pangarap ko magbuo ng banda. sobrang hilig ko sa musika. sa bawat bagay na ginagawa ko ay may kaukulang kanta. lalo na pag nagsasawa na ko sa ginagawa ko at talaga namang ayoko na. noong ako ay nag-aaral pa lamang, hindi ko maalis ang pananabik sa panonood sa mga musikerong tumutugtog. sobra akong humahanga at nalulusaw ang aking puso sa panonood sa kanila. isang salita lang ang nararamdaman. inggit. kasi pangarap ko na sana ako rin maging katulad nila. humawak ako ng gitara. hinihiram ko lang yun noon sa kapitbahay namin. paminsan minsan ay sa pinsan kong madamot. hayop yon. natuto ako sa sariling sikap. walang nagtuturo at patago. dahil pinapagalitan ako ng aking ama. dahil sa kagustuhan kong tumugtog ay hindi ako masyadong nasa bahay. kaya naman ako ay napagdudahan na naglalakwatsa lamang at hindi talaga pumapasok sa eskwela. maling mali ito. dahil sa eskwelahan ako nakakatugtog. pagkatapos ng klase at sa mga oras ng recess. at mas masaya kapag absent ang teacher. sa mga panahong yon nagiging masaya na nagagawa ang totoong gusto. nahumaling ako sa mga tugtugan ng magkolehiyo. ginagabi sa paguwi na sanhi ng pagdalo sa mga ito. nagkaroon ng mga bagong kaibigan na may kaparehong hilig. unti unting nawala ang interes sa pag aaral. hindi naman sa pagkukuwan pero hindi ako bumabagsak. lagi lamang pasang awa. pasado pa rin. pinagkatiwalaan ako ng aking mga magulang sa katotohanang yon. kaya hindi na nila ako pinapakialaman. ngunit nung nag finals, bumagsak ako. mabuti nalang at uso ang mga removal exams. ilang subjects na minor at isang major din ang ni removal ko. buti at nahabol. tres pa rin. ayun, naipakita ko sa mga magulang ko na kahit naging ganon, hindi ko sila nabibigo sa aking pag-aaral.
0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.