Friday, May 16, 2008

realize..

natapos na ang pre board. mukhang pasado naman ako. pero ewan ko lang din. baka mabago pa yon. kung ano nalang mapagdesisyunan nila. bahala sila sa buhay nila. bwahaha. salamat sa mga nagdasal na sana pumasa ako. salamat din sa mga humiling na sana hindi ako pumasa. haha. at least pinagdasal pa din ako kahit pano.. sa 'kin naman nakasalalay kung mangyayari nga 'yon.

na check an na kasi. haha. nalaman ko na may isa akong bagsak. yung radsci. sabi nga nila mahirap daw talaga yun. kasi pitong subject ba naman yung pinagsama sa iisang subject na radsci na yon. napatunayan yun sa score kong 40 over 100 sa subject na yon. sayang wala pang tumama sa mga hula ko kahit sampu.

70 percent naman yung average nun kaya ok lang daw. pero pag below 60 percent yun,, eexamin ko yun ulit.

na-realized ko na ganon pala yun.. yehey!

lss ko.......................
realize by colbie caillat

kaka download ko lang sa limewire..wala lang hehe..adik ako.
satin saten lang.Ü

Tuesday, May 13, 2008

yehey! Pre-board na... Ü

Friday, April 25, 2008

yak! nagrerebyu..

ngayong naisipan na muling magblog. nagrerebyu kasi ako para sa board exam habang nanonood ng hana kimi. ngayong hindi na ko estudyante ay wala akong pera. walang pangload. walang pang txt. ayaw ako bigyan ng pera ng nanay ko. haha. kaya dito lang ako sa bahay araw araw. wala din naman akong ka-phonepal. pero naisip ko, salamat sa nanay ko at ayaw nya ko bigyan ng perang pangload at panglakwatsa. kasi mas nakakapagconcentrate ako sa pagrereview review-han ko. kapag kasi may load ako at naka-unli pa ng limang araw, wala na ko ginawa kundi magtxt. magforward ng mga astig na qoutes na ni-forward lang din sa 'kin. at i-txt lang si ralph. guluhin sya habang nagtatarbaho sya. bwahaha.

nag-aaway lang kami araw-raw dahil sa 'kin. nagso-sorry lang ako tapos ok ulit.

ang napagkasunduan ng lahat, kasi lahat ay sumang-ayon at nagpasa ng waiver na pinirmahan ng mga parents, ang hindi makakapasa sa pa-pre board exam ng school ay hindi makakapag-take ng pa-board exam ng PRC. pabor yun sa school namin, kasi nga yung mga matatalinong estudyante lang na siguradong papasa sa board exam ang papayagang magboard exam. tapos magiging 100 percent ang pasado sa school namin. tapos magiging top performing school pa kung sakali. tapos magiging sikat na ulit ang school bilang kauna-unahang school na nagtatag ng kursong bsrt.

ehh pano na lang kung hindi ako pumasa sa pre board kasi ang hirap, sobrang hinirapan na parang ayaw talaga ako pumasa, tapos hindi nila ako pinayagan mag board dahil dun, tapos nalaman ko na lang dun sa mga kaklase kong pinayagang magboard exam na madali lang daw ang board exam at mas mahirap pa yung pre board. wuhaha! ang unfair naman.

kaya sana gumana ng maayos ang powers ko sa panghuhula.

wala naman talaga ako balak mag-review ng mga inaral ko nung college eh excited na nga ko mag-board exam talaga kaso wala akong load... wala akong magawa... hay.
pupunta ka ba sa summer slam...?
hindi ako makakapunta kasi wala ako pang-ticket.
hindi e. sige magre-review pa 'ko..
sayang naman..astig sana yun..ngayon lang ako ulit hindi makakapunta dun. namimis ko na mag-gig. pautang naman 210 pesos lang bwahaha

yak! nagre-review..

Wednesday, April 9, 2008

xyz

this whole time with me
was just another lie
threw my feelings up and down
you’re just a little inconsiderate.



isang araw, nag-aaway kami ni ralph. nakakatamad kumilos. para akong kotseng kuba. mabagal. peace!Ü

kaya naman na-late ako ng almost one and a half hour sa review namin. lupet. ang kapal ng muka kong pumasok sa room namin ng parang wala lang. haha

ayos hindi ako inantok sa review. salamat sa kape.

tutok lang ang aking mga mata sa lecturer namin. grabeh, ang galing nya. andami nyang achievement. sabi nya sya at ang mga kaklase nya nuon ang unang batch na nagraduate ng radtech sa school namin at sya daw pinakamagaling noong nagaaral pa sya. mas magaling pa sa prof. sya daw ang nagtuturo sa mga kaklase nya noon. tapos naging prof na nga sya. gusto daw sya gawing board examiner dati pero tinanggihan nya. kasi daw, kapag magiging board examiner dapat igive up ang pagtuturo nya. bwahaha. tapos naging sundalo pa sya habang nagpoprof dati. retired na sya ngayon kasi hanggang 20 years lang ang service. ang galing nya magturo ng mathemagic. haha tapos kabuhok nya pa si jose rizal.

naisip ko na ang laki ng utak nya. ako si braineater at kakainin ko ang utak mo bwahaha


nakakainis ako kasi daw yung mga simpleng bagay ginagawa kong kumplikado.

nakakatamad mag-isip..

Monday, April 7, 2008

alam mo..

Click to show the message


nakakagago to..

Sunday, April 6, 2008

oo hindi..

graduate na ko haha!Ü
ang gaganda ng mga kaklase ko ako lang ang pangit ng araw na 'yon sa picc pati yung mga taga-feu mga magagada.
nagpipicture sila akala ko ba bawal magdala ng camera..mga gunggong mga ungas lahat na.
mabuti at naging maayos naman ang lahat..
lagi na lang tayo nagaaway.
hindi ka ba napapagod at nagsasawa..
walang araw na hindi sumasama ang loob natin sa isa't isa..
kamusta naman yun..
bwahaha
goodluck sa 'tin..
kapag umalis ako..sasama ka kaya?

00 hindi..
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo