Sunday, May 20, 2007

faith

napanuod kong muli ang pelikulang a walk to remember. anjologs pero nanuod pa rin ako. ang kulit kasi ng kwento. sobrang aliw ako dito. lalo tuwing sinasabi ni jamie yung "i do not need reasons to make angry with God." na kahit nagkaganon sya at hindi na sya magtatagal ay hindi sya nawalan ng tiwala.

...

naniniwala ko na walang permanente sa buhay. maaring nananatili pero para lamang sa kapakanan at responsibilidad. pero nawawala na o nababalewala na yung layunin. nagbabago din kasi ang trip ng mga tao. minsan madaling magsawa. o hangga't masaya pa sila sa ginagawa.

...

i believe that fate has bring us together. and fate will hurt us after all the happiness that we are going to share. it is only a game that we will play the whole time. and in the end, one will be lost. but somehow, i do believe that we should not let it interfere us. love is like a wind that we can not see but we can feel and it is everywhere. let's make this last forever.

...

wala na ko pakielam sa sarili ko. sa nararamdaman ko. basta makita lang kitang masaya ay ayos na. pipilitin kong gawin at gustuhin ang mga gusto mo para sa 'kin. para hindi ko na mapasama ang loob mo ng dahil sa mga ginagawa kong mali. hahayaan ko nalang.

Friday, May 18, 2007

cold

napakainit ng summer na ito. sumasakit ang ulo ko. hehehe. merong isang beses na nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko dahil dun. kanina yata yun. madali ko nang nalilimutan ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. parang yung mga gusto ko nalang na alalahanin yung naiiwan sa isipan ko na aalalahanin ko.

...

failed again so just leave me alone.

...

meh mga tao na madaling nakakapagsalita ng mga iniisip nya tungkol sa mga tao sa paligid nila na hindi naman talaga nila kilala. lalo pa at hindi ito magandang isipin tungkol sa kanya. kahit biro lang yun ay nakaka offend pa rin. kasi hindi mo gusto yung sinasabi nya na tungkol sa'yo. kasi hindi mo alam minsan meh mga naniniwala sa mga biro lang. tulad ni rose sinabi nya na crush nya si luis pero sinabi nya ulit na biro lang yun. at nung naniwala si luis sa tamang birong yun ay natuwa sya at ginawa nya yung lahat para kay rose at nag take advantage naman si rose. pero dahil biro lang yun ay nasaktan sa bandang huli si luis. kasi hindi pala seryoso sa kanya yun si rose.

...

nakakalungkot yung ganon. kasi akala mo ayos na ang lahat at masaya ka na sa lahat ng nangyayari. kuntento ka na. tapos biglang merong ganong salitaan na hindi naman pala totoo at pinaniwalaan mo akala mo yun na. pero matatapos din ang pansamantalang kasayahan at mawawala rin at lilipas.

Tuesday, May 15, 2007

desolation

ayoko na mag duty. nakakatamad. tapos yung mga kasama ko parang ayaw nila sa 'kin. lagi nila ako iniiwan. mag-isa. tuwing papunta ako dun, lagi ko nasasabi sa sarili ko na 'eto nanaman ako..' tapos pag naiwan na nila akong mag-isa para akong maiiyak.. tapos pinipigilan ko na lang. ang sama sama ng loob ko.

sana talaga mahal mo ko. kasi lubos na ang tiwala ko sa'yo. na hindi mo 'ko iiwan kahit kelan. tulad ng mga sinasabi mo. umaasa talaga ako na kahit ano mangyari ay nandyan ka lang. na yung kahit hindi tayo parating magkasama, parang nandyan ka pa rin.. hindi ko din kasi alam kung ano yung gusto ko nung minsang tinatanong mo ko na makakapagpapasaya sa 'kin. minsan kasi yung mga nasasabi ko na parang ok lang sa 'kin na ganon ehh hindi naman talaga. sinasabi ko lang yon para marinig ko kung ano ang masasabi mo kapag ganon. kaya lang yung mga naririnig kong salita ay nagpapalungkot lamang sa akin. kasi hindi yun ang parang gusto o inaasahan kong marinig. at hindi ko pa yon mashadong naiisip pag magkasama tayo nun. kasi ayokong isipin at mashadong pansinin. kasi kasama kita at wala akong ibang iniisip kapag ganon. naiisip ko nalang kapag nasa bahay na ko at patulog na. hanggang sa hindi na ako nakatulog.

tapos na ang eleksyon sino kaya sa mga binoto mo ang nanalo?.. at boto mo lang ang nagpanalo. hindi kasi ako rehistrado. kaya sabi ni ser joseph alien daw ako. hindii kasi mumu ako. awoo!!

nung mother's day, nag-uwi ako ng picha binili ko sa greenwich. mukha naman natuwa si mama. kasi hindi sya nagalit sa 'kin nung araw na yon. wahaha.

nahaharap ngayon si mama sa isang sakit. kaya kasalukuyan syang nagpapa-therapy. sana nga ay gumaling na sya sa pamamagitan nun o di kaya ay mabawasan ito. pero sana talaga gumaling na...

natutuwa talaga ako kasi ka-duty ko si angge bukas.. kasi kaibigan ko sya.. =)

ate idealpinkrose, intern pa lang po ako ehh kaya hindi libre yung timecard. hehehehe.

Sunday, May 6, 2007

just for you

lagot. huling huli sa akto.



meh mga pagkakataon nga naman na mapapaisip ang isang tao at matatanong ang kanyang sarili ng mga tanong na hindi rin naman alam ang kasagutan. bakit nga ba. ewan.

kasalukuyan akong kumakain ng popcorn. naaadik na ang pamilya sa mais. kahapon yun nilagang japanese corn. ilang araw din na yun ang merienda. talagang masarap naman kasi. ngayon naman ay popcorn. at hindi pa nakakataba. bwahaha!

natatakot ako dun sa mga radtech dun sa eamc. lalo dun sa isa si maam lani at dun sa bading yun. hindi pa nya napipirmahan yun timecard ko. kasi nakalimutan ko bumili ng timecard para sa buwan na ito nun tapos May 1 pa pala at holiday dahil labor day at 1:5 ang magiging make up duty pag umabsent sa mga ganung panahon. kapag hindi nya yun napirmahan ay lalabas na absent ako. kaya dapat mapirmahan nya yun dahil hindi naman ako umabsent. missing in action kasi sya ngayon. kaya sobrang in demand sya at maraming naghahanap sa kanya. hwahaha

natatamad tuloy ako magduty dahil sa kanila. hwahaha. tas kagabi pa nakakatakot din yung isang pasyente kasi paulit ulit sya tas sinisigawan ako. at mukang lasing. buti na lang umalis na. napaalis ko sya nagtagumpay ako wahaha. pero bumalik ulit. parang gusto ko na magtago. waah ang kulit nya.

sana matapos na ang lahat.

Saturday, May 5, 2007

astig

wahaha. ngayon na lang ulit naalalang meh blog pala ako. hwahaha. ehh kasi naman bigla ko na lamang nakalimutan yung password ko para dito. buti naman after 45 years ay naalala kong muli.

nagdaan na ang P U L P summer slam 7. at nagpunta ako kahit late na. hwahaha. kasi 2-10p yun duty ko nung araw na yun sa eamc. sinundo pa ko ni rafd. ehh ang aga nya dumating, isang oras yata yun bago matapos yung duty ko. ehh dun din sya nagduduty dati kaya kilalang kilala sya nung mga tech dun. nagulat sila lahat nung malaman nila na ako ang girlfriend nya. napag alaman ko na madami pala syang ka-loveteam dun. sabi pa ni maam queen yung isa daw wala pa ako sa kalahati nun. hwahaha dambuhala yata. hindi ko pa nakikita. tapos iniyakan daw nun si rafd dahil hindi daw nya ito pinapansin. tapos yung isa naman yun ka-duty ko na si shelvy. hwahaha. sabi pa ni mam queen ang swerte ko daw dahil kahit ano daw na pambubuyo nila kay rafd sa ibang babae ay hindi ito natinag. hwahaha. natawa na lang ako. hindi ko alam kung anong dapat na reaksyon dun. na kahit pala wala pang kami nung mga panahong yun ay mahal na daw nya ako at hindi nya nagawang pumansin ng iba. astig!

naabutan pa naming magka jam yung queso greyhoundz at slapshock. tapos yung hilera na yung sumunod. astig. lalo nung kinanta nila yung define. nagpunta kami sa gitna kasama sila ate margz at ang iba pang pulper. tapos nun yung death angel na. antagal nila nagperform. isang album yata yung tinugtog. sila yung international na banda na featured ngayong taon. tapos yung typecast na. astig talaga.

tinapos namin yun hanggang huli. tapos umuwi na. hinatid nya ko. hwahaha taz antagal nya umalis antok na ko taz meh duty pa ko ng 2-10pm ulit nun. partida talaga. pero masaya talga. bwahaha!

meh ubo ako ngayon. at mamaya 10p-6am ang duty ko. ayos naman kasi sanay ako sa puyatan. pero nakakatamad na magduty!!!

buti nalang bukas off ko at pati sa sunday din. hwahaha astig!!!

Saturday, April 14, 2007

failed again

yey! 4th yr na ko. hwahaha!!!

tama lang. gusto ko na kasi matapos na ang lahat. para ayos na. wala ng skul kasi natapos ko na. akala ko madali lang yung gagawin pero mahirap pala. kinailangang gumising ng maaga para hindi mahuli. maghintay ng masasakyan at maghintay ng oras ng napakatagal. tatlong araw ko nang ginagawa at pinagtyatyagaan. hwahaha. sana nga ay matapos na. mahaba haba pa naman ang aking gugugulin.

ngayon ay friday the 13th. nung una hindi ko alam nalaman ko nalang nung nag txt sa akin ang isang mabuting kaibigan. na ang araw na ito ay friday the 13th nga. hindi ko na kasi napapansin ang mga araw. ang araw daw na ito ay malas. tulad ng iniuugnay ng iba tungkol sa araw na ito. sabi nung isa kong kakilala, ang kamalasan ay nasa isip lamang ng mga taong di matanggap ang kanilang kahinaan. tanggap ko ang kahinaan ko. alam kong tanga ako kaya nangyayari yung mga bagay na di ko inasahan. hindi kasi ako nag-iisip. matagal kasi akong mag-isip kaya hindi ko na lang pinag-iisipan. para mabilis lamang. kaya naman ganon na lamang ang kinalalabasan. ng maling desisyon at hindi pag-iisip sa talagang dapat at tama. kaya wala na dapat pa akong sisihin kundi ang aking sarili na ubod ng kawalang halaga. walang kwenta. at hindi ang sa kung ano man ang araw na ito.

failed again so just leave me alone. bwahaha!!!
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo