayos na yun. pero gusto ko ng tatlong packs.
I'm bruised and scarred 
save me from this broken heart
all my love will slowly fade and fall apart
someone please sing this lovesick melody
call my name if you're afraid
I'm just a kiss away
nanalo pala si jessica sanchez bilang world idol. para sa kanya talaga yung award na yun. nakakatakot lang yung duet nila nung babaeng incredible hulk. ganon ba talaga sya magperform. siyet. kanina lang nanuod ako ng korean horror movie na forbidden floor. ito ay tungkol sa pamahiin ng mga intsik na malas ang magkaroon ng fourth floor sa isang gusali. kaya pala walang 4th floor sa ibang mga building. tulad dun sa hospital na dati kong pinagtatrabahuhan, wala ring fourth floor, fifth floor na agad. dun pala sa movie ay merong nagmumultong mag ina. na dating nakatira sa 4th floor bago ito na demolish at pinatayuan ng bagong condo na wala ng 4th floor. aksidente lang silang napatay kasi di alam nung nagdedemolish na nandun pa sila. kasi ayaw nilang umalis sa bahay nila. kaya tinago ang bangkay nila sa space sa pagitan ng 3rd at 5th floor. meron kasing space sa pagitan ng mga floors sa mga condominium para di maistorbo ang nasa ibabang floor. para bilang sound proof. natutunan ko lang sa movie na wag lang dapat i-center sa work ang buhay. pansinin din ang mga mahal sa buhay. kaya ako nagresign na ko sa trabaho ko eh.

Wednesday, May 23, 2012

a promise

nag promise ako sa sarili ko na maaga ako matutulog. dahil dumadami na ng husto ang mga tigyawat ko. na siguro ay ang pagpupuyat na nga ang dahilan nito. na parang gusto nga maging tigyawat na tinubuan ng mukha. makati rin ito. kaya napipilitan akong kamutin. at lalo pa kumakati ng husto. sarap talaga kamutin. tapos napansin ko na lang na kumakalat na sa buong mukha ko yung kati. di ko na mapigilan. naghilamos na ko ng husto. nawala na yung kati. kaso nasugat yata mukha ko kakakamot. ang haba na kasi pala ng kuko ko. wala na kasing sumisita na mahaba na yung kuko ko. di tulad nung nagtatrabaho pa ko. sinisita ako ng mga clerk at inaabutan pa ko ng nailcutter para maggupit. kasi bawal yun sa trabaho. pinapasukan kasi ng mikrobyo at germs ang kuko at baka makarating sa pasyente pag hahawak na ko sa kanila. bawal din pag meron kulay ang kuko. pwede naman yung transparent lang. walang dating. di tulad ng kulay ng kuko ko nung college. black lang lagi. pampatay. ngayong wala na akong trabaho, di ko na napansin ang paghaba nito. subukan ko lang pahabain pa.tapos try ko pagawaan ng french tips. pakikayan nalang. 9 pm ako nag alarm ng sleep time. nag alarm naman kaso ka chat ko pa si ralph sa fb at nagbablog pa ko kaya ang ending, mukhang puyat ako nanaman ngayon. di pa naman na ako nag siesta kanina kasi nga balak ko matulog ng maaga ngayon. siyet! tatabunan na ng tigyawat ang mukha ko nito. kasi walang disiplina sa sarili.

meron na ba?

wala pa rin. hanggang kelan kaya ako maghihintay. nakakasawa naman. di bale masarap naman tumambay. boring lang din. pero ayos na to kesa mag drugs. ngayong araw ko lang natapos basahin ang libro ni eros atalia na pinapirmahan ko sa kanya nung sabado. ang inaabangan kong sequel ng ligo na u lapit na me. it's not that complicated: bakit hindi pa sasakupin ng mga alien ang daigdig sa 2012. swerte ko lang dahil sinamahan ako ng pamilya ni ralph. kahit mukha na silang bored. tinapos namin, 3-5pm. oras ng siesta. o mga ganong oras, kasi ako, ang siesta ko mula ala una hanggang alas sais. tulad kanina. yun ang oras ng siesta ko talaga normally. kaya pagdating ng gabi, ang hirap ngang matulog na kasi di ako inaantok pa. ayos lang, wala na naman akong pasok. wala na kasi akong trabaho. tambay na lang. ano pa bang gagawin kundi matulog. try ko palang mag jogging bukas ng madaling araw. pag maaga akong nagising. na imposible naman kasi madaling araw na pala pero hanggang ngayon gising pa rin ako at nagba blog. pero pwede pa rin ituloy kung babalakin ko na wag na matulog at magjogging na lang. kaso baka magmukha akong zombie pagkatapos. imbes na magpapayat lalo akong tumaba dahil natulog nanaman ako. hindi na tama to. matutulog na nga ako. mamaya. ang ganda nung libro. bastos talaga haha. pero meh kwento naman. di ko inasahan na magiging ganon ang kakalabasan ng kwento ni intoy. pero tapos na yun. sana mabasa rin yun ng iba at kapulutan ng magandang aral. na magbago na tayo bago pa gunawin ang daigdig at sakupin ng mga alien.

Tuesday, May 22, 2012

realities

natapos na ang mga araw. inaasahan ko na kaya hindi na ako masyadong nasaktan. at ilang araw din naman na naging masaya tayo. bakit? wala lang. lagi mo lang sinasabi yan. nahuhuli kitang nakatingin sakin, pag tinatanong kita kung bakit, wala lang ang sinasabi mo. pero nababatid ko sa hawak ng kamay mo na meron. yata. di rin ako sigurado. kung ano man yun, sana naman sabihin mo. para lang malaman ko ang nagiisang dahilan o marami man. dalawang taon pa. papabilisin ko na ang oras. kaya lang di pa rin ako nakakaalis. sana nga makaalis na ko. para matapos na rin ang paghihintayan natin. meh barong ka na, traje de boda nalang sana, pwede na. kaso balik na muna tayo sa riyalidad. ang katotohanang wala na naman akong trabaho. pano na masasayaran ng nicotine at kapeng mahal ang bibig. sana isang araw meh magyaya sa akin at ililibre nya ko. yung tipong naiintindihan nya ko na wala akong pambisyo kasi wala na akong trabaho. at willing naman sya munang gastusan ako. sa aking panaginip. dahil sa riyalidad, hindi na talaga uso ang libre. sobrang minsan na lang yun at minsan nababawi pa sa kadahilanang pagbabago ng isip na ilibre ako, matapos kong asar asarin at tukso tuksuhin. malas lang. grasya na naging bato pa. wala na rin akong mga kaibigan. loner. di bale kasama ko naman pamilya ko dito sa bahay. na araw araw ako pinagsasabihan kasi wala ako sa bahay ng isang buong linggo. yun na lang ang natitirang libre. libreng homily mula umaga hanggang gabi. nonstop. nag stop lang minsan kapag may bisita. sobrang minsan lamang.

Wednesday, July 9, 2008

kulog at attire ni hwang lee

wahaha kalyado na ang paa ko kakahanap ng tarbaho. ang saya. bukas mage-exam nanaman ako at interview pagkatapos nun hintay ulit ng tawag mula naman sa iba pang hospital. sana tanggapin nila ako lahat para magtatarbaho ako 24 oras. yung mga shift ng 6-2, tapos sa isang hospital 2-10 naman, tapos 10-6 sa isa pa. hahaha sugapa. gusto ko ng maraming pera ko na sarili para pambili ng mga pagkain at dvd na 28 in 1 na puro horror at korean movies na comedy at romantic na pinagsama sa iisang disc lang. bwahaha astig. dvd marathon. sabi ng nanay ko buti pa daw pag mag-isa lang sya sa bahay namin wala daw gumaganang kuryente. haha. minsan lang naman ako manood tuwing hapon lang. haha

maaga ako matutulog para hindi mukhang sabog at wasted sa interview daw kaya pinagko - corporate attire ako. ano ba yung corporate attire magkaiba pa ba sila ni business attire. ang dami pa lang attire. nakakalito. pauso ko lang si hwang lee. kumukulog kanina at kumikidlat ng malakas. nagising tuloy ako sa masarap kong pagtulog. groggy..
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo