Wednesday, April 1, 2009

my reply

nagtitipid ako kaya naglalakad lang ako dati kapag papunta sa skul. sa espanya. kaso lang, meh nakikita akong pagkain tapos napapabili ako. ganon din.. yung pamasahe ko sana eh naipambili ko ng pagkain na tinitipid ko sana. sana.

sana estudyante ulit ako. para nanghihingi lang ako lagi ng pera sa tatay ko. tapos sesermunan nya ko na magtipid ako, direcho uwi wag papagabi. ngayon kasi wala na sya pakielam sa buhay ko. pag umaalis ako ok lang sa kanya. hindi na nya ako pinipigilan. dati kasi tumatakas ako para lang makapunta sa gig kasi di nya ko pinapayagan. tapos pag-uwi ko gulpi abot ko sa kanya. nakaka-miss din..

nung college may kaklase ako sa isang subject. Panitikang Pilipino. katabi ko sya. tinanong nya kami ni ellen kung marunong kami mag-keyboard. o organ. kasi bubuo daw sya ng banda. kaya kailangan nya ng marunong tumugtog ng keyboard. sabi ni ellen..
"si juvil marunong, yung twinkle, twinkle little star haha!".
sabi ko..
"pati yung are you sleeping brother john. hehe"
tawa lang sya ng tawa haha. ang cute nya. kras ko sya dati eh. kaya lang lagi sya absent. pero pumapasok sya kapag may exam. at pumapasa sya. husay! nagma-magic.

tropa sya ni ralph. ka-banda nya. hindi ko na sya kras ngayon. hahaha

para makatipid, lagi ako nagpapalibre. libreng yosi, libreng softdrink, libreng palabok. ang galing. salamat sa mga mabubuting kaibigan na nanlilibre sa 'kin. nami-miss ko na sila. yung isa nasa amerika na. yung isa, magreresign na sa trabaho at mag-aasawa na. ang kulit. yung isa pa malapit na manganak. at yung isa pa, pupunta na sa singapore ngayong april. ang galing nga eh, nakakuha agad sya ng passport. at hindi daw sya pumila kasi government employee daw sya. ayos. sana nag-apply din pala ako dati sa pgh para naging government employee din ako.

nakakamiss.

ok..

anung ok?

wala lang.

ang labo mo.

3 kumento:

Unknown said...

sana marunong din ako ng keyboard kahit twinkle twinkle little star lang...hehehehe...

tama ka! pag graduate na nakakahiya ng manghingi ng pera. yon nga dati nagagalit tayo pag pinigilan tayo ng parents natin ngayon kahit gusto nating magpabawal di tayo binabawalan, may wrinkles na kasi tayo. hehehe...

korek, kanya kanyang buhay na ngayon. ang iba may asawa na at ang iba ay pumupunta sa malayo para kumita ng dolyar. haaaayyy...nakakamiss ang lahat..hehehe...

hectic capiznon blogger said...

I love music especially drums kaso di ako marunong ng bit. :)

Juvil said...

Ako din frustrated drummer ako e hehe

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo