Sunday, March 11, 2007

ikaw lamang

Happy Women's Month! sa lahat ng mga kababaihan...

nung biernes ay nagbabala sa akin ang mga ilan sa malalapit na tao sa akin. nang dahil sa meron umanong kumakalat na chismis. isang eskandalo umano na nagaganap sa loob ng eskwelahan. sa madalas na hindi ko pag - uwi ng maaga at pagtatambay muna sa eskwela bago ako umuwi ay malapit na din daw ako ma - chismis. sinabihan nila ako na umiwas na daw ako sa gawaing ito. o lumipat na daw ako ng ibang matatambayan. kaya naman ngayon ay sa mcdo - dapitan na ako tumatambay. ito ang unang pumasok sa aking isipan. kaya kung sino man ang mapadpad sa lugar na ito ay maaaring makakita kayo ng isang babaeng nag - aaral aralan na mag - isa lamang. sanay akong nag - iisa sa lahat ng oras. natutuwa din ako sa iyong pakikisama sa akin. lubos akong nagagalak..masaya ako at kahit saan ako mapadpad ay sinasamahan mo ako.. salamat sa iyo. hindi ako nag - iisa paminsan minsan.

ngayong araw ay dinalaw ako ng isang mabuting kaibigan. natuwa ako kasi nakadating sya sa aming munting bahay kahit pa anong layo nito mula sa kanyang bording hauz na nasa tapat lamang ng aming eskwela. hindi ko akalain na kanyang totoohanin ang kanyang nisabi. umoo lang ako ng wala sa aking loob. akala ko kasi ay isang biro lamang. at nang sya ay nasa loob na ng aming bahay ay saka pa lang ako natauhan. sabi nya lilinisin nya ang aming bahay pero hindi nya ginawa..ayos lang naman. hahaha.

ayoko ang gawaing pagsasaad ng kanyang nararamdaan nang sa text o sulat lamang. ang nais ko ay isalita ito at meh tunay na pakay. mas nararamdaman ko kasi ito at maaalam ko kung tunay ang kanyang nadarama patungkol sa akin. nakakalungkot...

magpa - finals na. kailangan nang mag - aral. sa panahong ito kasi ako nagpapakita nito. hindi ko alam kung mababawi pa ang lugmok na marka. kung maliligtas pa sa paghihingalo o tuluyan nang bubulusok paibaba. syempre ay mas pabor sa nauna.

ako ay natutuwa sa kantang ito ng silent sanctuary. pati na rin sa mtv na ito. ikaw lamang..



0 kumento:

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo