hindi tumitigil sa paglalakad hanggang sa makarating na ng morayta. tatawid lang gamit ang tulay at maglalakad nanaman sa kabilang kalye pabalik. lakas trip. lalo pag kasama kita. nagkukwentuhan habang naglalakad.
kapag namatay na ko gusto ko maging abo. gusto kong magpadala sa ihip ng hangin. para makapunta pa rin ako sa iba't ibang lugar kahit wala na ko. tapos mababahing ka kasi allergic ka sa alikabok. hahaha!
allergic ka na sa 'kin...
pero hindi ko na rin naman maiisip yun kasi patay na ko. haha
kahit anong pagkain sa kalye kinakain ko. kahit yung chickenjoy na hilaw ng jabi. hindi ko kasi alam na hilaw pala yun. basta nagtaka na ko kung bakit mamulamula yun nung pagkatapos ko kainin yung balat. tapos nung tinignan ko yung chicken mo hindi naman mapula kaya naisip ko hilaw pa nga. haha. ampf! hindi ko na kinain pa kahit nakakain na ko ng konti. hindi naman ako mareklamo kaya hindi ako nagreklamo sa jabi. kung ako yung pinsan ko na mataba at mahilig sa pagkain, siguro galit na galit ako tapos ibinalik ko yung chicken at pinaluto ko pa. haha. tinamad na ko kumain ulit kahit gutom pa ko. tapos yung pineapple float ng mcdo meron pala langaw na nakadapo sa icecream e hindi ko alam kaya nainom ko..pero hindi ko naman nahigop yung langaw. kasi nandun pa rin sya sa icecream nakadapo. napansin ko na meh langaw pala nung tinitignan ko yung design ng bagong lalagyan ng mcfloat. waa! meh langaw! ulk! buti na lang wala pa sa kalahati yung naiinom ko. pero meh langaw pa rin yun.. hindi ako nagreklamo kasi ayoko masira ang reputasyon ng mcdo. hahaha
hindi naman sumakit yung tyan ko pagkatapos ko makakain ng mga ganung pagkain. matibay ang sikmura ko. ang galing.
bwahaha!!!
Cucumber Tomato and Onion Salad
6 days ago



2 kumento:
Hindi ka nga mareklamo ah, hehe=) Kung ako yun, papapalitan ko para bago ulit=)
tinamad na nga kasi ako. hehe. ipapaluto ko pa nga sana.
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.