Monday, March 19, 2007

sundo

Inaasam ang sandali
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sa’yong sundo

asa...,

Sunday, March 11, 2007

ikaw lamang

Happy Women's Month! sa lahat ng mga kababaihan...

nung biernes ay nagbabala sa akin ang mga ilan sa malalapit na tao sa akin. nang dahil sa meron umanong kumakalat na chismis. isang eskandalo umano na nagaganap sa loob ng eskwelahan. sa madalas na hindi ko pag - uwi ng maaga at pagtatambay muna sa eskwela bago ako umuwi ay malapit na din daw ako ma - chismis. sinabihan nila ako na umiwas na daw ako sa gawaing ito. o lumipat na daw ako ng ibang matatambayan. kaya naman ngayon ay sa mcdo - dapitan na ako tumatambay. ito ang unang pumasok sa aking isipan. kaya kung sino man ang mapadpad sa lugar na ito ay maaaring makakita kayo ng isang babaeng nag - aaral aralan na mag - isa lamang. sanay akong nag - iisa sa lahat ng oras. natutuwa din ako sa iyong pakikisama sa akin. lubos akong nagagalak..masaya ako at kahit saan ako mapadpad ay sinasamahan mo ako.. salamat sa iyo. hindi ako nag - iisa paminsan minsan.

ngayong araw ay dinalaw ako ng isang mabuting kaibigan. natuwa ako kasi nakadating sya sa aming munting bahay kahit pa anong layo nito mula sa kanyang bording hauz na nasa tapat lamang ng aming eskwela. hindi ko akalain na kanyang totoohanin ang kanyang nisabi. umoo lang ako ng wala sa aking loob. akala ko kasi ay isang biro lamang. at nang sya ay nasa loob na ng aming bahay ay saka pa lang ako natauhan. sabi nya lilinisin nya ang aming bahay pero hindi nya ginawa..ayos lang naman. hahaha.

ayoko ang gawaing pagsasaad ng kanyang nararamdaan nang sa text o sulat lamang. ang nais ko ay isalita ito at meh tunay na pakay. mas nararamdaman ko kasi ito at maaalam ko kung tunay ang kanyang nadarama patungkol sa akin. nakakalungkot...

magpa - finals na. kailangan nang mag - aral. sa panahong ito kasi ako nagpapakita nito. hindi ko alam kung mababawi pa ang lugmok na marka. kung maliligtas pa sa paghihingalo o tuluyan nang bubulusok paibaba. syempre ay mas pabor sa nauna.

ako ay natutuwa sa kantang ito ng silent sanctuary. pati na rin sa mtv na ito. ikaw lamang..



Tuesday, March 6, 2007

ako si emo ranger yellow!

march na. fire prevention month. mag-iingat sa paggamit ng apoy. hehe.

natapos na din ang case study report namin. at sabi nung prof namin sa kin. bagsak pa rin ako. wala naman daw kwenta yung ginawa ko. effortless. hindi ako makapaniwala kasi nawalan ako ng gig tuwing sabado ng gabi para lang dun. hanep.

natutuwa na din ako at natapos na. kasi andun na. nagawa ko na. wala na ko magagawa. hanggang dun lang ang kaya ko. wala nang iiimprove pa yun ehh.

ako na ang bahala sa buhay ko. ako na. wala nang iba pang makikielam. kung ano man yung gusto kong gawin, mabuti man o masama, maging chain smoker man ako ehh kagustuhan ko yun at yun lang ang nagpapalimot sa mga masasakit na alaala ng nakaraan na hindi mawala wala. naaaliw na ko dun ehh. pati yung pagkain ko ng lugaw dun sa meh gilid ng esem san lazaro..

tuloy tuloy pa rin ang buhay na kahit nawalan na ng patutunguhan. pipilitin na lang na mamuhay ng tama at naaayon sa kagustuhan. kahit na hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko. bahala na lang kung san dalhin ng mga paa sa paglalakad. bahala na kung san mapadpad. ipadala sa ihip ng hangin, ang mga nais kong sabihin sa taong hindi na magbabalik pa sa akin.

"habang may tatsulok. at sila ang nasa tuktok. hindi matatapos itong gulo.."

hindi ko alam na dapat pala ako magparehistro bago bumoto. hindi ko talaga alam. ang alam ko lang kumain at magpalaki ng chan. anlaki ng chan ko. hu hu hu T_T sana lumiit ka na..

sabi ni ralph anthony, mahal nya ko. sabi ko. gagu. sabay sabi ng joke. alam nya naman na bato na ako. hindi nakakaramdam. pansamantala munang iisantabi ang pagmamahal. na nagpapahirap lamang sa akin.

tama. masakit ngang isipin na hanggang dun na lang. magkaibigan na lamang. hindi ko pa kasi talaga alam ang gusto ko. gagradweyt na xa at ako ay mag-iinternship pa. hindi kami magkakasabay. kalilimutan na lang ang damdaming inuukol sa iyo. wala rin namang patutunguhan pa ito. mahal talaga kita, pasensya ka na. hindi kasi ako vocal sa mga nararamdaman ko. nasasabi kong ok lang kahit na hindi naman. kaya lang ayoko na muna. hwahaha!

Monday, February 19, 2007

loser..

natapos na ang masasayang gabi ng UPfair.. next year na ulit. at sa huling gabi, nagkasakit din ako. tao din pala. tinablan na ng sakit..

sabi ng nanay ko naengkanto na ko. gusto kong matawa pero hindi makatawa.

kahit nagkasakit ako nasisiyahan pa rin ako. kasi nakita kong muli ang mga paborito kong banda. da best ang silent sanctuary. astig. pati ciudad. unang beses ko silang mapanood. ang saya talaga..

ang galing ng chicosci pag kinakanta nila yung 7 black roses.. tinutog ng the wuds yung inosente lang ang nagtataka. taz yung giniling festival, ang saya. haha.

kahapon meh film showing ng mga indie na short movie lang. ang galing.. yung salat. sabi nya, ang mga tao sa umpisa parang tuldok. walang kuneksyon pero pag meron na at nagkaroon na ng kuneksyon, bumubuo na ng hugis..

ansaya talaga..bwahaha. hindi ko man nakasama yung taong gusto ko sanang makasama sa mga ganung kasayahan, naging masaya naman ako. kasama ang mga itinuturing na totoong kaibigan..

hanggang ngayon di pa tapos ang thesis namin. si genesis talaga yung kagrupo ko na mataba. lagi nya sinasabi na tapos na pero hindi pa naman talaga. nakakabwisit ang yabang nya kasi. ako naman, naniniwala na tapos na. huhuhu.

buti na lang natapos na ang mga exams. finals na. sportfest at college week. nagtry out ako sa chess. tapos natalo ako. haha. mula nun lagi na ko meh dalang magnetic chess board sa skul. tapos nagpaturo sa kin si sharibel magchess. ako nagturo sa kanya, pero lagi akong talo sa kanya.

ang hirap ng buhay. laging akong talo sa lahat ng bagay.

juviL = LOSER..

Sunday, February 11, 2007

circuit breaker

sana masaya ka ngang talaga. ha ha ha. parang maraming beses na nangyayari pero hindi pa rin nagsasawa. darating din nga siguro ang panahong yon. hindi talaga ako maalam kumanta e. ang alam ko nga, ikaw talaga ang nakakagawa nun.. hehe. para sa'yo ay magiging masaya na ako lagi. kahit hindi na tayo magkikita pang muli. mag - iingat ka sana parati. nandirito lang ako sa iyong tabi.. mauulit pa nga kayang muli. ayoko na sana ikaw makita pa ehh. dahil sa kanila. masasaktan lamang ang bawat isa. hindi kasi nila matanggap na tayo'y magkaibigan lamang.. hanggang doon na nga lang. baka kasi tulad ng iba, ako din ay 'yong iwan. ang pangyayaring iyon ay hindi ko na makakayanan. masaya naman tayong dalawa sa ganito. dapat na lang sigurong makuntento.


Photobucket - Video and Image Hosting



nandyan ka nandyan din ako. walang iwanan. mas ok, mas astig!! hehe


ganito sana ang isusulat ko sa valentine card na ibibigay ko sa bestfriend ko na si ralph. ok lang ba yung ganito? hindi ko kasi alam. hehe.

Tuesday, February 6, 2007

7 black roses

When I leave

I wanna wait for the silence

You gave me all youve got

But now I stand here waving at you

And still you smile, youre still looking back

Maybe I just wasnt kind enough

Im fighting urges to fall again,

Yet I stumble

Chorus:

These roses died 3 days since

Black roses died, we said goodbye

These roses died 3 days since

Im sorry, I miss you


How do I remain complete

When all we bled is lost?

We couldve burned the earth and sky

A second chance chance,
The seconds spent

Each others shadow, shouldve known

Im fighting urges to fall again,

Yet I stumble
(Repeat Chorus)


Hear this Im yours

Im at your feet
(Repeat Chorus)


Inside this heart you still remain

But faded letters are erased





marami na nangyari. hindi ko pa nasasabi. nakalimutan ko na nga.

ako lang mag-isa dito sa bahay ngayon. malamig ang paligid. wala akong kasama sa lahat ng oras. pero merong isang tao na handa akong samahan. itinuturing ko syang tunay na kaibigan. pinakikinggan nya lahat ng mga sinasabi ko kahit wala namang kwenta yung mga yun.

nung biernes nagkita kaming dalawa. kasi meh klase sya dapat pero hindi nagklase yung prof nila. nasa third floor ako nun nagrereview para sa exam sa coridor tapos tinawag nya ko mula sa ibaba. haha. pinapaakyat ko sya pero ayaw nya. pinapababa nya ako. hindi ko alam kung bakit mas pinili ko sya puntahan kesa mag-review para sa midterm exam kung saan wala pa akong alam ng hapon na yun gaganapin din. pinakita ko sa kanya yung ni - drawing ko sa note book kong malaki habang nagkaklase yung prof namin sa nucmed. wala kasi ako gana makinig sa prof na yun e. puro kasi kwento at puro kabastusan haha. ni - drawing ko yung mga barkada ko sa skul. sila prinsesa, sharibel, april, jm, angelicka, master, ate donna, karen, at pati yung sarili ko ni - drawing ko din. haha. wala magawa. pinakita ko sa kanila lahat yun. natuwa sila. ilalagay daw nila sa friendster ng grupo ng mga kamote. gusto nya rin daw makita kaya pinakita ko naman sa kanya. ayos daw.. tinutukso ko sya kay april e, kaya sabi ko ang ganda ni april noh.. pero sinabi nya mas maganda ka naman.

pagkatapos nun, umakyat na uli ako sa third floor kasi nakita ko na yung prof ko na paakyat na din. haha. tinitxt ko pa rin sya. tinanong ko sya kung nasa baba pa rin ba sya. sabi nya nasa boarding haws na sya kasi wala na syang kasama. hindi ko alam kung ba't ko siya na - txt na, sana hinintay mo ko sandali lang naman ako mag - exam e. tapos nagreply sya na pwede pa naman kami magkita. itxt ko daw sya pag pababa na ako at pupunta sya ulit sa skul. at ganun na nga. pagkatapos ko mag - exam, uwian na dapat. pero maaga pa. sinamahan nya ko tumambay sa labas ng skul at magyosi. tapos kung ano ano pinag uusapan namin. pati yung puno at pusa tawa kami ng tawa. hanggang 7:45 ng gabi kami nagtambay.

tapos nun, nagutom na ko. nagutom na din sya. kumain kami sa mcdo. pangalawang pagkakataon na namin kumain dun ng kami lang dalawa. habang papunta kami ng esem nun, sinabi ko sa kanya na, kung ano ano nanaman inisip nila. sabi nila tayo daw. sabi nya naman, hindi ba nila alam na ayaw mo sa 'kin. natawa ako. sabi ko nalang sa kanya, hindi naman kita ayaw e. sabay biglang sabi ko na, ayoko sayo. hahaha. tapos lumayo sya. tapos sabi ko, loko lang. nilapitan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya. magkahawak kamay kami naglakad patungo sa esem.

hindi ko alam kung ano nangyayari. sabi nya sa kin masaya daw sya pag kasama nya ko. sabi ko naman, pinapasaya mo ko pag nakakausap kita. hindi ko alam kung bakit. panu nangyari yun. dahil kaya sa magkaibigan kami o meh iba pa ibig sabihin.

si ralph ang kaibigan kong tunay. tamad sya pero astig.

=)
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo