kanina hinatid ko sya sa bus terminal sa buendia. pauwi kasi sya sa laguna. first time ko ginawa yun. nakakatuwa. kasi sya yung madalas na naghahatid sa 'kin sa sakayan tuwing pauwi ako taz ngayon naisip ko na sya naman yung ihahatid ko sa sakayan. ang pakiramdam e parang gusto ko nalang sumama sa kanya he he he. ayos naman. para pa ngang ayoko pa umalis dun sa sakayan hanggat hindi pa umaalis yung bus na naghihintay pa ng mga pasahero. tulad ng ginagawa nya. yung hindi umaalis sa kinatatayuan hanggat natatanaw pa habang paalis. sobrang nakakatuwa yung ganon. aliw talaga. sobrang nakakatats..
yey natapos na ang kontrata sa east avenue medical center. kaya lang babalik pa ko bukas para sa huling lecture at exam. after nun, mage-enroll na ko para sa senior internship. senior na ko bwahaha!!
hindi ko pa masyadong alam kung saan ba talaga ako magsisenior. kahit saan basta sa private o semi-private na hospital naman. sa ust o sa philippine heart center. kapag sa ust, madalas ko sya makakasama. kasi dun sya nagwowork e. madalas ko sya makikita. hindi daw nakakahawak ng pasyente yung mga intern dun, panay observe lang. kapag naman sa heart center, makakasama ko mga kaibigan ko kung mapapag-usapan na dun na nga mag-iintern. makakahawak daw dun ng pasyente at hindi puro observe lang. mas astig siguro sa heart at medyo malapit lapit pa sa bahay namin..
dalawang magkasunod na araw kami nagkasama. kahapon at nung isang araw. pero ngayon pa lang, nami-miss ko na sya.. nami-miss ko sya kahit na nakatingin na ko sa kanya. taz napapatingin ako sa kawalan. habang iniisip ang mga masasayang alaala nuon. na parang nauulit lang pero mapapansin ko na mas masaya yung ngayon. kasi kapag nagkakasama ko sya, parang ambilis ng oras. kasi ayaw pa dapat mag-uwian pero kailangan na. at mananabik nanaman para sa araw ng muling pagkikita. half a year pa lang kami pero pakiramdam namin, sobrang tagal na..
para sa mga nagdaang panahon ng pagkawala sa sarili para lamang sa 'yo..
ang pagkakataon nga naman. weeks nalang at hindi na months ang bibilanging mga araw, ngayon pa ko sumablay. kung kelan malapit na malapit na kong makawala. na-demerit pa ko ng dalawang araw. tsk ang malas ko. tanga kamo. anu ba nangyari, sulat ko ba yun. sigurado ako na hindi sigurado e. dalawa pa kami ni marian. siguro nga kasalanan ko yun at nadamay ko pa sya. gaspang kamo. hindi kasi ako perpekto at nagkakamali sin. pero mali nga naman talaga. pero sang beses pa lang naman nangyari yun sa'kin sana nagkaron muna ng warning. ba't yung mga naunang intern na ganun din yung nangyari eh hinayaan lang nila. gaspang talaga.
nakakainis pa kanina kasi hindi ako nakapag lunch break. pano si sir jhing (yung clerk sa admitting)nagi-stroll. kaya ako muna yung ipinalit sa kanya. grabeh ang gaspang kamo kasi kapwa intern ko pa ang nag-utos sa'kin nun. naku kundi lang talaga ako mabait, hindi ako papayag. taz biglang demerit ako ngayon..ampf naman.
tuwang tuwa pa sila kasi sa wakas daw na-demerit ako. gaspang.
gustong maiyak pero hindi ko hinayaang mangyari yun. kasi wala na namang kwenta yun. walang magagawa kasi nangyari na. tapos na. naiisip ko ngayon na wag nang magpatuloy sa pagduduty dun. ayoko na sana.
humahanap lang talaga ako ng pagkakataon na makatakas. pero ganito pa ang nangyayari sa buhay intern ko sa hospital na yun. damnit.
humahanap ako ngayon ng pagkakataon para makatakas. lumayo sa mga sitwasyong hindi ko matanggap na ganon. para makapagsarili na lang.
gusto kong ibalik ang nakaraan kung saan natuto akong nag-iisa sa pamamagitan ng sarili kong utak at kakayanan. nakakapag-isip ng tama at naaayon sa kagustuhan. walang nakikielam at nagmamanipula. walang nagtatanong kung bakit ganun ang ginawa ko at nagsasabing hindi ito tama. sarili ko naman yun at sinisiguro kong kaya ko itong panindigan.
sa ngayon nag-iisa akong humahanap ng solusyon sa problema ko. nasa number 44 na ako at bagamat mejo madaming mga problema akong nilaktawan. inuuna ko kasi ang mga madadaling problema. babalikan ko naman yung mga yun at hindi ko hahayaang mabaon na lamang sa limot. iisantabi muna para isang beses na lang ang madugong pag-iisip. mag-iisip nang mag-iisip. hindi ako magtatanong. sasaliksikin ko itong mag-isa. kaya ko yun. tulad ng dati. magagawa ko.
gigisingin ko ang sariling nakatulog ng mahabang panahon. lulutasin ko ang mga problema na hindi nanghihingi ng tulong sa iba. ayoko nang umasa sa kanila. kailangang sanayin ang sarili, para sa pagdating ng araw na merong sariling aasahan.
ipapalabas ngayon ang sukob. na pinagbibidahan ni kris aquino. na namatay din nung bandang huli ng kwento. mahilig akong manuod ng mga nakakatakot at madalas ko din takutin ang sarili ko at hindi ako nakakatulog ng maayos hanggang limang araw. ngayon na panggabi ang sched ko sa hostipal na yun. natatakot ako palagi. lalo na sa darkroom kung saan nagdedevelop. wala nga kasing safelight. sabi naman nila mas nakakatakot daw kapag meron safelight kasi mas nakikita daw yung tumitingin sayo. kaya mas maganda daw kapag madilim at walang nakikita.
kapag nakikita ko yung mga pasyente na may napakalaking sugat at bali pa ang buto pero wala lang silang reaksyon, naiisip ko na balewala pala yung ginagawa ko dati na pagpapadugo ng pulso ko.
ngayon lang ako nakapag-post muli dito. sobrang busy kasi ng schedule at hindi na ako nakakatulog ng maayos. nahiligan kong kumain ng kumain buong araw kapag wala akong duty. nagdaan ang buwan ng hulyo na hindi ko man lang napansin o naramdaman.
at august na pala ngayon!
ayos. malapit na mag-end yung internship ko sa hostipal na yun. 2 months nalang ang nalalabi. grabe ang bilis talaga ng pagdaan ng mga araw. sana bumilis pa lalo. bwahaha
natutunan kong mag-ipon para sa pagkain. andami ko nakakain kapag marami akong pera. dati kasi nag-iipon lang ako para sa astig na cd na bibilhin ko. kaya naman ngayon, wala akong bagong cd pero tumaba naman ako.
andami na nagsasabi na tumaba na daw ako. hiyang sa eamc. syempre sino ba naman ang hindi gugutumin dun. sobrang dami ng pasyente kaya hindi nakakakain sa tamang oras. nalilipasan ng gutom. tsaka na kakain ng madami kapag ubos na ang pasyente. kaso paisa isa ang dating nila..
kaya naman natutuwa talaga ako at august na. at pagdating ng september tapos na ang duty ko. next month na yun! =)
nakapasa pala si rafd sa pa board exam ng prc. ayos. astig!
kapag oras na ng isang tao na mawala sa mundo ay mawawala sya. lalo pa sa hindi inaasahang panahon.kahit pa sa mga panahong kailangan natin sya na magbibigay inspirasyon para maging malakas at magpatuloy sa buhay. o sa mga panahong masaya ang lahat. kahit pa gawin natin ang lahat para mapanatili sya ay mawawala pa rin. lahat naman ginawa natin para sa kanya pero hanggang dun nalang sya. naramdaman ko na hindi naman sya nag-give up agad. habang lumalaban tayo (by providing the expensive life supports) ay lumalaban din sya. lumaban pa rin sya hanggang sa kahuli hulihang sandali. ginawa nya yon para sa mga taong alam nyang sobrang nagmamahal at nagdarasal para sa ikabubuti ng kalagayan nya. sobra din syang nahirapan. pero nagawa nya yon para maging masaya ang mga mahal nya. at kung kelan naman parang ayos na at masaya na ang lahat para sa kanya, saka sya mawawala. nawala sya sa kaalamang napasaya nya ang mga mahal nya sa buhay bago sya tuluyang umalis.
wala tayong magagawa kundi harapin ang katotohanan. na lahat ng tao ay nabubuhay at mamamatay rin. pero sa pagitan ng dalawang pagkakataong yun ay naging masaya naman. i-enjoy nalang ang bawat sandali na nabubuhay bago man lang mamatay.