Sunday, May 31, 2009
asan
ang aking reaksyon tungkol kay Hayden Kho. magpapagawa ako ng t-shirt. yung may print na Hayden cam. haha. naaawa talaga ako sa mga babae na kasali sa video. di daw kasi nila alam na vini-video pala sila habang ina-act nila yung love nila kay Hayden Kho nuong mga panahong sila pa. nakakinis si Hayden Kho kasi ba't sya ganon. kung gusto nya ng remembrance sana hindi nalang video. hehe. yung condom nalang na ginamit nya nun. haha. parang gago talaga. okay lang naman siguro sa mga-syota na mag-ganon, basta responsable sila sa ginagawa nila. at wag nila ilalabas. kung anu man yung nangyari sa kanila nung time na yun, sa kanila na lang yun. sana naisip yun nung naglabas di ba. ang laki tuloy iskandalo nung nangyari. si maricar reyes di ko sya maalala pero commercial model daw yun ng modess. yung may ate. at doctor pa yun. anu nalang mangyayari nyan sa career nya ngayon. trauma siguro yun para sa kanya. kasalanan talaga yun ni Hayden Kho. kung ba't pa kasi nya ni-video yung mga adventures nya sa kama. at kasalanan din ng media. kasi ni-broadcast pa nila na may video nga. eh ang dami tuloy curious na tao na gusto makakita. ayun pinagkaguluhan.
asan na kaya yung taong nagpakalat ng video na yun. gago kasi si Kho ehh!
Sunday, May 24, 2009
hindi nga?
Bilis mong magutom, bilis mong kumain
Bilis mong magalit, bilis mong mainip
Taas mong lumipad
Bahala na san mapadpad
Bilis mong maligo, bilis mong magsipilyo
Hataw sa pagbanlaw ‘di said pagmumog mo
Alam ko nang tawag sa’yo
Tawag sayo’y aporado
Dahan…dahan-dahan lang
Dahan…dahan-dahan lang
Pasok ng alas otso hinihintay na ang alas sinko
‘di pa tapos ang trabaho merienda na ang hanap mo
Bat ba nagmamadali
May humahabol ba sa’yo
Arangkada pagkurbada humaharurot pagmamaneho
Pinituhan at pinara kahit pigoy di sinasanto
‘bat di mo subukan, subukan mong tapakan
Tapakan ang preno ng ‘di ka makabunggo
Dahan…dahan-dahan lang
Dahan…dahan-dahan lang
Dahan-dahan lang
Dahan-dahan lang.
yeah! \m/, session road rocks!
tayo na at magpunta sa ikalabing isang anibersaryo ng session road sa may 28 sa route 196 katipunan ave. kitakits! astig!
at muli pa kaming nagkita. ayoko na talaga ang kulit. hindi ko na kasi talaga kaya. lalo lang lumalala. ang lahat. ayoko ng ganitong nararamdaman. nababaliw ako. di ko alam gagawin ko. nabablangko ako. naglalabo labo ang factoring technique ko. yung factor ko sa kamay nai-factor ko sa foot. ayun. nagmukang mumu ang image. ang puti! kasi mas makapal ang paa kesa sa kamay. hay buhay. tama na naman...
ayoko na kita makausap. pakiusap. naman. pisti!
Friday, May 22, 2009
ano ha?
bago ko mabasa ang libro, syempre binili ko muna. sa powerbooks. sa trinoma hindi ko sya mahanap. sa pinkataas daw eh hindi naman. sinehan at yung timezone lang nasa pinakataas. nakita ko tuloy si reg rubio. kumakain ng ice cream sa cup. ang init kasi talaga ng araw na yun. di mo aakalain. hindi talaga maintindihan. kaya nang mahanap ko na ang powerbooks na parang alam ng mga paa ko kung saan talaga, sa information ko hiningi ang libro at binayaran sa cashier, nagkape muna ako sa seattles best at dun ko inumpisahang basahin.
nakuha ko na passport ko. hindi ako makakakuha nun kung hindi dahil sayo. salamat talaga.
mag-ingat tayong lahat sa mga taong nakakasalamuha natin. baka meron sila influenza a virus. hahaha. ako, magma-mask ako habang mag-papasyente ako. para safe. anung malay mo. hindi pa kasi ako nagkakasakit kahit kelan ng malala. matagal na din ako hindi inubo o sinipon man lang. pero sabi nila, ibig sabihin daw nun tatamaan daw ako ng sakit na talagang malala balang araw at hindi na ako gagaling. siguro leukemia kasi nasa lahi namin ang may cancer sa buto. yung pinsan ng tatay ko namatay dahil dun. kaya pakasaya na tayo habang buhay pa. at dapat walang sakit. hindi masaya kapag may sakit. bad trip yun. di ka makakapag-enjoy. hehe
ito ang unang araw na wala ka na. emo nanaman. laslas pulso. broken hopes falling away. scars in my heart that you left. tang ina. mamamatay din kayong lahat.
bunsod ng sunod sunod na pagka - busy at katamaran at pagkahumaling sa facebook, ngayon lang ulit naalala magpost. oo may tao pa dito. natutulog lang sa kangkungan. at ngayon, gising na sya at wala nang buhay. buhay na kinuha ng mababaw na nilalang. pisti!
Tuesday, May 5, 2009
extinction
may ticket na ba kayo?sabi ko wala pa. nagtanong sya ulit ng
bibili pa lang kayo?sabi ko oo. parang natawa sya sabi nya sa 'kin
papilahin mo yan dun..at tinuro nya yung mahabang pila na nilgpasan namin para makarating sa unahang pila. ang tinutukoy nya ay si ralph. hiwalay kasi ang pila ng lalake at babae. wala nakapila sa pila ng babae. ako na agad makakapasok. haha. sabi ko sa kanya kasama ko yan e. sabi pa nya unfair naman dun sa mga nakapila o.. hindi ko na ulit sya kinausap. tapos pinapila nya na ko dun sa pinakauna at sinabi nya dun sa nagche-check ng bag na unahin ako kasi babae ako. si ralph naman nilagay nya sa kabila nung maikling pila. ayos. nakapasok na kami agad. at kumain ng libreng pizza. at nakabili rin ng event t-shirt. 250 pesos yun pero dahil may discount 200 nalang haha.
ang galing nung stage nung shadows fall na yung tutugtog. sila yung main feature. mabuhay ang metal. nung tinugtog na nila yung redemption, biglang nag-fireworkz. ang galing. nakakatuwa. sabi pa nila, di nila makakalimutan ang Pilipinas.


