I almost forgot that I actually have a blog. I got concentrated to much with my work and forgot about myself. except from being busy with facebook, I also have been into tumblr. and that was where I've been posting my photos. and I updated it more than this blog.
kahit ganon namimiss ko pa rin ang blog ko na to. kahit paminsan minsan na lang ako mag-update nito, hindi ko pa rin to magagawang iwan at burahin na lang. nagsimula ako dito at nagpatuloy pa. matagal tagal na rin. nakapagpalit na nga ng boyfriend. hehe.
madami na nangyari simula nung huli. buti nagkaroon muli ng oras. off ko kasi ang linggo at bukas (Monday) ay november 1 at legal holiday ay wala rin akong pasok. kaya nakapagblog na muli. nung nakaraang buwan ng August ay napadpad nga pala ako muli sa Singapore. Muli ako nakalaboy at nakanood pa ng tugtugan ng Chicosci sa meh Esplanade. doon ko nakilala ang bandang an honest mistake. nagustuhan ko ang tugtugan nila. emo. depende sa mood ko nun. habang naririnig sila. mula sila sa bansang Malaysia. muntik na ko makapunta dun kung di lang ako nasermonan ng tita ko nun. kasi lagi daw ako wala at uuwi na pala daw ako sa Pinas di pa nila ako nakakasama. matampuhin sya minsan. nagagalit din sya kapag di mo sya pinapansin. istrikta. kailangan yung ginagawa mo alam nya at makabuluhan. isang sakay sa bus lang ang pagpunta sa Malaysia kapag nasa Singapore ka.
nakakain ulit ako ng chicken rice. yung pagkain na madalas ko kinakain dun. pwede ka mamili at sabihin kay uncle kung steamed o roasted yung gusto mong kainin na chicken. at yung sawsawan nung chicken yung gusto ko. kulay orange sya tapos maanghang. di lasang orange. lasang maanghang lang talaga.
nitong September ay na-rotate na rin ako sa wakas sa ibang section sa trabaho. mula sa xray section ay nasa mammography section na ako ngayon. nalipat ako dun gawa nung nagresign na taga dun dati. ang lungkot din nung nawala sya. isa kasi syang model employee. masakit lang sa bangs yung dahilan ng pag resign nya. dahil lang dun sa ex-bf nya na nagpakasal na. ang masaklap kasi, nagpakasal sa iba yung lalake kahit sila pa at hindi nya alam. ang sama nung lalakeng yun. ang isa pang masaklap ay katrabaho lang sya namin. pero nasa ibang department naman. pero di rin naman maiiwasan na makita mo ang lalakeng nanakit sayo kasi nasa iisang hospital pa rin kayo. kaya siguro mas pinili nyang magresign na lang at mag-abroad. para sa katahimikan.
hay buhay. tsk tsk!
Chicken Chow Mein Recipe
1 day ago



2 kumento:
adik naman nga yung lalaking yun. Naalala ko tuloy, nung OJT summer sa batch namin dati, natanggap kami sa isang company ni tina, yung gf ko dati. Edi ayun, tinurn-down ko na lang 'tas naghanap ako ng iba. Awkward kasi, tsaka ayoko namang maasiwa siya.
m-ma-mammography? Pangit ang naiisip ko:P
yun talaga ang effective na pang detect ng breast cancer.
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.