Saturday, June 11, 2011

So

Dahil wala ako magawa, nag headband ako ng may sungay. Sumama ang tingin sakin ng kapatid kong 8 years old. Kinausap nya ko sabi nya kaya daw namatay si michael jackson ay dahil binenta nya ang kaluluwa nya sa demonyo. Dedma lang ako sa kanya. Atribidang bata to. Daming alam sa buhay.

Simula na ng pasukan nila sa grade school. Grade 3 na ang kapatid ko. Isang beses nalilinis kami ng mga tambak na laruan nya mga barbie mga free toy sa jabi at mcdo atbp na pinabibili nya tuwing pumupunta sila sa mall ni mama. Sabi ko sa kanya itapon na natin mga laruan mo kasi matanda ka na di ka na dapat naglalaro kasi grade 3 ka na. Di ko sinabing itapon na natin ang mga laruan mong nakakalat lang sa bahay na to. Umoo naman sya at sya na mismo ang nagtapon ng iilan nyang laruan. Pero di nya tinapon lahat. Malas lang. Tinapon nya lang yung mga bigay lang sa kanya bilang regalo.

Minsan naisip kong umalis na lang. Magpakalayo layo at tuluyan lumimot. Kaso naiisip ko pa lang parang di ko kayang gawin. Sabihin pang wala ako alam sa labas ng bahay. Bukod sa mall. Kaya dito na lang siguro ako hanggang sa pagkatanda ko. Magiging masaya pa rin kahit papano.

Saturday, June 4, 2011

Sing lek lek thee riak wa ruk

Sa buhay nga naman. Akala mo katapusan na. Pero marami pa palang mangyayari. In every action there's equivalent reaction ika nga. Akala mo tapos na ang eksena mo. Hindi pa pala. Babalikan ka pa rin. Parang ecosystem kung saan merong interaction ang mga organisms na living or nonliving. Merong food chain kung saan mapapakinabangan ang bawat isa. Dahil kakainin ng mga palaka ang mga insecto. At kakainin ng mga ahas ang mga palaka. Lalamunin ng buo. Tapos kakainin ng mga malalaking ibon ang mga ahas. At magaagawan yung dalawang ibon tapos magaaway sila at mamamatay yun isa. Jan naman papapel ang mga vulture. Kumakain ng patay. Hay Biology nakalimutan na kita. Ang alam ko meron pa yun food web. Di ko na talaga alam.

Patok sakin ang mga thai movies. Mas gusto ko yung mga pelikula nilang aksyon. Rambol kung rambol. Pero lately lang, napanood ko ang romantic comedy movie nila tungkol sa inspirasyon. Yung batang panget na magiging maganda habang lumalaki. Ginawa nya kasi ang lahat para lang mapansin nung kras nya. Yun ang naging inspirasyon nya habang nag-aaral hanggang sa maging matagumpay sya. Marami ang nakaka-relate sa kwento nung pelikula dahil sino ba naman ang hindi nagkakras noong nasa highschool diba. Yung tipong ginagawa mo mga nakakatawang bagay para lang mapansin ka at makita mo ang kras mo. Nakakatawa kasi matatawa ka nalang kapag naaalala mo. Minsan masusuka ka din dahil marerealize mo na kadiri yung ginawa mo noon. Kasi matanda ka na ngayon. Pero ako, I'll remain forever young. Dahil hindi ko nakakalimutan ang mga alaala. Mga trauma nung bata pa.

Sabi mo matured na ko. Bakit ganon pakiramdam ko hindi naman. Kasi yung mga kagustuhan ko eh pareho parin sa nakaraan. Di nagbago. Nagbago lang ang itsura kong panget. Mas pumanget. Nagkakakras pa rin ako. Pero sa mas bata. Haha. Ayun nagbago pala ang tipo ko yung mas bata na. Para kasi pareho kami ng trip. Yung mga matatanda kasi puro mga pandidiri ang alam.

Sana pumayat na ko. Organic foods.

Wednesday, June 1, 2011

Inner peace

Busy ako sa paglalaro ng bagong download na app sa apple store na the sims 3. Nakakaaliw eh. Sarap laruin kailangan wag mali-late yung sims ko sa work nya. At kukumpletuhin yung mga goals nya. Kailangan mabilis lang kasi nag eexpire din. Nawawala din. Kapag ganon, wala syang skills na nagagawa kaya nalulungkot sya at matamlay. Mabilis lang ang takbo ng oras sa mundo nila. Sobrang bilis. Sana ganon din dito kasing bilis nun. Ang saya ko lang sana. Kasi mabilis matatapos ang lahat ng ginagawa.

Ayun habang laro ako, biglang meh tumatawag. Landline yung naga-appear na number. Naisip ko baka agency nanaman. Nagsimula na kasi ako mag-apply sa mga agency na papunta sa ibang bansa bilang radiographer. Hindi ko pinansin. Di ko sinasagot hanggang sa mawala na nga. Bigla ako napaisip na kung sagutin ko kaya, tapos tanungin ko kung pano magpunta sa agency nila at kung may libreng lunch o snacks man lang. Sige pag tumawag pa ulit sasagutin ko na. Pero hindi ko na yun inaasahan. Ayun, anak ng boogie tumatawag nanaman. Alangan pa rin akong sagutin pero sinagot ko na rin para matapos na. Tapos hindi pala yun agency taga flower depot daw sya at kinukumpirma nya daw ang address ko. Sa isip ko nalang wow may magpapadala ng bulaklak sakin bukas. Malamang sayo galing yun. I'm touch. Thank you.

Last saturday napanood ko ang pinakaaasam sa buhay na mapanood ang kung fu panda 2.. Isang malaking wow ang galing sobrang aliw. Pakiramdam ko pwede na ko mamatay. Kasi naging masaya na ko sa buhay ko. Ang cute ni po nung baby pa sya. Nakakatawa pa tawa ako ng tawa habang nood. Ang galing ng boses ni jack black eh. Natawa ako nung inamin nung gansa nyang ama na adopted lang si po. Haha obvious kasi. Panda sya tapos epats nya gansa. Haha nakakatawa yung reaksyon nila. Andami ko talagang tawa nun.

Mahalaga din malaman ang nakaraan para malaman kung saan nag ugat ang puno't dulo ng lahat. At depende nalang yun sa tao kung matatanggap nya o iiwasan ang katotohanan.

Hindi kasi matatahimik ang kalooban kapag meh isang bagay na gustong gusto mong malaman pero ipinagkakait sayo ang katotohanan. Sa totoo lang ang hirap matulog nun. Walang inner peace.

Sunday, May 15, 2011

Sub me

Ngayong araw ay napanood ko si thor. Oh my gulay. Kasama ko yung mag ex kong friends. Oh my gulay ulit. Ang pogi ni chris hemsworth. Si mighty thor. Nahihiwagaan lang ako sa katawan nya. Bakit sobrang ganda. Hahaha. Mejo nalungkot ako nung kinakausap nya yung higanteng bakal na parang kapatid nya na wag idamay ang mga inosenteng tao sa mundo na sya nalang yung patayin at humingi sya ng tawad sa kapatid nya sa lahat ng ginawa nya kung bakit naging ganon ang kapatid nya. Tapos akala nya aalis na yung higanteng bakal dahil sa sinabi nya pero bigla syang sinaktan at namatay sya saglit tapos nabuhay dahil nabalik ulit sa kanya yung hammer nya. Maganda.

Pagkatapos nung movie kumain kami sa subway nilibre ako nung friend kong ex ng friend ko. Yung guy. Tapos nagalit sakin yung girl kasi napahiya daw sya. Akala nya kasi sya din ililibre. Sabi nya naman di daw sya galit. Pero nase sense ko na bad trip sya. At pagkauwi ko ng bahay tinxt ako nya ko na sana di nalang kami sa subway kumain kasi daw di nya gusto yung food dun di daw sya nabusog mabigat lang sa chan. At pati din yung guy tinxt din ako. Hindi nya directly sinabi na di sya nag enjoy sa pagkain ng subway pero parang ganon sabi nya lang kumain kami dun kasi meh utang sya sakin na na subway. Matagal na kasi yun usapan namin na ililibre nya ko dun ngayon lang natupad. Biniro ko lang yun na manlibre sya sa subway tapos umoo naman sya. Ayun sobrang nalulungkot lang ako. Pareho sila di nag enjoy sa subway at naging masama yung loob nung girl kasi nga ako lang yung nilibre nung ex nya.

Mali din ako. Dapat di ko nalang ininsist sa kanila yung subway. Eh kaso lang paborito ko kasi yun eh. Dapat pala ni-set aside ko nalang yung sarili kong kasiyahan para sa ikasasaya ng mas nakararami.

Mahirap magpakasaya kapag meh naaalala akong may hindi naging masaya. Dahil pa yun sakin. Masaya nga ako malungkot naman sila.

*laslas pulso*

Thursday, May 12, 2011

Distance

Sana dumating ang araw na hindi na tayo magkakalayo. Aking tripod.

Lokong tao yun hihiram di sinusoli agad. Hindi ka na ulit makakahiram dude. Gusto ko din mag night photography kaso wala ako kasama. Maganda sana yun kung grupo o higit sa isa ang kasama. Tapos nakahilera na ang mga tripods. At sabay kukunan ang pulang ilaw ng mga sasakyan mula sa taas ng bridge. Wow. Transit.

Lokong cafe americano. Di ako pinatulog.

Sunday, May 8, 2011

Rainy day

Andami ko kinain ngayong araw. Una siopao, carbonara, kanin at isda. Tapos pagkatapos magsimba hongkong style noodle naman at quail eggs. Nakakagutom tuwing umuulan sarap kumain. Kasama ko si boy. Pero girl sya talaga. Ultrasound tech na hindi naman radtech. Kasi nurse graduate sya at underboard. Sabi ko sa kanya ayos na yun. Buti nga ikaw sa hospital pa rin nagtatrabaho eh yung iba jan registered nurse nga pero call center agent naman. Pero mukhang malungkot pa rin sya.

Nanalo nanaman sya sa laban. Napapansin ko hindi lumalaban yung kalaban nya. Mukhang takot na takot. Ayaw sya lapitan. Puro atras lang ginagawa aba. Napakaduwag naman. Ang panget ng laban. Makikita mo. Ampanget ng gloves nun.

happy mother's day! Salamat sa paghahanda ng makakain ko at baon ko sa umaga kahit na malaki na ko. At matanda na. Salamat sa pagpapahiram ng pera mo tuwing nauubusan na ko ng sweldo ko. Salamat sa pagbibigay ng kung ano anong kailangan kong kaartehan sa katawan. Mahal kita kahit di ko sinasabi. Maraming salamat. 
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo