Friday, March 28, 2008

lakas..

Masakit ulo ko. Masarap magmukmok sa kwarto. Ayoko umalis ng bahay namin. Mainet kasi pag maggagala ako. Ayoko magpunta sa mall. Madedepress lang ako. Gusto ko tumalon sa malawak na bangin. Tumalon mula sa tuktok ng peoples park sa tagaytay. Pero hindi ko pala magagawa yun. Kasi ayoko nga palang umalis ng bahay namin. Tamang tunganga lang ako dito. nuod dvd maghapon.

Dapat na kong magreview para sa pre board exam sa school. Sa limang subject na eexamin, dapat maka-score ako ng pitumpu’t limang porsyento o higit pa sa bawat isa para makapasa. Kung hindi malamang bagsak na ko.

Hindi na pala ako katulad ng dati. Saan kaya ako magtatarbaho. Paano nga pala gumawa ng resume. Hindi na yata ako bibigyan ni mama ng pera kasi tapos na ko mag-aral. Kaya dapat na ko magtrabaho. Mas madali pa siguro magtinda ng pisbol.

Pero bago yun, kailangan ko muna makapasa sa board exam. Sana makapasa kami lahat ng mga kaklase ko para 100 percent ulit. Para sama sama kami sa magiging trabaho namin. Ayos!

Sa ngayon, ititigil ko na muna ang panunuod ng dvd. Magbabasa muna ako ng bushong. Si bushong ang awtor ng libro na itinuturing na bibliya ng mga rad tech. rad tech ako hindi ako nurse. Hehe. Radiologic Technologist.

Hindi naman daw rad tech si bushong, stewart. Isa syang physicist. Buhay pa sya.

Sabog na ko
.

1 kumento:

Anonymous said...

manood ka na nga lang ng DVD's maghapon. wag ka nang tumalon mula sa tuktok ng Peoples Park. kutos!

gudlak sa pagre-review sa exam. gudlak na rin sa exam. :)

^_^

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo