Monday, August 20, 2012

Naaalala

Meron ako naging pasyente na mataba at lahat ng accessory organs nya ay malaki na tama lang at angkop naman dahil nga sa malaki sya. Nang kinukunan ko na ng imahe ang kanyang pantog ay hindi pa pala ito puno. Nalungkot ako. Sinabi kasi ng ER nurse na naiihi na sya. Ang tanga ko rin kasi hindi ko sinabi na dapat punong puno ang pantog. Hindi yung naiihi lang. Ako naiihi ako pero di naman puno ang pantog ko. Sana rin alam yun ng nurse na yun eh at dapat dahil malamang na hindi naman sila unang beses na nagdadala ng pasyente sa section namin. Nalungkot nga pala ako kasi dapat isahang puntahan nalang sakin yung pasyente. Sinabihan ko nalang na uminom sya ng tubig at pinabalik ko nanaman sya sa ER. Meron anak yung pasyente at humingi sya sakin ng tubig para ipainom sa baba nya. Binigyan ko sya ng 2 bote at sobrang nagpasalamat sya. Dahil parang ginagawa nya lahat para sa baba nya. Naalala ko lng ang erpats ko. Basta naalala ko.

Thursday, August 16, 2012

(-_-)

soundtrip lang. wala namang masama. puro kanta lang. para lang makalimot. ng pansamantala lamang. habang hindi pa makatulog. sa pagiisip ng mga walang kwentang bagay. na ayaw naman tumigil sa pagtakbo sa sariling pag iisip. kahit na sobrang pagod na sa kakaisip. ayaw pa rin tumigil. hindi na gumaganda ang nararamdaman kaya mas minabuti na lamang na tumigil na. pero ayaw talaga pakawalan. siguro nga ay mawawala rin ito kung di na lang papansinin. at kung di narin iisipin. pero hindi talaga makawala. sana lang ay wag mahuli sa sariling paraan. kung hinihintay na mapuno ay wag naman. dahil di kakayanan ang lahat. baka mawala na lang ng kusa. at tapusin na lamang ang lahat. para huminto na sa pagtakbo sa mga eksena ng buhay. sana mapagbigyan kahit pano. ang hiling ng isang abang wala naman gustong iba kundi ang simpleng buhay lamang. sana mapatawad. hindi ko naman makakalimutan na ang lahat ng ito ay ginawa mo. lagi itong maaalala. at responsable at nalalaman naman ang mga ginagawa. maraming salamat, sa lahat.

Tuesday, August 14, 2012

dinig

hindi nakayanan ang bugso ng damdamin. nailahad ang hindi dapat sabihin. pero tapos na. hindi na maibabalik ang nakaraan. kaunting panahon na lang at muli ng lilisan. patungo sa walang hanggang kaparusahan. naglaho na ang lahat ng plano. di na maisasabay sa alon ng buhay. kung mapadpad man sa kung saan, wala nang nakakaalam. pero patuloy pa rin sa paghihintay. sana lang nga ay muling magkasabay. maulit ang minsang nagpasaya sa malungkot na buhay. sa panahong pareho na nating kakayanin ang mga problemang hindi dapat pinoproblema. sana mabilis ng lumipas ang oras. at tumigil na lang sa oras na tayo ay muling magkasama. hindi na napigilan lumuha sa ilang beses na pagkakataon. hindi maiaalis ang kalungkutang bumabalot. ngunit muli pa nga kayang mapagbigyan. ang hinihiling ng isang walang kwenta. ilang ulit ng humingi ng tawad. nauubos na ang pasensya. para sa taong hindi naman natututunang magpaubaya. oras na.

Monday, August 6, 2012

unang araw

patawad. ang unang salitang namutawi sa labi. kahit di maalala kung saan nagkamali ay sasamabiting muli. paumanhin. sana ay intindihin. na di mawawaksi ang mga nagawang kakaiba sa sarili. magpasa hanggang ngayon ay naghahanap pa rin. ng mga kasagutan sa walang katapusang katanungan. marahil ay maging sa sarili ay nagkamali din. sa kadahilanang walang pakielam kahit sa sariling nararamdaman.

isang araw nabangga ako sa upuan. upuan na singtigas ng bakal. hindi ko naramdaman. kinaumagahan, isang malaking pasa ang nasilayan. sa isang bahagi ng katawan. kung anung nangyari ay di na matandaan. isang halimbawa ng walang kamalayan.

muli, patawad. hindi ko na alam ang gusto kong puntahan. pero patuloy pa rin sa paglalakbay ng walang humpay ang buhay. hanggang sa mamatay. unang araw na ika'y wala. masanay sa iisang tala. malalapatan ng lunas ang sakit, ngunit di matutumbasan ang mga alaala ng sawi. di tulad ng sa pag ibig, na minsang inakalang di madadaig, ng kung ano mang magaganap na sakuna sa daigdig. tuloy tuloy ang ikot ng mundo, di ito titigil para lang sa iisang tao.

Wednesday, August 1, 2012

mundo

sa lahat ng ayaw ko, marami pala akong ayaw. ay yung meh nagbubulungan sa harap ko. wala naman ako pakielam kung ano pinaguusapan nyo eh. kung meh pupuntahan kayo at wala kayong balak na isama ako sa lakad nyo edi wag. wala rin naman ako balak sumama sa inyo. mahilig sila magchismisan sa trabaho. plastic paradise dun. kasi pag wala ka ikaw ang paguusapan at madaming masasamang sinasabi tungkol sayo sa mga ginagawa mo. pati pagsuklay ng buhok at pagsasalita. walang magawa. ano nalang mangyayari sa mundo nyan. mundo na napupuno ng mga chismosa at walang magawa sa buhay. basta wala ako pakielam. kahit pagusapan nyo ko sa harap ko ok lang. di naman ako nakikinig. hindi rin ako nagsassalita. sana lang di ako madamay sa kung ano mang mangyayaring masama sa ginagawa nyo.

Saturday, July 28, 2012

bawian


isang araw ay nagkaroon ng prayer meeting ang sangkatauhang singles sa palasyo. nagkaroon ng mga group discussion patungkol sa Dyos na rebulto at kantahan ng patungkol dito. dahil hindi masalitang tao wala talagang maisip na sabihin. kaya direct to the point lang ang sinasabi. di tulad ng ibang ka grupo na may mahabang sinasabi. maikli lang talaga na mabibilang lang ang mga sinasabi. kaya pinagtatawanan dahil dito. hindi alam pero bakit walang masabi. walang mailahad ng tungkol sa kanya. sya na sobra ko naman kung igalang at nauunang pasalamatan sa lahat. walang maisalita na tulad ng iba na kung ipagmayabang sya ay sobra sobra. nalungkot ng isang oras. napainom ng di sinasadya. napatapang ang gawa ng inumin. na medyo ikinahilo. at ng mahimasmasan ay napagawa ng sulatin patungkol sa pangyayaring ito. 
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo