yehey!
sa lunes na ako mag-uumpisa sa in-apply-an ko bilang trainee. grabe tatlong beses o apat din yata ako nagpabalik-balik dun.
nung una nagpasa ako ng resume. kasama ko nun si princess kami dalawa sabay nag-pass. tapos sinabihan kami nung masungit na babae sa HR na tatawagan na lang kami. kaya umuwi na kami. akala ko matagal bago tumawag pero nung hapon din ng araw na yun, tinawagan din ako. haha. pero si ces hindi tinawagan. haha, sabi pa nawala daw yung resume nya. pero tinawagan din naman sya nung isa din nya pinasahan ng resume kaya ayos lang. at nauna pa sya magkatarbaho sa 'kin ngayon, ako sa lunes pa haha.
nung ikalawa kong balik, para sa interview at exam. dalawa ang interview, initial at final. sa initial interview, yung hr manager yung umusisa sa 'kin. tinatanong nya ko ng madaming tanong. tapos kapag nasagot ko na yung tanong nya, humuhiling pa sya ng iba pang sagot. ang weird. tapos pag wala na kong masagot, sya na yung sumasagot sa sarili nyang tanong haha. nung tinanong nya ko kung ano ang weakness ko, sabi ko,
my weaknesses are interviews like this hehe..tapos sabi nya ha? e pano na blah blah di ko na maalala hehe. kinahapunan, interview naman w/ VP. mas madali sya kausap kesa dun sa manager. sya ang nagsabi na magstart na ko next week.
sa ikatlong balik, pa-medical na. ang mahal dun magpamedical pero buti na lang may discount na 60 percent. binawasan pa nila yung kakaunti kong dugo. kumain kami ng madami at mahal sa picha hut para makatae. pero hindi pa rin ako natae. kaya umuwi na lang ako at nagpasyang sa bahay na dumumi para sa fecalysis. mas madaling masuka kesa sa matae.
ikaapat na araw, nagpasa naman ako ng requirement. ayos kumpleto ako haha. pagkatapos ako kausapin ni training officer, pinauwi na nya ako.
sana naman maging ok ako dun. sana hindi nila ako awayin. haha
hindi na ko magiging childish. kasi matanda na ko. haha
sa nailcutter na ito magsisimula ang lahat...



0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.