yung araw bago yung exam nagbabasa basa pa rin ako. habang nanunuod ng tv syempre. nang biglang nagring ang telepono. tapos sinagot ko. si go lang pala. yung kaklase ko na sinungaling. na hindi daw sya makakapagboard exam kasi hindi daw sya tinanggap ng prc. yun pala natanggap talaga sya. pero sinabi nya sa 'min na hindi. ayun. nagulat lang ako nung tumawag sya. sabi ko
shocks! april??..hayun. sabi nya,,
meron ako nakuhang leakage bwahaha punta ka sa dorm ngayundin!kaya nagpunta naman ako, sabi ko sa nanay ko..
mama alis ako.sabi nya,,
saan ka pupunta? magkikita lang kayo ni ralph e!hindi na lang ako nagsalita kasi hindi ko alam sasabihin ko haha..tamang hinala kasi sya parati. ayun. pagkadating ko sa dorm nila nakita ko na yung leak daw haha. ayun binasa ko, pinagpuyatan ko talaga kahit parang mas may kwenta pa yung binabasa kong libro kanina eh binasa ko pa rin.
kinabukasan, exam na.
unang subject yung leak daw.. excited pa ko. ayos.
tapos, pagtingin ko sa test paper
ngek! ano to?!
napapakunot noo nalang ako. kamot sa ulo habang nagsasagot. sana makachamba. sabi ko sa utak ko,,
sinungaling ka talaga gago!mula nun hindi na ko naniwala sa mga leak na yan. panira ng tahimik na buhay. sarap pa naman sana ng basa ko habang nuod tv tapos bigla nya ko pinapunta haha.
pero ayos lang . madami naman ako natutunan dun haha. isang test paper lang siguro yun na gawa nung prof namin dati. haha kahit isa kasi sa mga tanong dun wala lumabas e. haha
lagi na lang ako nagpa-palpitate. tensyonado. pinagpapawisan ng malamig. natatae.
sana chikan nung machine yung answer sheet ko. sana hindi nya i-invalidate. kasi inayos ko talaga yung pag-shade ko nung mga sagot ko, siniguro ko na walang lagpas din sa parang box. di ko nga lang masyado sigurado kasi naiwan ko yung antipara ko nung first day kakamadali ko. kaya sigurado may lagpas dun. kaya diskumpyado na ko dun,, pero wag naman sana..
bwahaha. magpapakulong ako sa mental pag naalam ko na yung result. taeng tae na ko.



0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.