Friday, April 25, 2008

yak! nagrerebyu..

ngayong naisipan na muling magblog. nagrerebyu kasi ako para sa board exam habang nanonood ng hana kimi. ngayong hindi na ko estudyante ay wala akong pera. walang pangload. walang pang txt. ayaw ako bigyan ng pera ng nanay ko. haha. kaya dito lang ako sa bahay araw araw. wala din naman akong ka-phonepal. pero naisip ko, salamat sa nanay ko at ayaw nya ko bigyan ng perang pangload at panglakwatsa. kasi mas nakakapagconcentrate ako sa pagrereview review-han ko. kapag kasi may load ako at naka-unli pa ng limang araw, wala na ko ginawa kundi magtxt. magforward ng mga astig na qoutes na ni-forward lang din sa 'kin. at i-txt lang si ralph. guluhin sya habang nagtatarbaho sya. bwahaha.

nag-aaway lang kami araw-raw dahil sa 'kin. nagso-sorry lang ako tapos ok ulit.

ang napagkasunduan ng lahat, kasi lahat ay sumang-ayon at nagpasa ng waiver na pinirmahan ng mga parents, ang hindi makakapasa sa pa-pre board exam ng school ay hindi makakapag-take ng pa-board exam ng PRC. pabor yun sa school namin, kasi nga yung mga matatalinong estudyante lang na siguradong papasa sa board exam ang papayagang magboard exam. tapos magiging 100 percent ang pasado sa school namin. tapos magiging top performing school pa kung sakali. tapos magiging sikat na ulit ang school bilang kauna-unahang school na nagtatag ng kursong bsrt.

ehh pano na lang kung hindi ako pumasa sa pre board kasi ang hirap, sobrang hinirapan na parang ayaw talaga ako pumasa, tapos hindi nila ako pinayagan mag board dahil dun, tapos nalaman ko na lang dun sa mga kaklase kong pinayagang magboard exam na madali lang daw ang board exam at mas mahirap pa yung pre board. wuhaha! ang unfair naman.

kaya sana gumana ng maayos ang powers ko sa panghuhula.

wala naman talaga ako balak mag-review ng mga inaral ko nung college eh excited na nga ko mag-board exam talaga kaso wala akong load... wala akong magawa... hay.
pupunta ka ba sa summer slam...?
hindi ako makakapunta kasi wala ako pang-ticket.
hindi e. sige magre-review pa 'ko..
sayang naman..astig sana yun..ngayon lang ako ulit hindi makakapunta dun. namimis ko na mag-gig. pautang naman 210 pesos lang bwahaha

yak! nagre-review..

2 kumento:

Anonymous said...

teka. nawala ata ung comment ko o ewan?! hehehe..

muli, gudlak sa pagrereview at sa exam.. ^_^

yakang-yaka mo yan.. :D

tc!

Abou said...

ipag pray kita...

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo