ayoko na mag duty. nakakatamad. tapos yung mga kasama ko parang ayaw nila sa 'kin. lagi nila ako iniiwan. mag-isa. tuwing papunta ako dun, lagi ko nasasabi sa sarili ko na 'eto nanaman ako..' tapos pag naiwan na nila akong mag-isa para akong maiiyak.. tapos pinipigilan ko na lang. ang sama sama ng loob ko.
sana talaga mahal mo ko. kasi lubos na ang tiwala ko sa'yo. na hindi mo 'ko iiwan kahit kelan. tulad ng mga sinasabi mo. umaasa talaga ako na kahit ano mangyari ay nandyan ka lang. na yung kahit hindi tayo parating magkasama, parang nandyan ka pa rin.. hindi ko din kasi alam kung ano yung gusto ko nung minsang tinatanong mo ko na makakapagpapasaya sa 'kin. minsan kasi yung mga nasasabi ko na parang ok lang sa 'kin na ganon ehh hindi naman talaga. sinasabi ko lang yon para marinig ko kung ano ang masasabi mo kapag ganon. kaya lang yung mga naririnig kong salita ay nagpapalungkot lamang sa akin. kasi hindi yun ang parang gusto o inaasahan kong marinig. at hindi ko pa yon mashadong naiisip pag magkasama tayo nun. kasi ayokong isipin at mashadong pansinin. kasi kasama kita at wala akong ibang iniisip kapag ganon. naiisip ko nalang kapag nasa bahay na ko at patulog na. hanggang sa hindi na ako nakatulog.
tapos na ang eleksyon sino kaya sa mga binoto mo ang nanalo?.. at boto mo lang ang nagpanalo. hindi kasi ako rehistrado. kaya sabi ni ser joseph alien daw ako. hindii kasi mumu ako. awoo!!
nung mother's day, nag-uwi ako ng picha binili ko sa greenwich. mukha naman natuwa si mama. kasi hindi sya nagalit sa 'kin nung araw na yon. wahaha.
nahaharap ngayon si mama sa isang sakit. kaya kasalukuyan syang nagpapa-therapy. sana nga ay gumaling na sya sa pamamagitan nun o di kaya ay mabawasan ito. pero sana talaga gumaling na...
natutuwa talaga ako kasi ka-duty ko si angge bukas.. kasi kaibigan ko sya.. =)
ate idealpinkrose, intern pa lang po ako ehh kaya hindi libre yung timecard. hehehehe.
Chicken Chow Mein Recipe
1 day ago



0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.