June na. Kakatapos lang ng kalahati ng taong ito. Ang daming concert na naganap at magaganap. Highlight lang yung concert ni lady gaga. Nagrally pa dahil dun. Dahil daw sa pagiging promotor niya ng illuminati at pornography. Nakakalason daw ito sa pag iisip ng mga bata. Nagpunta din si katy perry. Na meh nakahalikang lalakeng model ng pampaputing lotion. Nagpunta din dito ang lamb of god at black dahlia murder. At nung summerslam, ang arch enemy naman, we came as romans na nagpa wall of death moshpit, periphery, august burns red, darkest hour at bless the fall na mukhang bading yung vocalist at nag stage dive. Kasabay pa ata nun un concert naman ng avenged sevenfold. At madami pang iba. Nagpunta din yung an honest mistake ng malaysia pero sa cebu lang sila tumugtog nung sinulog blast off 2012. Nagtapos na din ang impeachment trial ni corona. Hindi na sya cj. Natalo si jessica sanchez sa american idol pero sya daw ang world idol. Inaangkin ng china ang scarborough shoal. Kumampi ang russia sa china at ang amerika naman sa pinas. Pasiklaban o payabangan ng mga submarine. Hindi ko lang alam kung bakit. Madami na nangyari kalahati pa lang ng taon. Aabangan pa ang mga mangyayari sa susunod na kalahati pa ng taon.
0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.