Wednesday, June 20, 2007

GUSTO NA KITANG MAKITA

Parang ang bagal ng takbo ng panahon pag wala ka
Alam kong walang dapat sisihin na ako’y
Nandito at nandiyan ka

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Pininta mong larawan ko
Ang unang nakita ko sa umaga
Pagbangon sa kama siguradong
Ang araw ay may bagong pag-asa

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)




pag ganitong panahon, na nag-iisa lang at walang kasama dahil sa nilayuan na ng lahat dahil sa kasamaan ng ugaling taglay, hindi maiiwasan ang isipin ang isang taong napakalapit sa puso at nasa napakalayong lugar lang naman. na syang dahilan ng pagsama ng ugali na bunga ng kalungkutang nangyayari na sa kanyang sarili lamang. hindi na makakain at makapag-isip ng tama nang dahil din sa kanya. dapat na siurong magsama na lang para ayos na ang lahat. subalit sa pagkakataong ito na hindi pa talaga pwede mangyari ang isiping yon, nananatili na lamang nasa isip. at parang nababaliw sa sobrang lungkot. hindi pa rin maalam ang mali sa tama. wala pang cellphone na tanging nag-uugnay dahil bigla na lang nasira. hay..

sana nga ay magkita pa tayo..mahal ko.

Monday, June 11, 2007

chiller..

i am now 20 years old!

yeah! \m/ hardcore..

malapit na ang board exam ni ralph,, sa june 14-15. sana pumasa sya.. yun kasi yung parang hinihiling nya.. sana hindi sya mahirapan masyado sa mga tanong at masagutan nya yun lahat. nung birthday ko, nakasama ko sya mula umaga hanggang madaling araw kaya naman ang saya saya ko nun. kasi sumama sya samin ni mama naggrocery tapos binuhat nya yun pinamili namin. hahaha. tapos kasama ko pa sya nanuod ng gig nun sa meh timog sa center 4 arts. sobrang saya hahaha.

nagsimba ako kanina hehe pinagdasal ko na sana pumasa si ralph sa board exam. ang astig nung mensahe nung pari kanina, lahat yata patama sa 'kin. hehe. nung una pinapikit nya kami lahat tapos saka kami tinanong kung sino ang mahilig sa pagkain. dumilat ako wahaha tapos o walang nagtataas..hehe. sabi nung pari, pumikit daw, para hindi mahiyang magtaas ng kamay. haha. sabi nya, kaya daw nya yun natanong kasi ang mga Pilipino daw ay likas na mahihilig kumain pero conscious parati sa body figure nila. mini-maintain ng mga lalake yung 6 pack abs nila at hindi one pack monay. ganun din ang mga babae na mini-maintain ang coca cola bottle body nila.. astig. hehe
pero hindi na napapansin ng mga tao yung body of Christ na kinakain natin sa pangngomunion.

10-6 ang duty ko ngayon. pabor naman kasi mejo konti lang naman yung pasyente pag ganung oras. hehe

Wednesday, May 30, 2007

maulan

♥♥♥
tag ulan na sa ating mundo. pano ba to anong gagawing mo. andaming tao naliligo sa ulan tila nagsasaya sa muling paglisan ng tag init na ating minalas nuong nakaraan. kasabay ng ulan ang pagkulog at pagkidlat. ang dagundong ng kulog na nakakagulat. sa tuwing umuulan ay sumasaya ako dahil dnadamayan nito ang binabagyong puso. nalulunod sa tubig na hindi makaagos. dahil nababarahan ng mga dahong tuyot. kasabay ng pag ulan ang paglamig ng paligid. sasarap ang pagtulog na dati'y hindi. ang ingay ng pagpatak ng ulan. ang nagiging musika ko sa katagalan. walang humpay na pagbuhos ng ulan sumasalamin sa walang humpay na pagluha ng malabis na sakit na nararamdaman sapagkat sa tag-ulan hindi maiiwasang hindi ka maalala. bumabalik sa panahong unang magkita. ang payong na inialay ay hindi nawala. naghihintay lamang sa wala.
♥♥♥

Sunday, May 27, 2007

Tequila and Salt

This should probably be taped to your bathroom mirror where one could read it everyday. You may not realize it, but it's 100% true.

1. There are at least two people in this world that you would die for.
2. At least 15 people in this world love you in some way.

3. The only reason anyone would ever hate you is because they want to be just like you.

4. A smile from you can bring happiness to anyone, even if they don't like you.

5. Every night, SOMEONE thinks about you before they go to sleep.

6. You mean the world to someone.

7. You are special and unique.

8. Someone that you don't even know exists loves you.

9. When you make the biggest mistake ever, something good comes from it.

10. When you think the world has turned its back on you take another look.

11. Always remember the compliments you received. Forget about the rude remarks.

And always remember...

when life hands you Lemons, ask for tequila and salt,

Good friends are like stars........You don't always see them, but you know they are always there.

"Whenever God Closes One Door He Always Opens Another, Even Though Sometimes It's Hell in the Hallway"

I would rather have one rose and a kind word from a friend while I'm here than a whole truck load when I'm gone.

"stop and smell the flowers"

Sunday, May 20, 2007

faith

napanuod kong muli ang pelikulang a walk to remember. anjologs pero nanuod pa rin ako. ang kulit kasi ng kwento. sobrang aliw ako dito. lalo tuwing sinasabi ni jamie yung "i do not need reasons to make angry with God." na kahit nagkaganon sya at hindi na sya magtatagal ay hindi sya nawalan ng tiwala.

...

naniniwala ko na walang permanente sa buhay. maaring nananatili pero para lamang sa kapakanan at responsibilidad. pero nawawala na o nababalewala na yung layunin. nagbabago din kasi ang trip ng mga tao. minsan madaling magsawa. o hangga't masaya pa sila sa ginagawa.

...

i believe that fate has bring us together. and fate will hurt us after all the happiness that we are going to share. it is only a game that we will play the whole time. and in the end, one will be lost. but somehow, i do believe that we should not let it interfere us. love is like a wind that we can not see but we can feel and it is everywhere. let's make this last forever.

...

wala na ko pakielam sa sarili ko. sa nararamdaman ko. basta makita lang kitang masaya ay ayos na. pipilitin kong gawin at gustuhin ang mga gusto mo para sa 'kin. para hindi ko na mapasama ang loob mo ng dahil sa mga ginagawa kong mali. hahayaan ko nalang.

Friday, May 18, 2007

cold

napakainit ng summer na ito. sumasakit ang ulo ko. hehehe. merong isang beses na nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko dahil dun. kanina yata yun. madali ko nang nalilimutan ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. parang yung mga gusto ko nalang na alalahanin yung naiiwan sa isipan ko na aalalahanin ko.

...

failed again so just leave me alone.

...

meh mga tao na madaling nakakapagsalita ng mga iniisip nya tungkol sa mga tao sa paligid nila na hindi naman talaga nila kilala. lalo pa at hindi ito magandang isipin tungkol sa kanya. kahit biro lang yun ay nakaka offend pa rin. kasi hindi mo gusto yung sinasabi nya na tungkol sa'yo. kasi hindi mo alam minsan meh mga naniniwala sa mga biro lang. tulad ni rose sinabi nya na crush nya si luis pero sinabi nya ulit na biro lang yun. at nung naniwala si luis sa tamang birong yun ay natuwa sya at ginawa nya yung lahat para kay rose at nag take advantage naman si rose. pero dahil biro lang yun ay nasaktan sa bandang huli si luis. kasi hindi pala seryoso sa kanya yun si rose.

...

nakakalungkot yung ganon. kasi akala mo ayos na ang lahat at masaya ka na sa lahat ng nangyayari. kuntento ka na. tapos biglang merong ganong salitaan na hindi naman pala totoo at pinaniwalaan mo akala mo yun na. pero matatapos din ang pansamantalang kasayahan at mawawala rin at lilipas.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo