Saturday, October 27, 2012

walang magawa. long weekend sila. ako hindi. lagi naman. dahil hajj sarado ang mga mall. walang malapit na makainan ng japanese foods. di katulad sa kinaroroonan mo ngayon. meron japanese food district. sobrang naiinggit na talaga ako sa buhay na tinatamasa mo ngayon. na lahat ng gusto mo ay halos na nasa paligid mo lang. lahat ng gusto mong kainin. gustong makita. samantalang ako, di makakain dahil di ko gusto ang mga pagkain dito. o di lang ako makakain dahil nalulungkot na ko ng husto. isipin nalang kita nakakalungkot na eh. na wala ka sa kung saang gusto ko makita na nanjan ka. hindi ako makakain kapag ganito. sana hindi na kita maisip. hindi ko na kasi kaya. nasasaktan nako. siguro dapat kasi, wala. naiisip nanaman kita at ayoko na munang huminga. gusto ko na munang di ka kausapin. kahit saglit lang para di na kita maisip. alam mo kasi sobrang nalulungkot ako pag naiisip kita. nasasaktan. ayoko na muna. pahinga lang. makakabawi din naman.

Friday, October 12, 2012

Why me

Bakit ganon. Ok na sana ang buong linggo. Kaso lang hanggang sa huling sandali ay ginulo mo. Anong nagawa. Sa harapan pa ng ibang lahi mo pinagsabihan kung saan natutuwa sila kapag may pinoy na pinagagalitan. Ibang klase ka rin. May araw ka rin. Mamamatay ka rin. Akala mo kung sino ka. Hindi mo ako kilala. At wala akong balak na kilalanin ka. Wala akong pakielam sayo. Hindi kita gusto baka inaakala mong patay na patay ako sayo. Kadiri ka lang. Napapansin mo lang yung mga mali na nagawa. Ungas ka. Hindi na kita titignan. Hanggang matapos ang trabaho ko sa ospital na to. Bahala ka sa buhay mo.

Naglalabas ng sama ng loob bago matulog. Sana wala na ito pagkagising ko. Sana matapos na.

Thursday, October 4, 2012

tapos na. di na mauulit. sana mapatawad sa lahat ng kasamaang nagawa. di ko akalain na bibigay ka rin. katulad ng sa nauna. pero nakatiis ka ng ganito katagal. masaya ako na nakasama kita nung mga panahong mag isa ako. kahit nawala ka. sabi ko na nga ba. hindi na tayo magkakasama kahit kelan. nangyari na. kung ano mang maging desisyon mo sa buhay. sana maging maayos pa rin ang lahat. nadudurog. masakit. sobra na parang hindi kakayanin. kaya pa ba. sana malagpasan. kung hindi man mawala yung sakit, titiisin na lamang. sana makatagal.

Tuesday, October 2, 2012

disturbed

malungkot. pero pipilitin wag mapansin. hindi na matanggap ang mga pagsasawalang bahala sa maaaring maramdaman. hindi mo lang siguro alam pero sana malaman na ang mga susunod na hakbang. idahilan mang bobo at walang alam. hindi na matanggap ang ganoong kadahilanan. sana magpatuloy pa ang buhay. hindi tamang wakasan sa isang pagkakamali na maaari namang maituwid. hindi pa man sa ngayon, maaaring abutin ng maraming mga taon. bago maitama ang lahat. sa panahong handa mo ng matanggap ang pagkakamali at sisikaping hindi na mauulit. na kapag humantong na muli sa ganitong pagkakataon ay alam mo na ang maaaring gawin. para maiwasan ang mga salitang maaaring mabitiwan na ayaw na muling madinig. sana magpatuloy nalang. hanggang sa dulo. kapag hindi na magkamali.


Saturday, September 29, 2012

minimal

nagdedesign ng tattoo. magpapatattoo kay idol rakel sa sta cruz laguna sa paguwi next year. magpapasakal na rin. ngayon pa lang kinakabahan na kahit medyo matagal pa. na parang kung pwede lang ay wag na pero kailangan. nakakapagod ang trabaho. hindi na uulitin. iba pa rin yung kapag sa pag uwi  mo araw araw ay makikita mo yung pamilya mo. nakakawala ng pagod. pero pag nasa ibang bansa at malayong malayo sa pamilya, di nawawala ang pagod. nagpractice na mag dive sa pool, masarap sa pakiramdam kahit papano. parang extreme lang. isang katrabaho ang namatay dahil sa colon cancer. mahilig daw kasi sya sa pagkain ng mga hindi masyadong luto na pagkain. tulad ng steak na medium done. paborito ko ang steak eh. kya mula ngayon ipapa well done ko na. iba pa rin yung steak sa everything at steak. nakakamiss talaga. sa pag uwi sana meron pa. nakaisip na ng magiging subject ng tattoo. madaming naisip. susubukan nalang na pagsamahin sa iisang design lang.

Saturday, September 15, 2012

ang araw ko

walang tubig. walang kuryente. di ko pa napaplantsa uniform ko. nag ipon ako ng tubig sa mga container kanina bago umalis pagbalik ko wala na laman. sarap ng buhay ng mga kakwarto ko. ngayon ay paano ako maliligo. walang tubig. walang kuryente. meron ako take out na pagkain na nilagay ko sa fridge, pero dahil walang kuryente, hindi ko mainit sa microwave. ngayon wala na ring pagkain. wala. empty. ness.

nangangati ang ulo ko sa kakaisip ng magiging paraan ko kung paano ang gagawin ko ngayong araw. kinamot ko hanggang sa sumakit. sa tindi ng sakit idiniin ko sa pader. hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. pero siguro wala ng ibang magawa.

sa kakaunting nalalabing baterya ni cephi ay nakakapagsulat ako. at naichacharge ang selepono. kung sakaling hindi pa rin magkakuryente sa pagalis ko papunta sa trabaho ay dadalhin ko nalang sya at dun ko ichacharge. kaya sana magkakuryente na dahil mejo mabigat si cephi kahit maliit lang sya. di ko gusto ang bagong album na dinownload ko sa illegal na paraan. sobrang dissappointed. parang gusto kong magpakamatay.

naiinitan na ko gusto ko ng maligo. mapipilitan akong hiramin at gamitin ang ilang pirasong tig 1.5 liter na bote ng mineral water ng kakwarto ko. gantihan lang. papalitan ko naman. pang ligo ko lang. habang wala pa sya, bwahaha! *evil laugh
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo