nagising sa mahabang tulog. anung oras na ba. isang buwan ang lumipas. naipon na. di ko na masyadong maalala. pasensya ka na. hindi ko na masabi kung pano pero sisikapin ko maulit pa yun upang maging masaya tayo. muli nanaman ako nasasabik sa iyong pagdating. kahit saglit lang magkakasama na ulit tayo. iilang tulog na lang. ang pinakahihintay ay magaganap na. ngunit may kalakip naman itong kalungkutan. ilang taon din yun. iilang taon na masasayang sa mga oras na magkasama na sana tayo. pipilitin kong wag muna ikaw alalahanin. kailangan kong maging matapang para sa isang bagay na pilit kong aabutin. na sana ay magawa ko at maipakita ko naman sa yo na meron din ako kakayanang magawa yung mga gusto ko na tulad ng sayo. mabilis lang naman ang pagtakbo ng oras. mabilis maubos. mabilis mawala. sana nga wala ng mawala. bibilisan ko nalang. para matapos na agad. nararamdaman ko ang isang pakiramdam na hindi pamilyar. masaya pero malungkot. masaya kasi makakalaya na ko. malungkot dahil wala ka sa kung saan mang mapuntahan ko. lagi kang wala. hindi nga ba tayo pero pinipilit nating maging tayo kaya nangyayari to. ano nga kaya. tahimik ka nanaman.
0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.