Saturday, September 6, 2008

buhay pa.

dahil sa traumang naranasan. naisip ni juvil na hindi na muling bumalik pa sa nauna. sobra syang nasaktan sa mga nangyari. ang mga salitang binitiwan ng isang taong hindi naman talaga nakakakilala sa kanya at walang kaugnayan. minsan pa nga lang silang nagkakasama. ganon ba talaga. sa kaunting panahon lang, mga sandaling araw. masasabi na ba agad.

pero nagawa nya. meh mga tao pala talagang ganon. walang konsiderasyon. hindi ko naman hinihiling na maging bahagi ng mundo nila. hindi ako nakarinig ng magagandang salita mula sa kanila. hindi na ko maghihintay. hindi na ako aasa. hindi ko na iisipin pa. ang mga ginawa kong katangahan para sa kanila. hindi ako humingi ng kapalit. wala naman kasi talaga akong kwenta. siguro nga tama yung mga sinabi nya. hindi ako nararapat sa mundo nila.

anyways, mabuti na siguro ang ganon. isang masamang karanasan na hindi makakalimutan. sana hindi na ulit yun mangyari sa isang katulad ko. na mahina at hindi matatag. sobrang na-down. walang kalaban laban. mabuti nalang natapos na. hindi na ko babalik dun. sa buong buhay ko noon lang ako nakaranas ng ganong salita mula sa isang taong kinikilala ko na mabait pero hindi naman pala talaga. mga taong sobrang bilib sa sarili nila. oo magaling sila lahat. hahaha.

hindi naman ako nagsisisi. kasi sa kaunting panahon na itinagal ko dun, madami naman ako natutunan. yun na lang ang maganda dun. at yung mga taong naging malapit sa 'kin. naging masaya akong nakasama ko sila..

muntik na ko maglaslas ulit..

1 kumento:

arvin said...

oo, hindi mo sila kailangan sa buhay mo:)

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo