Saturday, August 4, 2007

selfimprovement

kapag nakikita ko yung mga pasyente na may napakalaking sugat at bali pa ang buto pero wala lang silang reaksyon, naiisip ko na balewala pala yung ginagawa ko dati na pagpapadugo ng pulso ko.

ngayon lang ako nakapag-post muli dito. sobrang busy kasi ng schedule at hindi na ako nakakatulog ng maayos. nahiligan kong kumain ng kumain buong araw kapag wala akong duty. nagdaan ang buwan ng hulyo na hindi ko man lang napansin o naramdaman.

at august na pala ngayon!

ayos. malapit na mag-end yung internship ko sa hostipal na yun. 2 months nalang ang nalalabi. grabe ang bilis talaga ng pagdaan ng mga araw. sana bumilis pa lalo. bwahaha

natutunan kong mag-ipon para sa pagkain. andami ko nakakain kapag marami akong pera. dati kasi nag-iipon lang ako para sa astig na cd na bibilhin ko. kaya naman ngayon, wala akong bagong cd pero tumaba naman ako.

andami na nagsasabi na tumaba na daw ako. hiyang sa eamc. syempre sino ba naman ang hindi gugutumin dun. sobrang dami ng pasyente kaya hindi nakakakain sa tamang oras. nalilipasan ng gutom. tsaka na kakain ng madami kapag ubos na ang pasyente. kaso paisa isa ang dating nila..

kaya naman natutuwa talaga ako at august na. at pagdating ng september tapos na ang duty ko. next month na yun! =)

Saturday, June 30, 2007

dying heart

nakapasa pala si rafd sa pa board exam ng prc. ayos. astig!


kapag oras na ng isang tao na mawala sa mundo ay mawawala sya. lalo pa sa hindi inaasahang panahon.kahit pa sa mga panahong kailangan natin sya na magbibigay inspirasyon para maging malakas at magpatuloy sa buhay. o sa mga panahong masaya ang lahat. kahit pa gawin natin ang lahat para mapanatili sya ay mawawala pa rin. lahat naman ginawa natin para sa kanya pero hanggang dun nalang sya. naramdaman ko na hindi naman sya nag-give up agad. habang lumalaban tayo (by providing the expensive life supports) ay lumalaban din sya. lumaban pa rin sya hanggang sa kahuli hulihang sandali. ginawa nya yon para sa mga taong alam nyang sobrang nagmamahal at nagdarasal para sa ikabubuti ng kalagayan nya. sobra din syang nahirapan. pero nagawa nya yon para maging masaya ang mga mahal nya. at kung kelan naman parang ayos na at masaya na ang lahat para sa kanya, saka sya mawawala. nawala sya sa kaalamang napasaya nya ang mga mahal nya sa buhay bago sya tuluyang umalis.

wala tayong magagawa kundi harapin ang katotohanan. na lahat ng tao ay nabubuhay at mamamatay rin. pero sa pagitan ng dalawang pagkakataong yun ay naging masaya naman. i-enjoy nalang ang bawat sandali na nabubuhay bago man lang mamatay.

paalam nanay pabling..

Wednesday, June 20, 2007

GUSTO NA KITANG MAKITA

Parang ang bagal ng takbo ng panahon pag wala ka
Alam kong walang dapat sisihin na ako’y
Nandito at nandiyan ka

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Pininta mong larawan ko
Ang unang nakita ko sa umaga
Pagbangon sa kama siguradong
Ang araw ay may bagong pag-asa

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)




pag ganitong panahon, na nag-iisa lang at walang kasama dahil sa nilayuan na ng lahat dahil sa kasamaan ng ugaling taglay, hindi maiiwasan ang isipin ang isang taong napakalapit sa puso at nasa napakalayong lugar lang naman. na syang dahilan ng pagsama ng ugali na bunga ng kalungkutang nangyayari na sa kanyang sarili lamang. hindi na makakain at makapag-isip ng tama nang dahil din sa kanya. dapat na siurong magsama na lang para ayos na ang lahat. subalit sa pagkakataong ito na hindi pa talaga pwede mangyari ang isiping yon, nananatili na lamang nasa isip. at parang nababaliw sa sobrang lungkot. hindi pa rin maalam ang mali sa tama. wala pang cellphone na tanging nag-uugnay dahil bigla na lang nasira. hay..

sana nga ay magkita pa tayo..mahal ko.

Monday, June 11, 2007

chiller..

i am now 20 years old!

yeah! \m/ hardcore..

malapit na ang board exam ni ralph,, sa june 14-15. sana pumasa sya.. yun kasi yung parang hinihiling nya.. sana hindi sya mahirapan masyado sa mga tanong at masagutan nya yun lahat. nung birthday ko, nakasama ko sya mula umaga hanggang madaling araw kaya naman ang saya saya ko nun. kasi sumama sya samin ni mama naggrocery tapos binuhat nya yun pinamili namin. hahaha. tapos kasama ko pa sya nanuod ng gig nun sa meh timog sa center 4 arts. sobrang saya hahaha.

nagsimba ako kanina hehe pinagdasal ko na sana pumasa si ralph sa board exam. ang astig nung mensahe nung pari kanina, lahat yata patama sa 'kin. hehe. nung una pinapikit nya kami lahat tapos saka kami tinanong kung sino ang mahilig sa pagkain. dumilat ako wahaha tapos o walang nagtataas..hehe. sabi nung pari, pumikit daw, para hindi mahiyang magtaas ng kamay. haha. sabi nya, kaya daw nya yun natanong kasi ang mga Pilipino daw ay likas na mahihilig kumain pero conscious parati sa body figure nila. mini-maintain ng mga lalake yung 6 pack abs nila at hindi one pack monay. ganun din ang mga babae na mini-maintain ang coca cola bottle body nila.. astig. hehe
pero hindi na napapansin ng mga tao yung body of Christ na kinakain natin sa pangngomunion.

10-6 ang duty ko ngayon. pabor naman kasi mejo konti lang naman yung pasyente pag ganung oras. hehe

Wednesday, May 30, 2007

maulan

♥♥♥
tag ulan na sa ating mundo. pano ba to anong gagawing mo. andaming tao naliligo sa ulan tila nagsasaya sa muling paglisan ng tag init na ating minalas nuong nakaraan. kasabay ng ulan ang pagkulog at pagkidlat. ang dagundong ng kulog na nakakagulat. sa tuwing umuulan ay sumasaya ako dahil dnadamayan nito ang binabagyong puso. nalulunod sa tubig na hindi makaagos. dahil nababarahan ng mga dahong tuyot. kasabay ng pag ulan ang paglamig ng paligid. sasarap ang pagtulog na dati'y hindi. ang ingay ng pagpatak ng ulan. ang nagiging musika ko sa katagalan. walang humpay na pagbuhos ng ulan sumasalamin sa walang humpay na pagluha ng malabis na sakit na nararamdaman sapagkat sa tag-ulan hindi maiiwasang hindi ka maalala. bumabalik sa panahong unang magkita. ang payong na inialay ay hindi nawala. naghihintay lamang sa wala.
♥♥♥

Sunday, May 27, 2007

Tequila and Salt

This should probably be taped to your bathroom mirror where one could read it everyday. You may not realize it, but it's 100% true.

1. There are at least two people in this world that you would die for.
2. At least 15 people in this world love you in some way.

3. The only reason anyone would ever hate you is because they want to be just like you.

4. A smile from you can bring happiness to anyone, even if they don't like you.

5. Every night, SOMEONE thinks about you before they go to sleep.

6. You mean the world to someone.

7. You are special and unique.

8. Someone that you don't even know exists loves you.

9. When you make the biggest mistake ever, something good comes from it.

10. When you think the world has turned its back on you take another look.

11. Always remember the compliments you received. Forget about the rude remarks.

And always remember...

when life hands you Lemons, ask for tequila and salt,

Good friends are like stars........You don't always see them, but you know they are always there.

"Whenever God Closes One Door He Always Opens Another, Even Though Sometimes It's Hell in the Hallway"

I would rather have one rose and a kind word from a friend while I'm here than a whole truck load when I'm gone.

"stop and smell the flowers"
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo