Monday, November 26, 2007

bukas-matang tumalon sa bangin..

nakatingin ako sa larawan. ang ganda nya. natutuwa nalang ako at napapangiti tuwing naiisip ko. kasi wala na akong pakielam ngayon. wala na kong nararamdaman para sa kanya.nakalimutan na ang nakaraan. nagawa nang maikahon ng tuluyan. wala nang makakapagpaalala.

kahapon nanuod kami ng one more chance. halos lahat ng eksena, ka-relate relate. wahaha. pinagtatawanan ko lang habang nag-iiyakan ang mga bida. bwahaha! si john loyd boses bakla kapag nagsasalita habang umiiyak. haha. parang gusto ko yung gupit ng buhok ni bea yung maikli. nakatalikod ako habang nasa pila para manuod nun. baka kasi meh makakita na schoolmate saken. sabihin jologs ako. wahaha. mushy lang. minsan lang naman ako ganon. the other side..

Pag-ibig nating walang hanggan
Sila’y masaya sa ating pagmamahalan
Naglalaro sa hangin
Bukas-matang tumalon sa bangin


lapit ko nang magboard exam..next year.

sana makapasa ako sa revalida. sana hindi na tayo mag-away parati. sana minsan nalang. at sana magkabati agad..

grabeh,manhid na talaga ako. hindi man lang ako nasaktan nung binangga ako nung motor na hindi umistap nung nag red yung staplayt. astig! at pinagalitan mo nanaman ako..hehe.

0 kumento:

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo